Yuri's POV
"Grabe talaga ugali ng kaibigan mo eh." nagulat naman ako dun sa nagsalita.FOR REEEEAAALLL???!!
"Ahehehe, ganyan lang talaga ugali nyan. Masanay ka na."
"Ganun? Babae ba talaga un?"
"Oo naman. Kilos lalaki lang minsan."
"Opposites kayo 'no?"
"Bakit naman?"
"Eh sya walang pakielam sa paggalaw nya. Ikaw, full of poise. Kumbaga, puno ng arte."
Compliment ba ung sinabi nya o insult?
Well...
I'LL TAKE THAT AS A COMPLIMENT! HIHI!
"Tara. Kain tayo sa canteen." whaaaaa! Isdiztruuuu? Inaakit nya akooo!
"S-sige." and ayun, pumunta na kami sa canteen. Linibre pa nga nya ako.
At ngayon, whaaaaaaa!!! Sabay kaming kumain! Kaming dalwa lang kasi halos ang andito sa canteen kasi busy ung mga estudyante sa pag usisa dun sa field kung ano nangyari.
"Yuri..."
"Yes?" bigla naman syang lumapit sa akin at...
"May amos ka, pinunasan ko lang."
"Ganun? Hehe. Thanks."
"Yuri...m-may gagawin ka ba sa Sabado?" hmm...may gagawin ba ako?
"Matutulog ako..hehe.."
"I mean...busy ka sa Sabado?"
"Hindi naman, bakit?"
"I'm inviting you sa party I mean anniversary party ng parents ko."
"H-ha? Bakit?"
"They want to meet you. The last time kasi na magkasama tayo, nakita ako ni Ate kaya ayun, akala girlfriend kita. Kahit anong tanggi ko ayaw maniwala kaya sabi nila, pumunta ka daw sa party. Ipapakilala kita as my girlfriend."
O_______O
ANO DAAAAAW???
"S-sure kaaaa?" ano ba Yuri! Wag ka ngang mautal! Malandificent ka nga dibaaa?
"Oo. So, pwede ka?"
"YES!!!" mabilis kong sagot. Aba syempre. Pagkakataon ko na 'to. Di dapat magpabebe.
-----
"OY YURI BILISAN MO ANDUN NA SI JAYSON SA BABA!" sabi ni Nami habang kinakatok ung pinto ng kwarto ko.
"Oo teka lang!" maganda na ba ako? Ayan pwede na. Hihi.
Bumaba na ako wearing red fitted dress and red stilettos. Bongga di ba? Syempre maganda ako eh.
Pagkababa ko nakita ko si Jayson na nakaabang sa hagdan. Huwaaaaw!! ANG GWAPO NYA! Kahit nakapolo lang syang black and nakapantalon na white, ANG GWAPO PA RIN NYA GOSH!
Jayson's POV
Ang arte arte talaga nitong babaeng 'to pumorma eh. Pero kahit ganun, ang ganda nya pa rin (maarte nga lang).Andito na kami ngayon sa bahay namin and magkatabi kami ngayon sa sofa. Iniintay ko lang sina Mommy na dumating.
Hays. Bakit kasi ayaw nila maniwala? Yan tuloy, no choice ako, nadala ko nang wala sa oras dito at ipakikilala si Yuri as my girlfriend. Buti naman pumayag si Yuri. Madali naman pala syang kausap.
![](https://img.wattpad.com/cover/6610419-288-k653149.jpg)
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts (Me and You)
Fiksi RemajaWhat if 2 opposite things collide? Will it work? Or not?