A/N:
This is a short story. 20- 25 chapters lang po ito. This is under the category of short story. Gusto ko lang pong pagbigyan ang mga readers kong naghahanap ng ikatlong bahagi ng Whimper & Lizzie Lovesory.
Ang anumang pagkakahalintulad ng mga pangalan ng bida, lugar, at pangyayari sa kwentong ito ay hindi sinasadya. Ang lahat po nang nakasulat dito ay pawang kathang isip o medyo halaw sa tunay na buhay ng inyong author. Sa akin lamang at wala ng iba. Ang magtangkang kopyahin ito ay sinusumpa kong hindi magiging matagumpay habang buhay... hahahaha!
Enjoy!
________________________________
PROLOGUE:
It's been six years simula nang umalis ng Pilipinas si Whimper. Nagkikita pa rin naman kami kada sembreak o bakasyon sa school at kapag meroong mga shows si Whimper na ASIAN Countries ang tour. Mga isa o dalawang araw din kaming nagkakasama. Okay na rin kahit na bitin. Ang importante ay madalas pa rin naming nayayakap ang isa't-isa.
Tuwing birthdays, anniversaries, Christmas at New Year ay umuuwi din ng Pinas si Whimper. Kapag hindi siya nakakauwi dahil busy sa work, bukod sa school, ay ako ang pumupunta sa USA. Everything is going on smoothly sa aming relationship. Kahit na long distance ito, ay masaya naman kaming dalawa. Hindi nawawala ang aming communication.
"Ate, ok pa ba ang itsura ko?" Tanong ko kay Ate Menchie. Galing kasi ako sa trabaho ko kanina. Isa na akong nurse sa hospital. Habang si Whimper ay ganoon din. Pero hindi pa siya nagpapractice ng propesyon namin. Ang sabi niya kasi sa akin ay dito na daw siya sa Pinas mag-aapply.
For good na daw kasi siya dito sa ating bansa. Kaya ako, eto, excited na excited. Dahil hindi lang isa o dalawang araw ko siyang makakasama, unlimited na! Masaya talaga!
"Ayos naman, Bunso. Halatang excited ka na ah? Para namang hindi kayo nagkita last month." Pang-aasar sa akin ni Ate Menchie. Sila kasi ni Kuya Dave ang pinakiusapan ko para samahan akong sunduin ang aking pinakamamahal na fiance.
Tumapat ako sa side mirror ng aming Fortuner at nagretouch ng lipstick ko. Kailangan kong maging mukhang presentable para sa kanya. Kahit naman matagal na kaming magkasintahan, hindi pwedeng magpabaya na lang ako sa aking kaayusan.
"Sigurado ba kayo? Para kasing namumutla na ata ang labi ko." Tanong ko pa sa kanila habang sinusuklay naman ngayon ang aking buhok. Natetense talaga ako!
"Ayos na iyan." Natatawang sabi ni Kuya Dave. Eh kasi naman, ayoko talagang magkaroon ng second thoughts sa akin si Whimper. Gusto ko ay huwag na siyang magalinlangan na pakasalan ako. Baka kasi mamaya ay bawiin pa niya sa akin ang kanyang marriage proposal five years ago.
Sinulyapan ako ni Ate. "Maganda ka na. Ano bang sabi ni Whimper, palabas na ba daw siya?" Tanong ni Ate Menchie sa akin.
Kinagat-kagat ko ang labi ko. "Oo, Ate. Kanina pa daw lumapag ang eroplano nila eh." Kinakabahang sagot ko.
Kabadong-kabado ako dahil bukod sa ngayon siya uuwi ng for good, ay ngayon din ang kasal namin. Ang dating ni Whimper ay 7:00pm, at ang kasal namin ay mamayang 10:00pm. Mabuti nga at may kaibigan si Papa Tope ko na Pari na siyang napapayag niya na magkasal sa aming dalawang magkasintahan. Hindi na kasi kami makapag-antay.
BINABASA MO ANG
The Marriage
RomancePagkatapos ni Whimper (Myungsoo) pagdaanan ang Falling For MIss Perfect ay nagtiis siya para sa walang katapusang The Chase. At ngayon, pagkatapos ng limang taon, haharapin nila ni Lizzie (Suzy) ang lahat ng pagsubok sa kanilang matagal ng pinangara...