(9)

5.2K 111 9
                                    

A/N:

Guys, sorry kasi dumating ang kapatid ko. Sobrang busy kasi laging nagpapasama sa akin. Sorry po kung late tuloy ang mga uploads ko. 

VOTE & COMMENT po tayo.

_______________________________

(9)

HOSPITAL

Nagparty kami kinagabihan. Pumunta kami sa bar. Walang jet-jetlog sa akin. Miss na miss ko ang Pilipinas kaya eto ako ngayon at sabik na sabik gumala. Kinontak ko si Greg para sumama sa amin ni Kent na magbar. At dahil kababalik ko lang, niyaya ko na din si Ate Menchie ko para makapag-bonding na rin kaming dalawa. At kapag sinabing kasama si Ate Menchie, tiyak na kasama si Kuya Dave.

I have nothing against Kuya Dave. Naging manliligaw ko din siya wayback highschool. Tanda ko noon kung paano niya ako pahalagahan. Pero sadyang ang nakakabata niyang kapatid na si Whimper ang pinili ko. Kaya sa tuwing makikita ko siya, isang tao lang ang naaalala ko.

Sabay kaming dumating nina Ate Menchie at Kuya Dave. Wala pa kasi akong nabibiling sasakyan kaya nakikisakay lang muna ako sa kanila. Si Kuya Dave ang nagmamaneho, katabi niya si Ate, at ako sa likod.

"Kumusta ang US, Lizzie?" Tanong ni Kuya Dave sa akin. Sumulyap siya sa rearview mirror kaya alanganin akong ngumiti. This is so awkward! Dati ko kasi siyang bayaw. Sabagay, kung ikakasal sila ng Ate ko ay bayaw ko pa rin naman sila.

"Ok lang." Sagot ko. Napatunayan ko sa sarili ko na nasa bansa ko na talaga ako. Sa US kasi, Liz ang tawag nila sa akin.

"Alam ba ni Whimper na umuwi ka na?" Tanong sa akin ni Kuya na parang balewala lang sa kanya.

Napakunot tuloy ang noo ko. Paano niya ako natatanong ng ganito kakaswal? Kung magtanong siya ay parang wala lang. Para bang hindi niya alam na naghiwalay na kami na napaka imposible.

"Hindi. Bakit naman kailangan ko pang ibalita sa kanya?" Tanong ko. Hindi ko na mapigilan ang magtaray sa tono ko. Naiinis kasi ako sa kanya. 

Itinaas ni Kuya Dave ang isa niyang kamay. Iyong panghawak niya ng kambyo. "Hey! Easy lang. Wala akong balak na makipag-away sa iyo."

"Hon, stop it! Huwag na lang natin kasing pag-usapan ang kapatid mo." Malambing na awat ni Ate sa kanya.

Hindi ako umimik at umiwas ng tingin. Mahal ko ang Ate ko. Siya lang ang nag-iisa kong kapatid. Ayaw kong magkalayo ang loob namin. Pero tingin ko, kung tuwing yayain ko siya at kasama niya si Kuya Dave, baka umiwas na lang muna ako. Hindi ko naman sila dinadamay dahil lang nagkahiwalay kami ni Whimper, ayoko lang talagang magkaroon ng kahit na anong magpapaalala sa kanya.

Parang sinasadya naman ng tadhana na biglang nag-ring ang fone ni Kuya Dave. Nakita ko sa aking peripheral vision na napatingin siya kay Ate Menchie. Kaya naman napalingon na rin ako. Lalo na at bawat tunog ng ring ay parang palakas ng palakas ang kalabog ng puso ko.

"It's Whimper!" Sabi ni Ate Menchie. Sinilip pa niya ako dito sa backseat. Nagkatitigan kami. Ipinakita ko na parang balewala lang ang lahat. Pero sa puso ko, parang may drum rolls na akong nadarama.

The MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon