(16)

4.8K 101 15
                                    

(16)

SELOS?

Nagpumilit si Whimper na ihatid pa din ako sa bahay namin ng matapos akong gamutin sa hospital. Nilagyan lang naman ng bandage ang binti ko at gasa sa leeg kong nakalmot. Buong byahe ay hindi ako nagsalita. Sinabi ko lang ang direksyon kung saan ako umuuwi. Abala kasi ako sa pag-aalala ko kung anong magiging reaksyon ni Mama ko kapag nakita ito. Baka ipatapon ako noon pabalik ng America.

"We're here." Sabi ni Whimper habang ipinapasok ang sasakyan niya sa malawak naming bakuran. Kung hindi pa niya sinabi ay hindi ko mamalayan na nasa mansion na pala namin kami.

Binuksan ko ang pinto ng kotse niya para sana makababa. Pero maagap na nakaikot na si Whimper para ipagbukas at alalayan ako. Medyo naiilang naman akong tinanggap iyong kamay nila. Pero inabot ko na rin. Siya na rin ang nagsara ng pinto ng kotse.

Pagkasara niya ay inilibot niya ang paningin sa paligid. "Mukhang payaman kayo ng payaman ah?" Puna niya.

Alas singko na ng umaga at alam kong tulog pa sina Mama. Mabuti na rin iyon. Hindi pa kasi ako nakakabuo ng paliwanag kung anong nangyari sa akin. Ang malala pa ay inumaga ako ng uwi at kasama ko pa ang dati kong asawa na naging sanhi nang pagsuko kong mabuhay noon.

"Mayaman ka na rin naman ah." Sagot ko habang tinititigan siya habang hindi siya nakatingin. Mas nagmatured siya at mas gumuwapo. Ilang babae na kaya ang nagdaan sa kamay niya ng maghiwalay kami? Mas lumaki pa ang katawan niya kesa sa dati. Modelong-modelo pa din ang dating ng dating nerdie na si Whimper.

Napaiwas ako ng tingin ng mahuli niya akong sinusuri siya. Hindi ko kasi mapigilan na hindi punahin, sa isip ko, ang ganda niyang magdala ng damit. Kahit simpleng white shirt lang at pangibabang scrub suit ang suot niya. Total package pa din siya.

"Siguro ay galit pa rin sa akin ang magulang mo, Lizzie." Malungkot na sabi niya kaya napatingin akong muli.

"H-Hindi naman sila nagalit sa iyo. Nagalit lang sila sa sitwasyon natin noon." Nabubulol na sagot ko habang humihilig sa sasakyan niya kasi nangangalay na ako sa pagtayo.

Tumitig siya sa akin. "Bakit nga ba tayo naghiwalay, Lizzie?" Malungkot na tanong niya.

Ang sarap isa-isahin ng lahat ng mga naging problema namin dati. Pero hindi ko na iyon inungkat. Maaring siya halos ang may kasalanan, pero tingin ko, meroon din ako kahit konti. Bilang babae, hindi dapat ako bumigay sa pagsubok. Dapat mas naging matatag ako sa mga problema namin noon.

"Siguro hindi lang talaga tayo para sa isa't-isa." Iyon na lang ang naisip kong isagot. Hindi pa kumplekado.

Napakagat labi ako ng pumikit siya ng mariin. Parang hindi siya sang-ayon sa aking sinabi. Bumuga pa siya ng hangin bago sinabing,  "Hindi ako sangayon sa iyo. Naniniwala akong tayo pa din sa huli." Sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata.

 "Huh?"

Lumapit siya sa akin. Halos magwala ang kung ano sa sikmura ko. Parang nahihirapan akong huminga sa sobrang lapit niya. Nakakailang ito!

The MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon