(17)

4.7K 114 11
                                    

A/N:

WARNING: BAD WORDS. SPG!

______________________________ 

(17)

IPINALIT?

"Whimper, gising na daw si Nanay. Iyong pasyente nating inopera kanina. Pupuntahan namin ni Doc Kent. Sasama ka ba?"  

Hindi ko na inantay ang sagot niya. Tumalikod na ako para lumabas. Baka kasi mabasa pa nila ni Apple ang nasa isip ko. Halos mabangga ko pa nga si Carl nang lumabas ako ng pinto.

"Sorry!" At agad akong pumunta sa elevator para pumunta sa floor ng ward.

Naiirita ako! Alam kong ako ang tumanggi sa pakikipagbalikan niya noong gabing iyon. Dapat ay wala akong pakialam kung gustuhin man ni Whimper na maghanap na nang ibang babaeng hindi matatakot na mahalin siya. Pero hindi ko alam kung bakit may kurot sa puso ko. Naapektuhan ako sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan.

Pasara na iyon nang biglang hawakan ni Whimper ang pinto ng elevator. Nagkatinginan muna kami sandali ng mata sa mata, bago siya walang imik na tuluyang pumasok.

Enclosed space with Whimper? OMG! Halos mangatal ang mga daliri ko nang pindutin ko ang third floor.

Nagpapasalamat ako na hindi ako kinausap ni Whimper. Alam kong mahahalata niya ang kaba ko kapag nagsalita ako. Ang bilis-bilis kasi ng pagtahip ng dibdib ko. Grabe! Lalo na at naamoy ko pa ang bango ni Whimper kahit na pinawisan na siya kanina.

Kaya nang bumukas ang pinto ng elevator ay nagmamadali akong lumabas. Halos liparin ko na ang buong second floor para makarating agad sa kwarto nina Nanay.

"Inumin po ninyo ang gamot ninyo sa tamang oras." Nagbibilin na si Kent kay Lola nang makarating ako. Actually, kami. Nakasunod nga pala si Whimper sa likod ko. 

Nakita agad ako ni Kent na papasok ng ward. "Andito po pala ang mga nurse ninyo. Mapapainom na kayo ng gamot." Baling ni Kent sa pasyente. 

Nang marinig iyon ni Whimper ay agad niyang inabot ang gamot sa tray na para kay Nanay. Ako naman ang nag-abot ng tubig. Nang matapos namin siyang painumin ng gamot ay agad ko siyang kinuhanan ng blood pressure ayon sa utos ni Kent. Mabuti naman at normal.

"Maiwan ko na po muna kayo sa kanila, Nanay." Paalam ni Kent sa pasyente.

Naririnig namin kasing pinepage na naman siya sa operating room. Siya na sikat! Dalawa naman silang surgeon sa umaga ni Doc Weng Sia, pero sadyang madami ang gustong ipagkatiwala ang buhay nila sa kanya. Madami ang narerequest na ang aking kaibigan ang magopera.

Ngumiti si Nanay kay Kent. "Salamat."

Bumaling si Kent sa amin. "Check all her vital signs. I-endorse din ninyo sa nurse sa floor na ito ang mga gamot ni Nanay bago kayo umalis. Bumalik agad kayo sa Operating Room at baka kailanganin kayo doon." Bilin niya sa amin.

"Yes Doc!" Halos sabay naming sagot ni Whimper. Iniwan na kami ni Kent dito para asikasuhin muna si Nanay.

"Punta muna ako sa nurse station." Paalam ni Whimper para tupadin ang iniutos ni Kent sa amin.

Chineck ko ang IV line ni Nanay. Pati ang kanyang sugat sa opera ay tiningnan ko dahil baka dumudugo iyon. Mabuti na lamang at hindi naman pala.

"Ineng, pwede na ba akong lumabas?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako. "Hindi pa po pwede. Inoobserbahan pa po kayong mabuti. Dahil baka magkaroon nang komplikasyon ang operasyon ninyo sa atay kaya dito muna po kayo." Paliwanag ko sa kanya.

The MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon