(5)

5.4K 91 0
                                    

A/N:

WARNING: SORRY SA MGA BAD WORDS! Please read MY ALIEN BOYFRIEND nasa profile ko iyan. Thanks!

___________________________________

(5)

PRIORITIES

 

Sina Rave at Sam na ang naghatid sa akin ng gabing iyon. Napanis na kami sa pag-aantay pero hindi na nakabalik si Whimper. Ganoon ba kahaba ang pinirmahan niya? Nagulat pa ako noon nang dumating ako sa aming condo at naandoon na siyang nagpapahinga sa sala set. Ang tanging sinabi niya sa akin ay..

“Umuwi na ako. Sobrang pagod ko na, Wifie.”

Gusto ko noong magtampo sa kanya pero pinigilan ko. Hindi man lamang kasi siya nagtext para hindi na namin siya inaantay. Saka sana man lang sinabihan niya ako noon na nakauwi na pala siya sa bahay para nagtaxi na lang ako pauwi. Paano kung hindi nagvolunteer sina Rave na ihatid ako? Eh di kawawa naman pala ako noong gabing iyon?

Ngayon ay naandito ako sa aming family gathering. Birthday kasi ni Papa ko kaya nagkaroon kami ng kaunting handaan. 50 years old na kasi siya kaya ipinaghanda namin bilang pasasalamat. Nagpapasalamat kami sa taas dahil malakas parin si Papa at hindi nagkakasakit. Kung titingnan mo nga siya ay para lang siyang boyfriend ng Ate Menchie ko. Looking young dahil sa galing mag-alaga ni Mama ko.

“Makakarating ba si Whimper, Baby?” Tanong sa akin ng aking Mama Ria.

“Opo. Nangako po siya na pagkatapos ng fashion show ay didiretso siya dito.” Siguradong sagot ko. Iyon kasi ang napagusapan namin ni Whimper kanina kaya sure akong dadating siya. Isa pa, birthday ito ng Tatay ko kaya alam kong importante ito para sa kanya.

Humilig ng konti si Ate Menchie sa balikat ni Kuya Rave. “Sobra naman kasi kayong magpayaman, Sis. Madami na naman kayong naipon dapat medyo magpahinga na si Whimper sa showbiz.” Comment ni Ate.

“Oo nga, Hipag. Dapat ay sabihan mo iyang asawa mo na mag-hospital na lamang. Tutal naman ay naipagpatayo ko na ng konting negosyo si Mama. Iyong mga kapatid naman namin ay may trust fund na mula sa aming dalawa.” Sang ayon ni Kuya Dave. Nagmomodel din kasi si Kuya Dave katulad ni Ate Menchie. Pero hindi sila sobrang active katulad ni Whimper ko.

Bumuga ako ng hangin. “Kuya, tulungan mo akong kumumbinsi sa kanya. Iyan nga rin ang sabi ko sa kapatid mo eh. May sapat na naman kaming naipon kaya pwede na siguro siyang magpahinga.” Malungkot na sabi ko kay Kuya Dave.

Tumikhim si Mama. “Anyways, pabayaan na natin si Whimper. Gusto niya lang siguro talagang masiguro na hindi magugutom itong bunso natin.” Malambing na sabi ni Mama na ang tinutukoy ay ako at humalik sa ulo ko. Ang sweet talaga ng Mama Ria ko. Kaya hindi iyan ipinagpapalit ni Papa Tope ko kahit kanino eh.

“Doon muna tayo, Sweetie. Hinahanap ka doon ng mga pinsan ko.” Biglang lapit sa amin ni Papa at kinukuha si Mama.

Sinundan lang namin sila ng tingin habang sweet na sweet silang naglalakad papunta sa ibang kamag-anak namin. Ang magulang ko ang magandang description ng they look perfect together! Bagay na bagay sila. They compensate well with each other. Kung ano ang kahinaan ni Papa ay siya namang kalakasan ni Mama. Kaya siguro hindi na sila talaga mapaghihiwalay.

The MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon