A/N:
WARNING: SLIGHT SPG! Vote & comment please? 30 VOTES & 25 COMMENTS = UPDATE! Ciao!
____________________________
(20)
DUMBFOUNDED
"Antayin na ninyo kami, Liz, Whimper. Patapos na rin naman kaming kumain." Sambit ni Doc na kalahati na rin naman ang kinakain.
May magagawa pa ba ako? "Ok po." Napipilitang sagot ko.
Iginala ko na lang muna ang paningin ko. Nasaan kaya si Greg? Kumain na kaya ang isang iyon? Sana makita ko siya para may dahilan akong umalis na dito.
Sa hindi ko kasi maipaliwanag na dahilan, naalibadbadbaran ako sa ginagawa ni Apple. Para siyang asawa na asikasong-asikaso si Whimper. Siya pa ang naghahati-hati ng ulam ni Whimper na pork steak sa kanyang plato. Wow! Just wow!
Ano ba siya, girlfriend? Para kasing nakikita ko sa kanya ang sarili ko noong lahat ay dulot ko kay Whimper noong kami pa. Ang kaibahan lang, ganoon din ang ginagawa niya sa akin noon. Samantalang ngayon, si Apple lang ang nag-aasikaso sa kanya.
"Bagay kayong dalawa!" Puna ni Doc.
Nagkatinginan kami ni Amy ng out of the blue ay biglang sabihin iyon ni Doc. Syempre, alam niya kung anong meroon dati samin ni Whimper kaya parang tinitingnan niya reaksyon ko.
Lumipat ang tingin ko kay Apple at kitang-kita ko kung paano siya namula. "Doc, ano po bang sinasabi ninyo? Magkakaibigan lang po kami dito." Parang nahihiya pang sabi niya.
Yeah right! Magkakaibigan?
Para akong baliw na naipilig ang ulo ko. What is exactly wrong with me? Ano bang ipinagsesentimyento ko? Hindi ba't malinaw na tinanggihan ko ang pakikipagbalikan ni Whimper dahil ayaw ko ng masaktan ulit? Eh anong inaarte ko? Wahh! Baliw na ata ako! Hindi na magkaisa ang puso at isip ko.
"Seriously, I think you two should date. You fit together." Sulsol pa ni Doc.
"Fit together?" Mukhang timang na gulat na gulat na pag-uulit ko.
Fit together? Eh anong tawag samin ni Whimper dati? Unfit together? Napatingin ako kay Whimper. Nakatingin siya sa akin at natatawang umiiling. Ano bang nakakatawa doon? Pss..
"Why Liz? Tingin mo ba, hindi sila bagay? Sino ba sa tingin mo ang bagay kay Whimper o kay Apple?" Nakangiting tanong ni Doc.
I was speachless! Napalunok ako at muling napatingin kay Whimper. Tapos na siyang kumain. Iyong dalawa niyang kamay ay nasa ilalim ng kanyang baba at nakatingala ng konti sa akin. Nakangisi pa rin at parang nasisiyahang ipinapahiya ko ang sarili ko.
"Kasi naman Doc, nakakabigla kayo. Ano po bang naisipan ninyo at pinagpapates ninyo itong dalawa?" Sabat ni Amy na dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Whew! I just want to kiss Amy for this. She's my angel for saving my a$s with Doc Weng's hard question.
BINABASA MO ANG
The Marriage
Любовные романыPagkatapos ni Whimper (Myungsoo) pagdaanan ang Falling For MIss Perfect ay nagtiis siya para sa walang katapusang The Chase. At ngayon, pagkatapos ng limang taon, haharapin nila ni Lizzie (Suzy) ang lahat ng pagsubok sa kanilang matagal ng pinangara...