A/N:
WARNING: SPG!
______________________________
(18)
BASKETBALL PLAYER
"Stop this madness!" Medyo may kalakasang awat ko sa kanila.
Hinawak ko ang pulsuhan ni Whimper. Matalim ko siyang tinitigan, habang seryoso siyang nakatingin sa akin. Si Kent naman ay parang natauhan. Siya na mismo ang humawi ng kamay ng una na pumigil sa kanyang kamao.
Napahawak sa bibig niya si Apple. Marahil ay nagulat sa sinabi ni Whimp. "Anong ibig mong sabihin, Whimper?" Tanong pa niya.
"May nakaraan ba kayo?" Dagdag pa ni Amy.
Sina Oliver at Carl ay nabitawan na ang pag-awat kay Kent. Palipat-lipat ang tingin nila sa amin ni Whimper na parang nag-aantay ng reaksyon namin.
Habang si Kent ay napapikit ng mariin. Bakas ang pagsisisi sa kanyang mukha. Kung hindi lang sana siya naging selosong KAIBIGAN, hindi sana kumalat ang sikreto namin ni Ex.
Si Whimper naman ay namulsa at naiiling, habang nakatitig pa rin sa akin. Parang hindi naman siya apektado sa nangyari. Naiinis na naman tuloy ako sa kanya.
"Whimper, anong ibig mong sabihin?" Ulit ni Apple sa medyo malakas na tono. "Kaya ba mas pinili mong sumama tayo? Kesa magdinner ng bukod? Para lang makasama si Liz?" Tanong pa niya.
Halata sa pananalita ni Apple at itsura ang pagkadigusto sa mga narinig. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pang itanong, eh mukhang alam naman na niya ang sagot?
"Ano ba talagang meroon, Liz?" Kulit pa rin ni Amy.
Tumikhim si Von. "Lizzie, babalik na ako sa backstage." Paalam niya sa akin.
Doon lang ako parang natauhan. Nahihiya ako sa kanya dahil nadamay siya sa gulong ito. Lalo na at nanunuod pa rin sa amin ang mga tao sa paligid. Kailangan kong linawin ito dahil ayokong maka-apekto ito sa kanyang career.
"Von, sandali." Nilapitan ko siya at pinigil. Hinawakan ko siya sa braso kaya hindi na muna siya umalis sa harapan namin.
"Kent, si Von ay isang family friend. Anak siya ng bestfriend ni Mama ko. Para na siyang nakakabatang kapatid sa akin." Paliwanag ko sa una. Sinadya kong maging malinaw iyon at malakas para masagot na rin ang mga tao sa paligid.
Sina Apple at Amy naman ang hinarap ko. Alam kong I don't need to explain, pero eto na eh. Buking na.
"Kaya ko kilala si Von ay dahil talent din siya ng Lao Entertainment dati." Pag-agaw ni Whimper sa dapat ay pagpapaliwanag ko.
Biglang umugong ang paligid.
"Siya ba si Whimper Becher? Iyong modelo?" Bulong noong isang babae sa mga kasama niya.
BINABASA MO ANG
The Marriage
RomancePagkatapos ni Whimper (Myungsoo) pagdaanan ang Falling For MIss Perfect ay nagtiis siya para sa walang katapusang The Chase. At ngayon, pagkatapos ng limang taon, haharapin nila ni Lizzie (Suzy) ang lahat ng pagsubok sa kanilang matagal ng pinangara...