(19)

4.5K 113 16
                                    

(19)

ASAR

Nakalimutan ko na tuhod nga lang pala ang tama niya. Kaya nagulat ako ng dambahin ako ni Drake ng yakap.

"Masyado kang pakipot!" Inis na singhal niya sa akin.

Pilit naman akong kumakawala sa yakap niya. "Ano ba, get off me?!" Sigaw ko.

Pero nawala ako sa wisyo nang sampalin niya ako. Halos mahilo ako sa sobrang lakas noon. Parang nayanig nga ang mundo ko sa sobrang lakas eh! Nakaupo lang siya sa kama, pero abot na abot niya ako. Syempre, basketball player siya. Matangkad, mahahaba ang biyas at ganoon din ang kanyang mga braso.

Sinamantala niya ang sandaling pagkawindang ko dahil sa konting hilo na bumabalot sa akin. Hinila niya ako sa braso at pilit na inihiga sa tabi niya sa kama.

"Ano ba?! Pakawalan mo ako!" Galit na sigaw ko habang nagpupumiglas.

Mas hinigpitan niya ang hawak sa magkabilang pulsuhan ko. "Himas lang, ang damot mo pa!" Nakangising sabi niya.

"What the hell??"

Nagulat ako nang biglang pumasok si Whimper sa kwarto. Hinila niya ako mula kay Drake. Nagulat si Drake kaya lumuwag ang hawak niya sa akin.

"Bakit ka naandito? Hindi naman ako nahingi ng bagong nurse ah?!" Singhal ni Drake kay Whimper.

Pero hindi iyon inintindi ni Whimper. Abala siya sa pagsipat sa kabuuan ko. "May nangyari ba sa iyo?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

Tulala lang ako. Parang bigla kasing umihip sa isip ko ang masamang nakaraan. Ang nakaraan na gusto ko na sanang ibaon sa limot. Pero parang tukso na bumalik sa akin lahat-lahat ngayon.

Bigla kong naalala si Rave Louise Villaflor! Sht!

Si Rave ay isa sa mga naging close friends ko noong highschool. Sobrang crush ko siya. Halos silang dalawa ni Dave (Kuya ni Whimper) ang naging sandalan ko noon. Pero noong pinili ko na si Whimper, hindi niya natanggap iyon. Masyado siyang na-depressed na parang nabaliw. Muntik na niya akong pagsamantalahan.

Nang hindi ako sumagot, bumaling si Whimp kay Drake. "Ano sa tingin mo ang ginawa mo sa kanya?" Halos umusok ang ilong na sabi niya.

"Pss.. Pakipot naman iyang isang iyan." Mapang-asar na sabi ni Drake.

"Tarantad* ka ah..." Galit na susugod sana si Whimper. Pero agad na napigilan ko nang hawakan ko sa scrub suit niya.

Bumaling naman siya sa akin. "Umalis na tayo, Whimper. Please? Pabayaan mo na." Awat ko sa kanya sa tonong nakikiusap.

Tumango siya sa akin bilang pagpayag. Tumalikod na kami at aalis na sana nang magsalitang muli si Drake.

"Ang drama ninyong dalawa!" Papansin ni Drake sa amin. "Akala mo naman kung sinong v!rg!n! Bakit birhen ka pa ba?" Humahalakhak na pahabol pa niya.

The MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon