(25)

5.7K 121 18
                                    

(25)

WHIMPER'S POV

Restday namin ngayon sa pag-duty sa hospital, kaya naisipan ko kagabi na paghandaan siya ng isang sopresa. Kaya kagabi din ay tinawagan ko ang aming mga kaibigan na magkita-kita kami sa St. John Colleges ngayong gabi. Tutal ay sabado naman ngayon at wala masyadong estudyante.

Lingid din sa kaalaman ni Lizzie, kinausap ko ang parents niya para ipahiram sa akin ang buong school ngayong gabi. Tuwang-tuwa ako ng pumayag sina Papa Tope at Mama Ria sa gusto kong mangyari. Kahit na hindi ako masyadong kinikibo ni Mama Ria, ay ayos na rin. Ang simpleng pagsangayon niya na ipahiram sa akin ang school ay sapat na para isipin ko na kahit paano, napatawad na ako ni Mama Ria.

Malakas ang loob kong buoin ang planong ito dahil pati ang pamilya ko ay tanggap na din ang pagbabalikan namin. Isinama ko kasi si Lizzie sa bahay ng pamilya ko noong isang linggo. Noong simula ay alam kong ilang na ilang sila kung paano haharapin si Lizzie. Pero nang sabihin ni Lizzie ang mga katagang...

"I might not be the perfect girl for Whimper. I might also have short comings in our relationship. Pero isa lang ang pinapangako ko sa inyo, I will try my very best to be the woman that will never leave Whimper's life again. I will try to be, and pray, that I can be the woman that he deserves. A woman that will love him thru thick and thin, even in the lowest point of our relationship. Gagawin ko po ang lahat para maging isang babae na kayang arugain at unawain si Whimper. Isang babaeng mananatili sa tabi ni Whimper kahit dumaan muli ang matinding bagyo sa buhay namin."

Naiiyak kaming lahat noon. Napangiti na lang ako ng biglang yakapin ni Mama si Lizzie. Kasunod noon ay ang pagyakap din ng kambal kong kapatid na sina Jan at Jon. Mabuti na lang at hindi na nakiyakap si Kuya Dave. Dahil baka nasira ko lang ang magandang gabing iyon. Ako na seloso! 

"Ano bang meroon at bigla-bigla naman atang pupunta tayo ng St. John Colleges?" Kulit sa akin ni Lizzie.

Ang sabi ko kasi sa kanya ay magbihis siya para sa isang formal dinner sa isang sikat na resto. Pumayag naman siya sa iminungkahi ko. Pero nang nasa sasakyan na kami kanina ay nagsuggest ako na dumaan kami sandali sa dati naming school. Ang totoo kasi ay nandoon ang sopresa ko talaga sa kanya. Mabuti na lang at tinulungan ako ng mga dati naming kaklase at ng aming mga kaibigan.

"May pinapacheck lang sa akin si Papa Tope sa school. Gusto niya daw malaman kung tight ba ang security doon kapag gabi. Saka kung napapatay ba daw ang mga ilaw sa mga classroom kapag ganitong nag-uwian na ang mga estudyante. " Pagdadahilan ko na kinakabahan.

I know that it is a very lame excuse. Pero wala kasi akong ibang maisip kundi ang palusot na iyon para lang mapapayag siyang pumunta sa school ngayong gabi.

"Bakit hindi niya na lang iutos sa isang taong pinagkakatiwalaan niya?" Nakasimangot na sabi niya. Ganyan kasi si Lizzie. Ayaw niyan na kapag may lakad ay kung saan-saan pa dumadaan.

"Eh tayo nga ang taong sinasabi mo, Lizzie." Nakangiting sabi ko na lang sa kanya.

Hindi na siya umimik ng mapagtanto niya siguro na tama naman ang sinabi ko. Mukha naman siyang walang nahahalata ng makababa kami ng parking lot. Para pa nga siyang nababagot dahil hindi niya ineexpect na pupunta kami dito.

"Sino ba iyang text ng text sa iyo?" Tanong ni Lizzie nang naglalakad na kami papuntang highschool building.

Agad kong isinilid ang celfone ko sa bulsa. "Wala. Iyong kambal lang may tinatanong tungkol sa project nila." Pagsisinungaling ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng tumango naman siya at hindi na nangulit. Kung mangungulit pa kasi siya ay hindi ko na alam kung anong palusot ang sasabihin ko.

The MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon