(22)
NINE LIVES
"Trish!" Sigaw ko sabay haltak sa kanya palayo kay Kent.
Sa inis ko kay Trish ay hinablot ko siya at patulak na inilayo kay Kent. Ano bang kasalanan ni Kent para ganyanin niya? Porke't ayaw sa kanya ay sasaktan-saktan na lang niya ang bestfriend ko? Baliw na talaga siya?
"Agghh!" Inda niya sa hindi ko sinasadyang malakas na pagkakatulak.
Agad akong nagpanic ng makita kong hinihimas ni Trish ang likod niyang tumama sa edge ng center table sa sala. Namula pa ang mukha niya kaya alam kong nasaktan talaga. Mabuti na lang at gawa sa kahoy kaya hindi nabasag.
"S-Sorry." Nabubulol na hingi ko ng paumanhin dahil sa takot.
Pati si Kent ay nag-alala sa kanya. After all, ina pa rin si Trish ng mg pamangkin niya. "Are you ok?" Tanong ni Kent habang tinutulungan siyang makatayo ng ayos.
Ganoon na lang ang gulat ko nang bigla niya akong atakihin nang makatayo na siya. "Aray." Inda ko at nakita kong may sariwang patak ng dugo ang tumulo mula sa aking pisngi.
"Why you...."
Hindi ko na nagawa pang punasan ang dugo ko sa mukha. Pilit ko kasing pinigilan ang kamay niya na ngayon ay nakahawak na sa aking buhok.
"Trish, let go!" Sigaw ni Kent. Alisto niyang hinihila ang mga kamay ni Trish na sumasabunot sa akin.
"Huwag kang makialam dito!" Singhal ni Trish sa kanya habang patuloy ang paghila sa buhok ko. "Napaka-pakialamera mo ah!" Sigaw pa niya sa akin.
Halos mapasama ata ang anit ko nang magawa nga ni Kent na mailayo si Trish sa akin. Napilitan siyang bitbitin ito sa bewang para hindi na ako masubunutan.
"Tigilan mo na kasi si Kent! Ayaw na niya sa iyo!" Galit na galit na sigaw ko.
Iyong lumabas sa bibig ko ay parang mitsa na nakapagpaapoy lang lalo sa kanyang galit sa akin. Nagkumawala siya kay Kent. Kinalmot niya ang kamay ng huli na nakapalibot sa bewang niya. Pusa ata itong babaeng ito eh? Ang talas kasi ng kuko. Sobrang talas na napaingit ang kaibigan ko at nabitawan siya.
"Huwag kang magdunong-dunungan! Hindi mo alam ang sinasabi mo! Hindi mo alam kung anuman ang meroon kami ni Kent!" Sigaw niya pa at binitbit ako sa buhok papunta sa pintuan.
Nagpupumiglas ako sa pagsabunot niya kaya hindi ko namalayan na hinihila ko na din pala ang buhok niya sa ulo. Ubusan na ng buhok ito!
Alistong inawat naman kami ni Kent at pumagitna. "Stop this!" Sigaw niya pero hindi namin kapwa pinansin ni Trish.
"Magising ka na kasi! Ayaw talaga ni Kent sa iyo! Huwag mo akong pagdiskitahan dahil walang kinalalaman ang pagiging magkaibigan namin!" Sigaw ko pa.
Nagtagumpay si Kent na paglayuin kami. Nagawa niya kasing iharang ang sarili niya sa akin. Payakap pa niya mula sa unahan na inawat ang naghuhurumentadong si Trish.
"Kung wala ka dito sa Pilipinas, malamang ay iko-consider ni Kent na balikan ako!" Galit na galit na sigaw niya.
Inalog-alog siya ni Kent sa magkabilang balikat. "Huwag mong isali si Liz sa usaping ito. Wala siyang alam. Hindi niya kasalanan na may pagtingin ako sa kanya na higit pa sa kaibigan!" Sigaw na din ni Kent sa mukha niya.
"Kaya ba ini-itsupwera mo na ako ngayon? Porke't may bago ka na?" Galit na galit na sabi pa niya.
Padarag siyang itinulak ni Kent sa sofa. "Magising ka nga! AYAW KO NA SA IYO! Alin ba sa salitang iyon ang hindi mo maintindihan??" Tanong niya habang nakasakal na ngayon kay Trish.
BINABASA MO ANG
The Marriage
RomancePagkatapos ni Whimper (Myungsoo) pagdaanan ang Falling For MIss Perfect ay nagtiis siya para sa walang katapusang The Chase. At ngayon, pagkatapos ng limang taon, haharapin nila ni Lizzie (Suzy) ang lahat ng pagsubok sa kanilang matagal ng pinangara...