(13)

4.9K 103 12
                                    

(13)

HINDI MAKALIMOT?

Pinaghila ako ng upuan ni Carl ng makapasok na kami ng bar. Binakante ko ang upuan sa kanan ko at sa kaliwa ko nakaupo si Carl. Sa tapat ko ay si Whimper. Nasa magkabilang dulo kami ng lamesa. Mabuti naman!

"Nasaan si Greg?" Tanong ni Amy na katabi ni Carl sa kabila. Kahit naman taga Emergency Room si Greg ay kilala pa din siya ng mga kasama ko. Bukod kasi sa gwapo siya ay parehas kami halos ng oras ng duty.

Ngumiti ako kay Amy. "May kausap sa phone sa labas at mukhang medyo matagal pa si Greg kaya hinayaan ko na lang." Sagot ko habang kinukuha ang menu na iniabot ng waiter.

Eksaktong ng umorder kami ay dumating na si Greg. Umupo siya sa kanan ko. Iyong upuang nireserve ko sa kanya. Medyo nakasimangot siya kaya medyo nag-alala ako.

"Ano daw problema?" Tanong ko sa kanya.

Humilig siya ng konti sa akin para bumulong. Huling-huli ko tuloy ang pangungunot ng noo ni Whimper. Ano namang problema ng isang iyon? Hindi ko na lang siya inintindi at nagiwas ako ng tingin.

"Liz, I think my wife is trying to have an affair." Bulong niya sa akin. Dinig na dinig ko ang pag-ngalit ng kanyang mga ngipin sa inis.

BOOM!

Para akong nanigas. Para akong nabingi. Hindi ko problema iyon. Pero hindi ko mapigilang hindi maapektuhan. Ramdam ko ang panglalamig ng aking mga palad. Natatakot ako para kay Greg at Kent. Wala akong pakialam para kay Trish. Siya naman ang puno't dulo ng lahat ng ito kung tutuusin.

"H-How did you know?" Naiinis ako dahil bakas sa boses ko ang kaba. Napatingin ako sa kanya ng mataimtim at inaantay ang sagot niya.

Humilig siyang muli para maibulong ang sagot niya. "Kent told me." Sabi niyang napapikit ng mariin at kinagat ang labi niya. Alam kong nasasaktan siya sa nalaman. Pero paano nga ba sinabi ni Kent ang lahat? Ayokong may manggaling sa akin na kahit konting impormasyon dahil baka makadagdag lang sa problema. Mas magandang magkunwaring walang alam.

"Anong sabi ni Kent?" Gusto ko lang kasing alamin kung hanggang saan ang ipinaalam ni Kent. Sinabi ba niya ang buong kwento o hindi? Ipinaalam ba ng huli kay Greg kung gaano kadesperada si Trish para maibalik ang dati nilang dalawa? I don't know. I'm just praying for the best.

Bumuntong hininga si Greg. Para siyang pagod na pagod. Well, pagod din ako sa trabaho kanina. Pero tingin ko, mas pagod siya kesa sa lahat sa amin dito. Nakaharap siya sa tagiliran ko nang isubsob niya ang kanyang noo sa balikat ko. Awang-awa ako sa kanya. Pero wala akong magawa.

"Ok ka lang, Greg?" Napatingin tuloy silang lahat sa amin ng magsalita si Apple. Nakaupo siya sa tabi ni Whimper habang si Oliver ang nasa kabila niya.

Wala namang bahid ng malisya ang tingin nila sa amin kaya ok lang sa akin. Tanging ang pagtaas ni Whimper ng kilay habang nakahalukipkip ang nakaka-bother sa akin. Naalala ko tuloy ang sinabi niya na, don't flirt in front of him. Is this position can be considered as flirting? I don't know. I don't care.

The MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon