(8)
KENT REYES
It's been a year na naninirahan na ako dito sa USA. Dalawang buwan na nang umuwi si Greg sa Pilipinas. Madalas pa rin siyang tumawag para kamustahin kami dito ng kapatid niyang si Kent. Palagi niya pa rin akong inaalok na umuwi ng Pilipinas at magtrabaho sa hospital ng kanilang pamilya. Pero sadyang hindi pa ako makapagdecide.
Ok naman kami ni Kent. Ngayong wala si Greg ay mas naging close na kami. Wala naman akong choice kasi siya naman talaga ang pinaka malapit kong kaibigan. May iba rin akong kaibigan dito, pero hindi nga lang tulad ng friendship namin ni Kent. Nagbago na kasi ako. Hindi na ako tulad noong highschool ako na mapili ako sa kaibigan. Marunong na akong makibagay sa iba't-ibang klaseng tao.
Parehas kaming restday sa hospital ni Kent ngayon. Ang loko kasing si Kent laging sinasabayan ang restday ko. Kung kailan ang pahinga ko sa hospital ay iyon din ang pinipili niyang day-off. Pero kahit papaano ay masaya na rin ako. May nakakasama ako sa mga paggala at pamamasyal kapag naiinip ako sa bahay.
Tulad ngayon, kasama namin ang mga kasamahan namin sa hospital na restday din. Naandito kami sa isang bar at kasama sina Charlotte, Daniel at Bing. Nagkayayaan kaming maginom. Gusto lang naming mag-unwind naman. Sa isang taong pagtira ko dito sa US ay ika-apat na beses ko palang itong magba-bar.
Katabi ko si Kent at si Bing sa kabilang side ko. Sa tapat ko ay si Daniel at sa tapat naman ni Kent si Charlotte. "I love this. I really love going to bars." Palatak ni Bing na parang medyo lasing na.
"Yeah. We're so busy that we forgot how it felt like to enjoy sometimes." Sabi naman nni Charlotte.
Totoo talaga. Masaya ang grupo namin at nakapagbonding kami ng ganito. Sayang nga lang at nasa Pilipinas na si Greg. Pero hindi bale, alam ko namang masaya na iyon dahil kasama niya na ang kanyang pamilya.
"But I miss Greg." Sabi pa ni Bing.
"Yes! We all miss him. It's different when He was still here. I was always happy whenever I worked with him. He's such a competent nurse." Dagdag ni Daniel habang umiinom ng beer sa harap niya.
Bumaling sila sa akin. "Do you miss Greg, Liz? You were his closest friend." Tanong sa akin ni Charlotte.
Ininom ko muna ang baso ng beer ko bago sumagot. "Yeah. I miss him. But what can we do? He is so happy back to our country. So happy with his family." Nakangiting sagot ko.
"Pss.. Naandito naman ako eh. Bakit kailangan pang mamiss si Kuya?" Bulong ni Kent sa tabi ko. Mahina na sapat na para marinig ko.
Hinaplos ko ang pisngi niya. He's such a baby. Ang cute ni Kent kapag naganyan siya. "Oo. Pero siyempre, kaibigan ko din siya. Namimiss ko iyong hanging out natin na kasama siya." Sabi ko.
Napatingin ako sa harap ko at lahat sila ay may what-are-they-talking-about look on their faces. Oo nga pala! Kami lang ni Kent ang Pinoy dito.
Si Daniel ang hindi nakatiis na magtanong. "What are you two talking about?" Kunot na kunot ang noong tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Marriage
Любовные романыPagkatapos ni Whimper (Myungsoo) pagdaanan ang Falling For MIss Perfect ay nagtiis siya para sa walang katapusang The Chase. At ngayon, pagkatapos ng limang taon, haharapin nila ni Lizzie (Suzy) ang lahat ng pagsubok sa kanilang matagal ng pinangara...