(4)
RAVE VILLAFLOR
Lumipas ang mga araw at ok naman ang pagsasama namin ni Whimper. Nasa hospital nga lang ako ngayon para magpacheck-up kay Doc. Nagpunta ako dito kasi sumakit ng todo ang tiyan ko kaninang tanghali. Sa sobrang busy ni Whimper ay hindi ko na lang muna sinabi. Ayaw ko kasing mag-alala pa siya sa akin.
“Ulcer iyan Lizzie.” Sabi niya sa akin.
"Ganoon ba?” Malungkot na sabi ko habang pinapanuod ko si Doc na nagsusulat ng reseta para sa akin.
“Inumin mo ang mga gamot na ito na nireseta ko. Huwag ka na ding magpapalipas ng gutom ah.” Bilin niya pa sa akin.
Huwag magpapalipas ng gutom? Kaya naman ako nalilipasan ng gutom ay dahil sa kahihintay ko kay Whimper. Alam ko namang hindi niya ako pinilit na antayin siya. Kusang loob ko siyang inaantay gabi-gabi kasi gusto ko siyang makasabay sa pagkain. Nakakabagot kasi na luto ko, kain ko. Saka maghapon na nga akong solong kumakain eh. Kaya kapag gabi, excited akong antayin palagi si Whimper.
“Sige, Doc. Salamat.” Paalam ko habang inilalagay sa aking bag ang reseta niya ng gamot ko.
Paano na ito? Nagkasakit na ako ng ulcer dahil sa kaa-antay ko kay Whimper sa gabi? Ibig sabihin ay kailangan ko talagang tiisin ang pagkain ng nag-iisa? Hindi ko naman kasi pwedeng obligahin si Whimper na umuwi ng maaga sa gabi para lamang may kasabay ako. Alam ko naman kasing busy siya.
“Opps, sorry!” Hingi ko na paumanhin sa nabangga ko. Dahil ata sa lalim ng iniisip ko kaya hindi ko na napansin na may mababangga ako.
“Lizzie?”
Pag-angat ko ng paningin ko ay nagulat ako. Si Rave ito! Siya iyong dating naging kaibigan ko noong highschool na naging crush ko at nangligaw sa akin. Siya rin iyong naging boyfriend ng kaibigan kong si Samantha.
“Rave! Kamusta?” Masayang bati ko sa kanya.
May nagawa man sa aking kasalanan si Rave halos 6 years ago, pero ok na iyon. Naunawaan ko naman ang pinagdaanan niya noon. Saka nakita ko na naman kung paano siya noon nagsisi. Kaya pinapatawad ko na si Rave at kinalimutan na ang masasamang alaala.
Sumilay ang isang napaka-gwapong ngiti sa mukha rin ni Rave. “I’m good.” Halata naman sa kanya. Mukhang mas naging makisig siya kesa dati. “Ikaw, kumusta?” Tanong niya habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Eto ok naman. Masaya na kami ni Whimper. Nagpakasal na kami.” Nakangiting sagot ko sa kanya.
“Kayo din pala ang nagkatuluyan? That’s good. Teka, mukhang mahabang kwentuhan ito ah. Gusto mo bang kumain muna tayo sa labas para makapag-catch up tayo sa isa’t-isa?” Tanong niya sa akin.
“Sige. Pero bibili lang muna ako ng gamot.” Wala naman akong makitang masama kung makikipagkwentuhan ako sa kanya. Hapon pa lang naman at wala naman sigurong masama kung may makakita sa aming magkasama.
BINABASA MO ANG
The Marriage
RomancePagkatapos ni Whimper (Myungsoo) pagdaanan ang Falling For MIss Perfect ay nagtiis siya para sa walang katapusang The Chase. At ngayon, pagkatapos ng limang taon, haharapin nila ni Lizzie (Suzy) ang lahat ng pagsubok sa kanilang matagal ng pinangara...