(14)
LASING
"Hinay-hinay lang sa inom, Greg." Awat ko kay Greg. Mas mabuti pang sa kanya ko muna ibuhos ang attention ko. Hindi ako makatagal sa topic nina Whimper eh.
"Nagkikita pa kayo?" Dinig kong tanong ni Amy kay Whimper.
Si Kent naman ay kinurot ang pisngi ko. "Over protective ka talaga kay Kuya Greg." Sabi niya sa akin.
"Oo kitang-kita ko pa siya ngayon." Dinig kong sagot ni Whimper.
Grabe! Lalong humataw ang puso ko. Pinipilit ko na ngang iwasang marinig sina Whimper pero parang engot na nakasahod pa din ang isang tenga ko sa kanila. Ninenerbyos ako na sa kalasingan ni Whimper ay maidaldal niya na ako iyon.
"Ikaw din. Ang dami mo nang nainom." Mabuti naman at naiintindihan ko pa din ang usapan namin nina Greg at Kent dito. Hirap mag multi-tasking sa pakikinig ah!
"Talaga? Bakit hindi mo balikan, Pare?" Dinig kong sambit ni Carl.
Ngiting-ngiti si Kent sa akin. "Alam mo Liz, kapag ganyan ka ay kinikilig ako." Sabi niya at kumindat pa sa akin. Loko talaga! Pero napangiti ako sa kalokohan niya na nagpakita pa siya ng kilig.
"Hindi na. Huli na. May mga knight in shinning armor na siya." Kung tama ang pandinig ko, malungkot ang tono ni Whimper ng sinabi iyon. Pero ako, iba ang reaksyon ng katawan ko. Nahihirapan akong huminga sa kilig. Ang mga paru-paro ay nagkakagulo sa tiyan ko sa excitement.
Hinampas ni Greg ang balikat ni Kent. "Ang korni mo, Tol!" At humalakhak siya kaya sa amin na silang lahat napatingin.
Na-concious ako kasi nasulyapan ko sandali si Whimper na nakakunot ang noo sa akin. Pero agad ko namang ibinalik ang attention ko sa kambal kulit.
"Tama na ang inom! Baka hindi na tayo makauwi." Awat ko sa dalawa sabay layo ng bote ng Tequila sa kanila. Magmamaneho pa ang isa sa kanila eh.
"Ako, Lizzie? Hindi mo ba ako babawalang uminom?" Seryosong tanong ni Whimper habang hawak ang ika-apat na atang bote ng beer sa harap niya. Nagtilian tuloy ang mga kasama namin nang sumingit siya.
Nanglaki ang mata ko nang lingunin ko siyang muli. Nagkagulo ang buong sistema ko. Can he please shut the fck up?! Lalo na at siniko pa ako ni Kent na parang sinasabi na sumagot ako kay Whimper. Idagdag pa ang mga mata ng mga kasama namin na nasa akin na lahat.
Nanglalamig ang palad ko. Ninenerbyos ako. Kung susupladahan ko siya ay baka mas makahalata ang nasa harap namin. Kung hindi ko sasagutin ay hindi nila ako tatantanan ng kanilang titig.
"T-Tama ka na din. Madami na ang naiinom mo. Baka mapaano ka paguwi mo." Nabubulol na sabi ko. Kinurot ko ang hita ko dahil sa inis na nabulol ako.
Nagngitian at nagkatinginan sina Amy, Carl at Oliver. Si Apple ay nalaglag ang panga sa sinabi ko. Si Greg ay narinig kong napamura ng mahina kay Kent dahil sa sinabi ko. Si Kent naman ay tinapik-tapik ang balikat ko na parang inaawat na ako sa pagseseryoso.
BINABASA MO ANG
The Marriage
RomancePagkatapos ni Whimper (Myungsoo) pagdaanan ang Falling For MIss Perfect ay nagtiis siya para sa walang katapusang The Chase. At ngayon, pagkatapos ng limang taon, haharapin nila ni Lizzie (Suzy) ang lahat ng pagsubok sa kanilang matagal ng pinangara...