SPECIAL CHAPTER 1

2.5K 87 5
                                    

A/N:

WARNING: SPG!

__________________________________

SPECIAL CHAPTER 1

"Baby, sige na naman. Sa condo ko na ikaw matulog. Hindi ka na nga pumayag na makasal agad, hindi ka pa papayag na matulog sa condo ko? Kahit ngayon lang. Please?" Pakiusap ni Whimper sa akin.

Kanina ay nagpunta kami sa school at hindi ko akalain na may supresa pala siya sa akin sa gym. Gulat na gulat nga ako nang makita ko ang mga pamilya namin at mga kaibigan na naandoon din. Ininvite pa ni Whimper para kumanta si Von.

Nag-alok muli ng kasal si Whimper. Tinanggap ko. Pero nilinaw ko na hindi muna agad ngayon. Noon kasing pumalpak ang kasal namin ay medyo nawalan na ako ng tiwala sa salitang kasal. Nadala ata ako masyado sa nangyari sa amin noon. Kaya ngayon, gusto kong hinay-hinay lang ang pagpunta sa altar para mapag-isa ng Pari.

"Sige na." Nakapout na kulit pa niya.

Grabe ang kulit ni Whimper! Mula nang mag-uwian na kami ay iyan na ang ibinubulong niya sa buong byahe pabalik dito sa Lee Towers.

"Sige na nga!" Napipilitang pagpayag ko.

Masayang-masaya si Whimper nang paakyat na kami ng unit niya. I don't know kung tama itong gagawin kong pagtulog sa condo niya. Gusto ko lang naman siyang pagbigyan.

TING!

Lumabas na kami ng lift. Kung kanina ay kalmado ako, ngayon sa hindi ko maintindihang dahilan, ay hindi. Parang natataranta akong ewan.

"Magbibihis lang ako sa unit ko." Paalam ko kay Whimper.

Balak ko ding maligo muna. May sarili naman akong banyo para makiligo pa sa kanya, kaya sa bahay ko na lang. Ang lagkit na kasi ng pakiramdam ko. Nagkatuwaan kasi kaming magsayawan kanina ng mga dati kong kaklase.

"Sige. Maliligo at magbibihis na rin muna ako. Gusto mo bang manuod ng DVD? It's our first sleepover." Tanong pa niya.

Gusto kong matawa. Para naman kaming highschool na may pasleepover-sleepover pa siya. Uso pa ba ang ganoong bagay sa tulad ng edad namin? Tapos ay dati pa kaming mag-asawa na magkasintahan na ngayong muli?

'Eh ano bang gusto mong gawin sa bahay niya?' Kutya sa akin ng aking black angel.

'Wala naman eh! Ano bang gagawin ko doon? Eh di magkukwentuhan lang kami!' Pagtatanggol ng white angel ko sa akin.

"Sige bahala ka na." Sagot ko at tumalikod na para pumunta sa katabing unit.

Nang makapasok na ako sa unit ko ay dumiretso na ako sa banyo sa kwarto ko. Tinimpla ko ang cold & hot water para sa aking pangpaligo. Pinuno ko ang tub at nilagyan ng shower gel para sa isang masarap na bubble bath.

Kumuha na ako ng pamalit na pajama. Terno talaga ang susuotin ko. Hindi ko naman gustong magbigay ng maling mga senyales kay Whimper. Kaya itong pinakadisente at balot na balot na pangtulog ang napili ko.

Narelax ang katawan ko ng lumubog na ako sa tub. Plano ko talagang magtagal dito. Ang totoo, ngayon ko lang narealize kung bakit ba ako napapayag na matulog sa unit niya mamaya?

Halos isang oras ata ang inabot ko sa pagbabad sa tubig. Ganoon na lang ang gulat ko nang paglabas ko ng banyo ay nakarinig ako ng sunod-sunod na doorbell. Hindi kasi rinig sa loob ng banyo kanina eh. Sino naman kaya ito?

Kaya nagmadali akong nagbihis. Dala-dala ko ang aking suklay papuntang front door para tingnan kung sino ang bisitang nag-aantay sa labas. Sinilip ko sa monitor at nakita kong si Whimper lang pala eh.

The MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon