A/N:
May nauna po ditong special chapter 1. Eto po ang link noong SPECIAL CHAPTER 1 - http://www.wattpad.com/56280392-the-marriage-special-chapter-1. Okay? Wag na po ninyo akong kulitin. Inilagay ko na dyan ang link address. Ulitin ko po = http://www.wattpad.com/56280392-the-marriage-special-chapter-1. Kung hindi ninyo nabasa, malamang hindi kayo follower.. Hehe! Last chapter na po ito. Ibuhos na ang voting powers ninyo :) Enjoy!
________________________________
SPECIAL CHAPTER 2
Lumipas na ang ilang taon. Mayroon na kaming mga anak ni Whimper sina Troy (14), Xenon (12), Zeus (9), at si Yvy (9). Kambal ang bunso namin tulad ng kambal na sina Jon at Jan Becher.
Masaya naman kami kahit hindi kami kasal. Syempre, gusto kong makasal din kami. Pero hindi naman na pwede sa simbahan. Kapag na-annul kasi ang isang marriage, napapawalang bisa ito sa batas. Pero never itong mawawalan ng bisa sa simbahan. Hindi pwedeng ilang asawa ang ihaharap mo sa simbahan katoliko. (A/N: Totoo iyan. Based from true experience.)
Kaya hindi ko na masyadong pinahahalagahan pa ang magpakasal muli. Kung hindi lamang sa mata ng Diyos, bakit pa? Para lang maging ka-apelyido ko ang aking mga anak? Hindi naman sapat na rason kaya ayos ng ganito na lang kami.
Sobrang dala ko ata sa nangyari sa unang kasal namin ng aking asawa kaya takot na akong humarap ulit sa dambana. Anyway, masaya naman kami. Ang mahalaga ay para na rin kaming isang pamilya. Kahit hindi naman kami legal na mag-asawa, ganoon din naman ang turing namin sa isa't-isa. Hindi naman pwedeng mag-nobyo lang ang treatment namin, di ba? Saka never kaming nakipagrelasyon ni Whimper sa iba.
"Nasaan na naman si Troy, Mommy?" Tanong sa akin ni Whimper.
Lumapit ako sa kanya para abutan siya ng kape. Naandito kami sa rancho na noon pa pala naipundar ni Whimper. Noong mga panahong nasa showbiz pa siya. Marami siyang naipon kaya nagkasya iyon at ang sweldo namin bilang nurse para magpatuloy sa pagdo-doktor si Whimp. Ngayon, siya na si Dr. Becher.
"Baka nasa bukid, Daddy." Nakangiting sagot ko sa kanya.
May mga nakakalaro kasi at nakakakwentuhan na kaedad nila ang mga bata sa katabing bukid nitong rancho. Ang bukid na iyon ay ibinenta ni Kent sa akin. Bumalik na kasi ng America si Kent. Ang balita ko ay magpapari daw si Loko. Seriously??
Minasahe ko ang balikat ni Whimper dahil halatang pagod siya. Ang dami kasi lagi naming pasyente sa clinic na itinayo namin doon sa Manila. Kapag weekends ay naandito kami sa Batangas para makapagrelax kasama ang mga bata.
Napasinghap ako nang bigla niya akong hilahin paikot at pinaupo sa kanyang kandungan. Kahit kailan talaga, hindi nawawala ang kilig ko tuwing nilalambing niya ako. May apat na kaming anak, pero kahit kailan hindi nagbago ang pagtitinginan naming dalawa. Kung may nabago man, mas sweet kami sa isa't-isa.
"Mommy, katorse na si Troy. Hindi pa ba tayo magpapakasal?" Halos pabulong na tanong niya sa aking tenga.
Nagkagulo ang mga hindi tumatandang paru-paro sa aking sikmura. Mukhang nagustuhan nila ang mainit na hininga ni Whimper, yakap sa aking bewang, at ang pagpatong ng kanyang baba sa aking balikat.
"Ok naman na tayo ng ganito, hindi ba?" Nakangiting balik tanong ko sa kanya. Inihilig ko pa ang ulo ko sa ulo niya. Ilang beses na niya iyang tinanong sa akin, pero hindi nagbabago ang sagot ko sa kanya.
"Pero Mommy, ikaw na lang ang hindi legal na Becher sa ating pamilya. Paano kapag namatay ako? Eh din pantay lang kayong hatian ng kabit ko? Mas malaki pa rin kapag ganoon ang sa mga anak ko." Natatawang tanong niya.
BINABASA MO ANG
The Marriage
RomancePagkatapos ni Whimper (Myungsoo) pagdaanan ang Falling For MIss Perfect ay nagtiis siya para sa walang katapusang The Chase. At ngayon, pagkatapos ng limang taon, haharapin nila ni Lizzie (Suzy) ang lahat ng pagsubok sa kanilang matagal ng pinangara...