(6)

5.3K 107 3
                                    

(6)

BUNTIS

Maghapon na akong nagpeprepare ng dinner namin ni Whimper. Kagabi ko pa sinabi ang tungkol dito sa kanya. Excited ako kagabi pa lang. Buti na lamang at napigilan ko. Kasi wala akong paglagyan ng kaligayahan sa nalaman ko.

Masayang-masaya ako dahil ayon sa aking OB ay 1 month and three weeks na daw akong pregnant. Matagal naming pinaka-aantay ni Whimper ito kaya tuwang-tuwa ako. Halos mabuhat ko si Doktora ng malaman ko ang good news kagabi.

Alas nuebe nang gabi ang usapan namin ni Whimper na oras ng uwi niya. Ngayong gabi ay inihanda ko ang lahat ng paborito ni Whimper. Mula sa paborito niyang inumin hanggang sa ultimo dessert na paborito niya. Kailangang maging memorable ang announcement ko para sa munting Becher na nasa sinapupunan ko.

Nitong mga nakaraang linggo ay lumalala ng lumalala ang pag-indiyan sa akin ng asawa ko. Maraming beses at okasyon na siyang hindi nakarating dahil sa iisang dahilan..ang trabaho. Tulad nalang noong isang araw na dapat ay magpapasama na ako sa Docktor. Kasi halos dalawang linggo na akong madalas mahilo, laging sinisikmura, and worse ay nagsusuka.

Ang buong akala ko ay maysakit ako. Kaya kahapon ng umaga ay pumunta ako sa Doktor kahit na mag-isa. Ang bawat ipasok ko na kasi sa bibig ko ay aking inilalabas din sa oras na sumayad na sa aking sikmura. Ang malalang sakit na kinatatakutan ko ay malayo pala sa katotohanan. Dahil sa wakas, buntis pala ako kaya ito ang aking nararamdaman.

Ang lahat ng tampo ko sa kanya ay napawi ng malaman ko ang mabuting balita mula sa aking OB. Biglang naging good vibes ang feeling ko. Ganito pala kapag alam mong may kakayanan kang magbigay ng buhay.. unexplainable ang happy feeling!

"Anak, tiyak na matutuwa ang Papa mo nito." Nakangiting pagkausap ko sa aking tiyan. Hinihimas-himas ko pa ito kahit naman impis pa siya. 

Excited na excited na ako na kahit halos dalawang oras nang late si Whimper ay hindi ako naiinis. Wala atang bagay na makakasira ng magandang araw ko. Basta ang alam ko, buntis ako. Period. End of story.

"Ang tagal naman?" Inip na tanong ko sa sarili ko. Alas dose y medya na ng madaling araw ay wala pa si Whimper. Hindi na ako nakatiis na tawagan siya. Pero ring lang ng ring ang phone ay hiindi niya naman sinasagot.

Ala-una na ng madaling araw. Ang dinner namin ay kanina pa lumamig. Wala man lamang paramdam si Whimper. Ito ang mahirap sa kanya kapag ganyang busy siya sa work. Hindi man lamang siya natawag para kumustahin ako.

Ala-una y media na ng unti-unti nang tumulo ang mga luha ko. Unti-unti ng pumapatak ang aking hindi maampat na luha. "Nasaan na ba ang asawa ko?" Pakiramdam ko ay nawawala na ang asawa ko sa akin, kinakain na si Whimper ng kanyang ambisyon at kasikatan.

Ang luha ko ay bumigay na. Napahagulhol na ako ng iyak. Dati na akong nasasaktan kapag hindi nakakasunod si Whimper sa mga usapan. Pero iba ngayon. Dahil na rin siguro sa pagiging emosyonal ko dahil buntis ako, pakiramdam ko ay sobra ang sakit ngayon. Pakiramdam ko ay walang kapatawaran ang ginawa niya sa akin. Kung noon ay nadadaan pa sa yakap at halik niya ang lahat, ngayon ay wala na!

The MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon