(21)

4.7K 99 32
                                    

(21)

PAGLIPAT

"Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Whimper.

Rest day namin ngayon. Nagpunta lang kami dito kasi kailangan naming i-meet ang family ni Drake. Pinepressure kasi nila ang hospital para maparusahan na si Whimper sa pananakit daw sa pasyente. Pananakit? Hello? Ang bastos kaya noong Drake?!

Kaya bilang witness ay pinapunta din ako ni Miss Robles dito sa hospital. Sinunod ko naman dahil gusto ko ding ipamukha sa pamilya ni Drake ang harassment na naranasan ko sa kanya. Hindi iyon pinaniwalaan ng family niya kaya kailangan talaga naming antayin ang may-ari ng hospital para sa CCTV footage.

"Maghahanap kami ng bahay ni Kent ngayon." Balewalang sagot ko at nilampasan na siya.

Pero sadyang makulit si Whimper at muli akong hinabol. "Sasama ako." Pagpupumilit niya.

Inis na huminto ako sa paglakad. "Ano namang gagawin mo at sasama ka pa?" Asik ko sa kanya.

Naiinis kasi ako sa ginawa niya kahapon. May nalalaman pa siyang pursue pursue dyan.. Pss! Kahit naman anong pursue niya, walang mangyayari eh. Pahihirapan niya lang ang sarili niya. Ayoko na sa kanya dahil wala akong balak na masaktan muli!

Kitang-kita ko na nababahala siya na makitang galit ako sa kanya. "Sorry. Sige kayo na lang." Malungkot na sabi niya. Tumalikod at laglag ang balikat na naglakad palayo.

Wahh! Hindi kaya ng konsensiya ko ang lungkot sa kanyang mga mata. "Sandali!" Sigaw ko para pigilin siya.

Lumingon naman siya sa akin. Ganoon pa din ang itsura. Hindi siya umimik pero nanatili siyang nakatitig sa akin at nakanguso pa! Para siyang tuta na iiwan ng amo. Lalo tuloy may kung anong kumalabit sa puso ko.

Napabuga ako ng hangin at napailing. Hindi ko alam kung anong iisipin ni Kent kapag isinama ko ang isang ito. Pero hindi naman kaya ng konsensiya ko na hindi siya pasamahin.

Lumapit ako sa kinatatayuan niya. "Sige na nga. Sumama ka na." Napipilitang sabi ko.

"Huwag na. Napipilitan ka lang." Tumungo pa siya para mag-iwas ng tingin.

Naiinis ako sa inaarte niya, pero hindi kaya ng puso kong makita na ganyan ang itsura niya. Ewan ko ba kung bakit nagpapa-apekto ako sa malinaw na pagiinarte niya.

"Sumama ka na nga kasi."

"Hindi na. Enjoy nalang kayo ni Doc Kent. Baka makaabala lang ako sa inyo."

Nakapikit ang aking mata na napatingala ako at namewang. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko na huwag pansinin ang mga pacute niya.

"Sasama ka ba o hindi?" Pigil ang inis na sabi ko.

"Eh ayaw mo naman." Sagot niya habang nilalaro-laro ang mga daliri niya.

This is it! Naiirita na ako!

"Eh di wag!" Singhal ko at iniwan na siyang nakatayo doon palabas ng lobby ng hospital.

Agad niya akong hinabol at hinawakan sa siko. "Sasama na ako."

Sasama din pala ay aarte-arte pa! Naiinis ako, pero hindi ko naman kayang sigawan siya. Ayoko namang makakuha ng atensyon sa ibang tao dito. May nalalaman pa kasi siyang pagpapa-cute eh!

Tumango na lang ako dahil baka kung ano pang masakit ang masabi ko. Parang nakuryenteng binitawan niya agad ang siko ko nang tingnan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.

The MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon