A/N:
Kindly read MY ALIEN BOYFRIEND by: AngelMelay. Nasa external link po iyan or better yet, click this: http://www.wattpad.com/story/14100491-my-alien-boyfriend. Saka idamay na rin po ninyo iyong Part 2 ng A Week With The Star na FOREVER WITH THE STAR (AWWTS 2) http://www.wattpad.com/story/17625859-forever-with-the-star-awwts-2. Thanks!
______________________________
(23)
PALIWANAGAN
"Nakunan ako noong nagsasama pa tayo Whimper." Sabi ko sabay tulo ng luha ko.
Kitang-kita ko kung paano natigilan at nalaglag ang panga ni Whimper sa kanyang natuklasan. Napapikit naman ako ng mariin. Para kasing biglang bumalik na naman ang lahat ng masamang ala-ala namin mula sa simula.
"Iyon na nga lang ang pag-asa natin noon para maging maayos tayo. Isang anghel na binawi rin agad sa atin. Siguro ay sadyang hindi siya nakalaan sa atin ng mga panahong iyon. Hindi ko rin naman siya maasikaso ng maayos dahil masyadong okupado ang isip ko sa mga problema natin. Mabuti na rin siguro na ganoon ang nangyari." Garalgal ang boses na sabi ko pa dahil sa pinipigil kong pagiyak.
Sunod-sunod na ang naging patak ng aking mga luha. Naalala ko noon kung paano ako nanghinayang dahil nawala ang munting anghel sa aking sinapupunan. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako naging isang mabuting ina dahil hindi ko siya naproteksyunan.
"Bakit hindi mo sinabi?" Malumbay na tanong niya.
Napalunok ako. Malungkot na malungkot din ang itsura ni Whimper. Parang kinukurot ang puso ko nang pumatak na rin ang kanyang mga luha. Pinunasan niya ito ng kanyang mga daliri at tumungo.
"Noong panahong dapat na sasabihin ko sa iyo ay hindi ka nakarating. Excited akong naghanda para sa masayang araw na iyon. Pakiramdam ko nga ay..." Hindi ko maituloy.
Parang nanunuyo ang lalamunan ko. Bumalik ang sakit ng nakaraan. Parang sinasaksak ang aking puso sa sobrang sakit. Pero kailangan kong masabi sa kanya ang lahat. Pakiramdam ko kasi ay ito ang magpapalaya sa akin.
"P-Pakiramdam ko nga ay nabura lahat ang pait sa puso ko nang malaman kong buntis ako. Walang sasaya sa pakiramdam na malapit na akong maging ina at ikaw sana ang ama. Pero hindi rin naman nagtagal ang ligaya. Hindi ka muling nakarating sa usapan dahil sa bulag na bulag ka sa kasikatan mo noon..."
"...Sa sobrang pagdaramdam ko ay umiyak ako ng umiyak. Hanggang sa dinugo ako. Ni wala akong mahingan ng tulong dahil wala ka. Hindi ko rin masabi noon sa aking pamilya. Ayaw kong masira ka sa kanila. Galit ako sa iyo noon, pero may bahagi pa rin ng puso ko ang nagsasabi na mahal kita. Hindi pwedeng malaman nila dahil kapag nakialam na sila, magiging mahirap na ang lahat para maayos tayo..."
"..Pero parang bombang sumabog sa akin ang balita. Wala na daw ang aking anghel. Hindi ko pa man lang naibabalita sa iyo ay wala na agad? Kaya mas lumalim ang galit ko sa iyo. Kulang na lang ay isumpa ko ang iyong anino."
Hindi ko na napigilan ang impit na pag-iyak ko ng tuluyan. Ang buong akala ko ay sapat na ang isang taon. Pero wala din pala.
"Kaya ba hindi ka namin makontact sa loob ng isang taon?" Tanong ni Whimper.
Hindi tulad ko na iyak ng iyak, si Whimper ay walang expression ang mukha. Blangko lang ang kanyang itsura. Ang tangi lang dahilan para malaman mong nasasaktan siya ay ang kanyang walang humpay na pagluha.
"Pwede na pong ilipat sa private room ang pasyente...Ay sorry po!" Agad na tumalikod ang nurse nang makita kaming nagiiyakang dalawa.
Pinunasan ko ang luha ko ng kumot na nakapatong sa akin. Kahit papaano ay parang gumaan din naman ang dibdib ko. Masakit pa din na maalala ang nakaraan. Pero pakiramdam ko, kahit masakit, nawala naman iyong mabigat nakadagan sa dibdib ko. Dati kasi kapag naaalala ko iyon ay parang may sumasakal sa akin at nahihirapan akong huminga. Mukhang nakabuti nga na naikwento ko na sa kanya ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Marriage
RomancePagkatapos ni Whimper (Myungsoo) pagdaanan ang Falling For MIss Perfect ay nagtiis siya para sa walang katapusang The Chase. At ngayon, pagkatapos ng limang taon, haharapin nila ni Lizzie (Suzy) ang lahat ng pagsubok sa kanilang matagal ng pinangara...