A/N:
PLEASE VOTE & COMMENT. Warning: Madalang pa sa patak ng ulan ang update ng story na ito. Pero tatapusin ko naman po, don't worry.. hihi! Paki read na lamang po ang MY ALIEN BOYFRIEND na nasa external link habang nag-aantay kayo ng update.
Thank you po sa lahat!
______________________________________
(7)
IUGNAY
I was busy as a bee here in USA. Ten months have passed and I am happy to find myself still alive and kicking. I am now working here in USA as a nurse. Sa pagtatrabaho ko na lang inabala ang sarili ko kesa sa mga frustrations na nararamdaman ko.The past six months were hell for me. Hirap na hirap akong makapag-adjust dahil sa paghihiwalay namin ni Whimper. Nakatulong lang sa akin na maka-move on ng tuluyan nang dumating sa akin ang decision ng annulment namin. And it was sealed with the magic word, GRANTED. So ngayon, I'm back to being Zacarias.
"Tuloy ka ba talagang umuwi ng Pilipinas?" Tanong ko sa isa sa Pinoy na kasamahan ko dito sa hospital. Pilipino din siya kaya naging kaibigan kong matalik si Greg.
Si Greg ay matanda sa akin ng two years. Pamilyadong tao na si Greg kaya walang bahid ng romance ang friendship namin. Madami ang nangiintriga sa aming dalawa dahil gwapo naman si Greg at sobrang close nga namn sa isa't-isa. Pero parehas kaming hindi homewrecker kaya deadma kami sa mga tukso nila sa amin. Ang kanyang pamilya ay nasa Pilipinas. May isa na silang anak ng kanyang asawa. Buti pa sila. Iyong akin ay namatay. Hayss! Enough of that!
"Oo, Liz. Gusto mo ay sumunod ka na rin sa akin. Tamang-tama at nangangailangan ng mga bagong nurse ngayon doon sa bagong hospital na minamanage ng ninong namin ni Misis sa kasal." Yaya niya sa akin.
Noong isang buwan pa akong niyaya ni Greg na sumama nang umuwi ng Pinas. Pero dahil hindi pa ako handa ay tumanggi ako. Ayoko. Para sa akin, uuwi lang ako sa atin kapag kahit konti ay hindi ko na naaalala si Whimper. At sa ngayon ay malabo pa akong makauwi. Dahil sa tuwing nasa bahay ko na ako, dito sa America, palagi pa rin siyang sumasagi sa isip ko.
Wala na akong balita sa kanya. Hindi na ako nabili ng diyaryo at nagbubukas ng tv. Ang huli kong balita ay 8 months ago. At ayon sa international news ay he's quitting the industry. Susuko din pala siya sa pag-aartista, bakit inantay pa niya na magkahiwalay kami ng tuluyan? Ay ang bitter ko talaga kahit kailan!
"Ayoko munang umuwi sa atin, Greg." Sabi ko sa kanya. Alam ni Greg ang dahilan kung bakit ako napatalsik dito sa America. Narinig niya kasing pinaguusapan namin ng kakambal niyang doktor na nangliligaw sa akin, si Kent.
Close din kami ni Kent pero I think, I'm closer to Greg. Iba kasi si Greg. Pamilyadong tao na siya kaya safe na safe ang pakiramdam ko. Hindi tulad ni Kent na kahit paano ay naiilang ako dahil nga I know that he likes me. At hanggang ngayon ay hindi ko pa kasi kayang buksan ang puso ko sa ibang lalaki.
Napailing na lang siya sa akin dahil hindi niya talaga ako mapilit. "Mag-iingat ka dito ah. Hindi ko alam kung paano kita iiwan na hindi ako mag-aalala." Seryososng sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Marriage
RomancePagkatapos ni Whimper (Myungsoo) pagdaanan ang Falling For MIss Perfect ay nagtiis siya para sa walang katapusang The Chase. At ngayon, pagkatapos ng limang taon, haharapin nila ni Lizzie (Suzy) ang lahat ng pagsubok sa kanilang matagal ng pinangara...