A/N:
Sobrang busy ko po kaya isinisingit ko lang ang pagupdate nitong tatlong story na ito. Huwag po ninyo akong pwersahin sa update kasi chinecheck ko pa mabuti ang daloy ng kwento ko bago ko ipost. Sinisiguro ko pong hindi na magpost ng basura. Kaya pasensiya na. Pa read din po ang MY ALIEN BOYFRIEND. Maganda iyon.
VOTE & COMMENT para maisingit ko ang magupdate dito.
WARNING: SPG!
____________________________
(15)
NAKALIMOT?
"Walang hiya kang babae ka!" Sigaw sa akin ni Trish habang gabot-gabot ang buhok ko.
Hindi ako makaganti kasi mula sa likod ko siya umatake. Si Kent naman ay nagmamadaling hinawakan siya sa bewang at inilalayo sa akin. Pero sadyang determinado si Trish. Pilit pa siyang sumisipa para maabot ako.
"Aray!" Namimilipit na daing ko nang mapaluhod ako sa gilid ng kotse ni Greg dahil sa nasipa ako sa lulod ni Trish na nagwawala.
"Liz!" Sigaw ni Kent. Nabitawan niya si Trish at agad akong dinaluhan.
Itatayo na sana ako ni Kent nang siya naman ang ulanin ng bugbog ni Trish. "Wala kang puso. Kaya pala ayaw mo sa akin dahil may bago ka na! Sinasabi ko na nga ba na ang Liz na ito ang dahilan!" Sigaw siya ng sigaw. May mga ilan ng napapatingin sa amin. Sht lang!
"Ano ba, Trish?!" Inis na singhal ni Kent habang pilit na sinasalag ang mga bugbog niya. Gentleman pa din si Kent kasi hindi niya magawang patulan si Trish.
"Huwag!" Sabi ko sabay tulak ng malakas kay Trish.
Isa akong black belter ng taekwondo noong kabataan ko. Matagal na panahon na ring hindi ako nakikipaglaban. Iniiwasan ko dahil mabigat ang aking kamay. Saka isa pa, ayaw na ayaw ng aking Papa Tope na nakikipag-away ako. Hindi pwede!
Ininda ni Trish ang bewang niyang bumagsak sa semento. I hope she won't push my bitch-button. Baka hindi lang iyan ang abutin niya.
"Ayos ka lang?" Tanong ko kay Kent habang tinutulungan siyang makatayo ng ayos. Nasipa rin kasi siya ni Trish sa where it hurts most niya.
"Umuwi na tayo." Yaya ni Kent nang makakuha na siya ng tamang hangin para alisin ang sakit ng pagkakadali sa ano niya.
Pumasok na si Kent ng kotse. Kalahati na ng binti ko ang naipapasok ko nang mabiga ako. "ARAYY!!" Wagas na sigaw ko. Halos mamilipit ako nang biglang itulak ni Trish ang pintuan ng kotse pasara. Naipit tuloy ang ang aking binti.
Natatarantang lumabas ulit si Kent ng kotse. Agad naman siyang sinalubong ng galit na galit na si Trish. Hindi na tuloy niya ako nalapitan.
PAKK!
Lumagutok sa pisngi ni Kent ang sampal ni Trish. Nanglaki tuloy ang aking mga mata sa ginawa ng asawa ni Greg. Hindi ako makapaniwala na pati si Kent ay magagawa niyang saktan.
BINABASA MO ANG
The Marriage
RomancePagkatapos ni Whimper (Myungsoo) pagdaanan ang Falling For MIss Perfect ay nagtiis siya para sa walang katapusang The Chase. At ngayon, pagkatapos ng limang taon, haharapin nila ni Lizzie (Suzy) ang lahat ng pagsubok sa kanilang matagal ng pinangara...