(24)

4.8K 124 19
                                    

(24)

FAMILY DINNER

Naging masyadong showy si Whimper sa pagpapakita sa pangliligaw niya sa akin ng mga sumunod na araw. Kaya bukod kay Greg ay alam na din ng buong hospital ang sitwasyon namin. Kontra man sina Greg at Kent sa desisyon ko na bigyan ng another chance si Whimper ay wala rin silang nagawa. Hindi naman nila ako mapipigilan kung talagang gusto ko.

Dumating na ang may-ari ng hospital at nakakuha na kami ng kopya ng CCTV. Napawalang sala si Whimper. Habang ako naman ay binayaran noong pamilya ni Drake para sa kaso ng harassment na isinampa ko sa kanya.

Si Trish ay nakulong na. Kaya ngayon ay pilit na nagmomove-on si Greg. Kahit na busy ako sa lovelife ay pilit na kong hinahanapan ng oras para makasama pa din sila ni Kent. Hindi naman mahigpt si Whimper kaya pinapayagan niya ako. Iyong nga lang, palagi naman siyang sumasama. Wala rin! Hahaha!

Rest day namin ni Whimper. Nagdesisyon ako na imbitahan ang magulang ko sa aking condo na katabi ng kay Whimper. Imbitado din sina Kent at Greg. Gusto kong makasama sila sa dinner with my family.

"Hindi ka pa ba tapos diyan?" Tanong ni Whimper mula sa likod ko kasabay ng pagpulupot ng mga braso niya sa akin.

"Ayy!" Napatili ako dahil bigla niya akong hinalikan sa leeg.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa siya sinasagot eh para namang magnobyo na rin kami. Para bang para lang sa formality kaya kailangan ko siyang sagutin.

May gumapang sa aking kilabot na umabot hanggang sa dulo ata ng buhok ko nang halikan ako ng mabilis ni Whimper sa leeg. Shezz! I think I'm going crazy!

"Whimper, p-please? Tulungan mo akong magluto. Dalawang oras na lang ay dadating na ang family ko." Pagsaway ko sa kanya. Kusa ko nang inilayo ang sarili ko sa kanya. Mahirap na!

Umupo siya sa harap ko at naghalumbaba. Naiilang tuloy ako. Nanginginig ang mga daliri ko dahil sa ginagawa niya. Para kasing naghahabulan ang mga paru-paro sa sikmura ko dahil sa pagtitig sa akin ng kanilang amo, si Whimper.

"Lizzie, sa tingin mo, galit pa kaya sa akin ang family mo?" Tanong niya.

Nagulat ako sa tanong niya kaya muntik ko nang mataga ang kamay ako. Alertong tumayo naman agad siya at dinaluhan ako.

"Are you ok, Baby?" Tanong niya sa akin.

Sht! Ang sexy ng pagkakasambit niya ng Baby sa akin. Napalunok ako habang nakatitig sa kanya. Nagugulo ang sistema ko dahil sa paghawak niya sa kamay ko para tingnan kung nataga ba ako.

Langhap ko ang paborito kong pabango niya. Lalong humataw ang puso ko nang magtama ang aming paningin. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Kinakapos ako ng hininga ng lumagapak ang kanyang titig sa aking mga labi. Hahalikan ba niya ako?

Unti-unti niyang inilapit ang mukha sa akin ng marinig ko ang pagtunog ng buzzer ng kalan ko. Kailangan ko nang hanguin ang nakasalang ko sa oven. Sht! Bitin!

Lumayo na ako at iniwan siyang nakapikit. Ayokong masunog ang niluto ko kaya kailangan ko itong unahin.

Nagsalang ako ng sunod na pagkain sa aking cooking range. Pagkatapos ay nilapitan ko si Whimper na nakasandal sa aking sofa at nakapikit ng mariin.

"Whimper.." Tawag ko sa kanya.

Nagdilat naman siya ng mata at marahan akong pinalapit sa kanya. Pinaupo niya ako patagilid sa kandungan niya. Ipinalibot ang mga braso sa bewang ko at ibinaon ang mukha niya sa may balikat ko. Eto na naman tuloy ang pamilyar na kilabot sa buong katawan ko.

The MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon