(10)

5.4K 113 16
                                    

(10)

BROOM'S CLOSET

Anak ng kabibe naman! Bakit sa dinami-dami ng pwedeng pasukan ni Whimper na hospital ay sa hospital pa ng mga Reyes siya napadpad?? Narinig ko na sa usapan nila ni Kuya Dave kagabi na lilipat siya ng hospital, pero wala man lang akong kutob na dito din pala.

Wala sa sarili na tinalunton ko ang daan papunta sa HR Department ng hospital. Sila ang in-charge sa hiring kaya sinamahan ako ni Kent papunta rito. Kung hindi pa ako hinawakan ni Kent sa siko ay hindi ko mapapansin ang malaking karatula ng HUMAN RESOURCE DEPARTMENT sa gilid namin.

Si Kent ang kumatok. Narinig ko ang boses mula sa loob na nagsabi ng, "pasok." Kaya pinauna na ako ni Kent na pumasok sa loob.

Sinenyasan kaming umupo ni Miss Robles. Nabasa ko sa lapida sa kanyang mesa na iyon ng pangalan ng HR Manager sa hospital na ito. Kung titingnan mo siya ay parang nasa early 30's pa lang siya. Very formal ang kanyang itsura. Intimidating din siyang tingnan. Pero maganda naman siya kahit hindi ngumiti man lang sa akin.

"Good morning, Ma'am!" Agad na bati ko na sinagot niya lang ng tango.

"What can I do for you, Kent?" Tanong niya na ngayon ay may ngiti na sa labi. Well, what do we expect? Pamangkin ng may-ari ng hospital ang kambal kaya marahil mabait sa kanila ang kahit na sinong staff dito.

Ipinatong ni Kent ang kamay niya sa sandalan ko at nagdekwatro. Gusto ko sana siyang sawayin, pero hindi ko na lang tinuloy. Mukha ok lang naman kay Ms. Robles ang ganito niyang upo.

"May problema kasi sa lists na binasa sa amin kaninang umaga." Panimula ni Kent na akala mo ay mas mataas pa ang pwesto niya sa HR namin. 

Napakunot ang noo ni Ms. Robles sa kanya at saglit na sumulyap sa akin. "Anong problema?" Tanong niya nang ibinalik na niya ang paningin kay Kent.

"Bakit ako nasa nurses list? Hindi ako nurse dahil Doctor ako." Nakataas ang kilay na tanong niya. Bossy talaga siya kahit kailan. Sabagay, sino ba namang matutuwa na isa kang doktor tapos kasama ka sa roll call ng mga nurses? At hindi lang siya basta-basta doktor. Sikat na sikat siya sa US sa larangan ng surgery.

May kung anong hinanap sa lamesa niya si Miss Robles. Hanggang sa nakita naming binuksan niya ang isang folder na nasa ilalim ng mga files sa harap niya. "Oo nga, ano? I'm really sorry for that, Kent. Ipaaayos ko ito sa staff ko." Sagot niya habang nagkakamot ng ulo. Halatang hiyang-hiya siya sa kamalian nagawa ng kanyang departamento.

"Paki paayos na lang agad." Utos niya sa HR.

"Oo. Makakaasa ka na aayusin namin ito agad, Kent." Sagot noong si Miss Robles. "Is there anything else?" Tanong pa niya.

Alam kong iyon na ang hudyat para ako naman ang magsalita. "Kasi po, I think you got my surname incorrectly." 

Ako naman ang hinarap niya. "What do you mean?" Tanong niya sa akin.

Wala namang masama kung sasabihin kong nagkamali sila, hindi ba? Importante para sa isang tao na tama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga empleyado para sa lahat ng files dito. "Kasi po, my name is Monaliza Zhane Zacarias. Hindi po ako Becher." Mahinahong sagot ko.

The MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon