(12)
DON'T FLIRT
"Nasaan ako?" Inilibot ko ang buong paningin ko sa kwarto. Puti na may mint green ang kulay nito. Ibig sabihin ay nasa Reyes Hospital pa rin ako? Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at naalala kong nawalan ata ako ng malay kanina.
Sa U.S. naman ay nakakakita pa ako ng mas maraming dugo tulad kanina. Pero never akong hinimatay dahil sa takot. Ngayon lang. At pakiramdam ko, kaya ko naalala nang nakunan ako ay dahil nakita kong muli si Whimper. Matagal na akong naka move-on at natanggap ko na nawala na ang baby ko. Pero ang makita siyang muli ang nagpaalala sa akin ng sakit ng mga nangyari noon.
"Ok ka na ba, Miss Liz?" Tanong noong matandang doktor. Medyo nakakaintimidate siya kasi seryoso lang siyang nakatingin sa akin at hindi man lang nangiti.
"O-Okay na po." Naiilang tuloy na sagot ko.
Tumango siya. "Good! Ako nga pala si Doctor Dan Comia. Ako ang administrator sa hospital na ito." Pakilala niya.
"Pasensiya na po kayo sa akin, Dok." Paghingi ko ng paumanhin. Medyo natatakot ako kasi baka tanggalin niya ako dahil baka isipin niyang hindi ako fit to work.
Matiim niya akong tiningnan. Nakakatakot siyang tumingin. Bakas mo ang authority sa kanyang pagsasalita. "Are you sure na nakapasa ka sa medical exam bago ka pumasok dito?" Tanong pa niya sa akin.
Kinabahan ako. Matatanggal na ba ako? Ang totoo, hindi na ako dumaan sa ganoong proseso kasi nga binitbit lang naman ako ng kambal na Reyes dito. Sasabihin ko na sana iyon nang biglang lumapit sa amin si Greg.
"She's fit to work, Doc. Hindi lang siguro siya nakakain ng maayos kaninang umaga." Paliwanag niya kay Doc Dan habang hinahaplos ang buhok ko. Mabuti na lamang at naandito si Greg. Kung hindi ay baka naibuking ko na kung paano ako nakuha sa hospital na ito.
Napailing si Doc Dan. "Sa susunod, huwag papasok sa trabaho ng hindi ka nakakain ng ayos, Miss Liz." Sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin.
"O-Opo." Kinakabahang sagot ko.
Tumayo na si Doc. Mabuti na lamang dahil makakahinga na ako ng maayos. "But don't think na wala akong gagawing action sa nangyari. Naging pabaya ka sa sarili mo, Miss Liz. Hindi pwedeng ganoon kayo dito. Buhay ng mga pasyente ang nakasalalay sa atin. Paano ninyo magagawa iyon kung kayo mismo ay hindi maganda ang lagay?" Napatiim bagang pa niyang sabi.
"Sorry po." Nakakahiya kaya napatungo na lang ako.
"Sige po, Doc." Narinig ko namang paalam ni Kent. Naandito rin pala siya?
Nang makalabas si Doc ay inalalayan na ako ni Kent na makaupo sa kama. "Ano bang nangyari?" Tanong niya sa akin.
Nagpalit-palit ang tingin ko sa kanila. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila o hindi. At sa huli nagdesisyon din akong sabihin. Wala naman silang hindi alam na sikreto ko. Maliban sa pangalan ng ex ko.
"Naalala ko kasi iyong unborn baby ko." Napapikit ako ng mariin pagkasabi ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
BINABASA MO ANG
The Marriage
RomancePagkatapos ni Whimper (Myungsoo) pagdaanan ang Falling For MIss Perfect ay nagtiis siya para sa walang katapusang The Chase. At ngayon, pagkatapos ng limang taon, haharapin nila ni Lizzie (Suzy) ang lahat ng pagsubok sa kanilang matagal ng pinangara...