A/N:
Please VOTE & COMMENT po. And please read and add MY ALIEN BOYFRIEND to your reading list. Iyan po ang major story ko. Sorry for keeping you wait this long. Nawalan po kasi ako ng internet connection. But don’t worry, magpapabaha ako ng updates ngayon.. So ito na ang una…
____________________________
(3)
MONTHSARY
Pagkatapos nang lahat ng preparasyon ko ay naligo na ako at nagbihis. Pinili ko ang isang simpleng flowing dress ko para sa okasyon ngayon. Naglagay lang ako ng light make-up at kinulot ko lang ng konti ang buhok ko ng iron rod. I always need to be beautiful sa mga mata ni Whimper. Mahirap na. Lagi siyang napapaligiran ng mga magagandang babae sa showbusiness kaya ayokong maisipan niya akong ipagpalit kahit kanino sa kanila.
Natapos akong mag-ayos ng sarili ng eksaktong alas-otso ng gabi. Pagkatapos noon ay ininit ko na ang ulam sa microwave. Ang sabi kasi ni Whimper ng tumawag siya kanina ay dadating siya ng mga nine ng gabi. Kaya sinuri kong mabuti ang lahat ng preparasyon na ginawa ko kung kumpleto na. Wedding monthsary namin kaya kailangang maging perpekto ang lahat.
Fifteen minutes before nine ay tapos na ako. Wala na akong makita na kulang pa kaya naupo na muna ako sa couch para antayin siya. Iyong puso ko ang lakas na nang kalabog. Iyong mga paru-paro ay parang nag-wawarm-up na sa loob ng sikmura ko. Panay tuloy ang hinga ko ng malalim para medyo kumalma ako ng konti. Kailangan kong gawin ito dahil sobra-sobra na ang excitement na nararamdaman ko.
“Happy Monthsary, Baby!” Practice ko sa sasabihin ko pagdumating na siya.
Napailing ako. Masyadong common naman iyon. I would like to make this occasion very memorable. Gusto kong mapasaya ng todo si Whimper ngayong gabi. Suot ko pa nga ang pinaka-sexy kong lingerie sa loob ng dress na ito. Mamayang bago kami matulog ay sisiguraduhin ko pang magiging perpekto ang lovemaking namin.
Gusto ko na rin kasing magka-baby na kami. Gusto ko ring magkaroon na ng maliit na Whimper o Lizzie dito sa aming condo. Pakiramdam ko kasi ay kumpleto na ang buhay mag-asawa namin. Financially ay ok na kami. Emotionally ay ganoon din. Lahat ay ayos na. Baby na lamang ang kulang.
“I’m so happy that all this years I have you by my side. I love you, Whimper.” Practice ko pa ulit.
Parang hindi naman touchy ang dating kaya nagisip pa ako ng ibang sasabihin. Tagalog kaya para makata ang peg ko?
“Sa iyo na ako nagdalaga. Mula highschool ay tayo na ang magkasama. Hindi ko na naranasan na magmahal ng iba. Ikaw at tanging ikaw lang ang mananatili sa puso ko habang buhay, Whimper. Mahal na mahal kita!”
Hmm.. Parang mas ok na iyon. Siguro ay iyon na lamang ang sasabihin ko.
Dahil ata sa pagod at kaba kaya nakaramdam na ako ng gutom sa akin tiyan. “Hindi muna ako kakain. Mamaya na lamang pagdating ni Whimper.” Pagkausap ko pa sa hangin.
Hindi ako mapakali. Kailangan kong ibaling muna ang atensyon ko sa ibang bagay para hindi ako kabahan ng ganito. Namamawis na kasi ang mga palad ko dahil ata sa kaba kahit naka-full ang aircon namin. Ayokong buong katawan ko ay pawisan kaya napagpasyahan kong magbukas muna ng tv.
BINABASA MO ANG
The Marriage
Storie d'amorePagkatapos ni Whimper (Myungsoo) pagdaanan ang Falling For MIss Perfect ay nagtiis siya para sa walang katapusang The Chase. At ngayon, pagkatapos ng limang taon, haharapin nila ni Lizzie (Suzy) ang lahat ng pagsubok sa kanilang matagal ng pinangara...