(11)
APELYIDO
Si Greg ang sumundo sa akin ngayon. Ang sabi niya kasi may nilakad daw si Kent. Pero hahabol pa rin ito sa hospital. Tulad pa rin kasi ng dati. Kung ano ang schedule ko, iyon ang kinukuha din ni Kent kahit pa doctor siya at nurse lang ako. Ngayon lang namin makakasabay sa shift si Greg dahil ang sabi niya ay may nakipagpalit daw sa kanya ng schedule na kapwa niya nurse sa E.R.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong sa akin ni Greg nang masundo na niya ako.
Sa sobrang aga ng pasok namin ay hindi na ako nakapag-agahan sa bahay. Sa bahay pa din ako ng family ko umuuwi. Siguro bukas kapag restday na namin ni Kent ako magpapasama na tumingin ng pwedeng mabiling condo para makabukod na ako ng tirahan.
Mahal ko naman ang family ko. Pero sadyang hindi na ako sanay na pumisan sa kanila. Nasanay na kasi akong independent at may privacy palagi. Sa USA naman kasi, ako lang ang mag-isa sa flat ko doon. Kaya nasanay na ako ng solo.
"Kahit saan na madaanan natin na pwedeng mag-drive thru." Sagot ko naman sa kanya habang sinusuklay ang buhok ko. Late na kasi akong nakatulog kagabi. Hindi ko nga alam kung bakit. Wala naman akong iniisip kagabi para maging dahilan ng pagkaligalig ng aking sistema.
Pinanuod ko lang si Greg na nagdadrive at naghahanap ng pwedeng mabilhan ng pagkain. Sa America noon ay ganito din kami. Hindi pumapayag si Greg na pumasok ako sa trabaho na walang laman ang tiyan. HIndi ako titigilan niyan hangga't hindi man lang ako nakakapag-kape man lamang.
Malapit na kami sa hospital ng may makita kaming Jollibee. Agad na pinasok ni Greg ang sasakyan niya doon sa drive thru section. "What do you want to eat, Liz?" Tanong niya sa akin. Isang sasakyan na lamang at kami na.
"Burger and fries na lang." Balewalang sagot ko.
Ibinaba ko ang side mirror sa tabi ko nang may kumatok na crew ng Jollibee. "Yes?" Tanong ko.
"Ma'am, sa loob na lang po kayo magorder ng takeout. Nasiraan po ata iyang kotse sa unahan ninyo." Nakangiting sabi ng food server sa amin na lumabas pa talaga dito sa labas para sabihan lahat ng nakapilang kotse.
Isa-isang nagatrasan ang mga sasakyan sa likod namin kaya nagpasya si Greg na sumunod na rin kami. Nagpark na lamang kami sa parking lot at pumasok sa loob.
"I-order mo na lamang ako. Magre-restroom lang ako." Paalam ko kay Greg.
"Ok. Maghugas ka ng kamay pagkatapos ah?" Biro pa niya sa akin. Loko talaga! Umirap lang ako at dumiretso na sa kanilang banyo dito.
Paglabas ko ng banyo ay natigilan ako ng makita ko ang isang pamilyar na pigura sa likod ng poste. Nakangiting lalapit na sana ako ng mapansin kong may kausap siya kaya napahinto ako.
"Tigilan mo na ako, Trish. Wala na akong pagtingin sa iyo. Nang pinili mo si Kuya ay tinapos ko na din ang lahat sa ating dalawa." Naiirita ang tono na sabi ni Kent.
BOOM! Sabi na nga ba at may something sa dalawang ito. Hindi nga ako nagkamali! Napakagat labi tuloy ako at nagtago pa. Sabihin ng chismosa ako, pero gusto ko lang talagang marinig ang usapang ito. Noong isang araw pa ako kinukutuban at hindi ako sang-ayon na mapariwara si Kent sa hipag niya. Bad iyon eh!
BINABASA MO ANG
The Marriage
RomancePagkatapos ni Whimper (Myungsoo) pagdaanan ang Falling For MIss Perfect ay nagtiis siya para sa walang katapusang The Chase. At ngayon, pagkatapos ng limang taon, haharapin nila ni Lizzie (Suzy) ang lahat ng pagsubok sa kanilang matagal ng pinangara...