CHAPTER 2
Nagising ako dahil sa ingay na nanggaling mula sa labas. Sumilip ako sa bintana at nakita ang malaking signage na "ALL ITEMS FOR 50 PESOS" at ang mga gamit namin na naka-display. Syempre, pinangungunahan ito ng mama ko.
Well, she's an entrepreneur, all right. I'd give her an award for being this resourceful during her free time.
Naghilamos muna ako bago naghakot ng sarili kong mga gamit na ibebenta. Mula sa mga pinagliitan kong mga damit, lumang action figures, bala ng game boy, pati na rin mga picture frames na hindi ko na ginagamit, pinagsama-sama ko sila sa iisang box.
Nang mapuno ko ang dalawang kahon, pinagpatong ko ito para mas madaling mabuhat palabas. Kagabi pa ito binilin ni mama pero ngayon ko lang gagawin.
Handa na ako't lahat kaso pag-angat ko ng kahon, nahulog 'yong isang laruan na nakapatong lang sa takip at dire-diretsong gumulong sa ilalim ng kama ko.
"Malas naman."
Yumuko ako upang kapain ang ilalim kaso imbes na 'yong laruan ang mahawakan ko, natabig ng kamay ko ang isa pang karton na hindi ko alam na nandoon pala.
Hinila ko ito palabas at halos maubo ako sa sobrang kapal ng alikabok na nakabalot dito. Tumambad sa'kin ang limang photo albums at sa pinaka-ilalim naman nito, may isang picture frame na nakataob. Portrait siya ng babaeng nakaupo sa talampas. Sa background naman nito ay malawak na kabukiran at ang langit.
It wasn't a great drawing but I recognized it just the same. It was mine.
When I was 6 years old, I started having dreams about a girl about my age. She was a jolly, optimistic and adventurous person who taught me a lot of things I couldn't teach myself. My parents were always out, KL wasn't introduced to the world yet and all the neighborhood kids hated me. I was all alone and the only thing left for me was to sulk and sleep.
We always saw each other, played and told our secrets to one another. I would have the biggest smile when I woke up after long hours of sleep. At least in my dreams, I had a friend.
So I drew her so I could remember her. Because I could remember every detail about that dream, except her face. It wasn't blurry at all, but I seemed to forgot about it everytime I woke up.
Iyon nga lang, wala na akong balita sa kaniya ngayon. The last dream I had of her was when I was drawing her near a cliff. Nakayakap ito sa mga tuhod at hindi kita ang mukha. Kaya naman wala akong katiting na ideya kung nasaan na ito ngayon.
It was probably just one of those weird phases I experienced while undergoing puberty.
Niligpit ko ito at inayos ang mga kahon bago lumabas ng kwarto. Nakasabayan ko pa si KL sa pagbaba na may dalang malaking garbage bag na mas malaki pa sa kaniya. Kaya naman kinuha ko ito at ako ang nagbuhat para hindi siya mahirapan.
"Thanks, kuya." aniya ngunit hindi nakaligtas sa mga mata niya ang picture frame na nakataob sa ibabaw ng buhat kong kahon. Agad ko itong iniwas at laking pasasalamat ko nang hindi na ito mang-usisa pa.
Tinulungan ako ni mama i-display 'yong mga gamit bago bumalik sa pagbebenta. Sinamahan siya ni KL samantalang pinagbantay naman ako sa ibang lamesa dahil wala naman akong masiyadong maitutulong doon.
Hindi ko alam bakit ang daming tao sa labas ng bahay namin. Siguro, nag-post sa Facebook si mama tungkol dito dahil may mga ilang mukha na hindi pamilyar sa'kin. Kadalasan kasi, mga kapitbahay lang ang dumadayo dito.
I was quietly sitting there when I heard something break. I got on my feet and saw the picture frame on the floor.
It was Alyana's portrait. Hindi ko namalayang naisama pala 'yon sa nai-display.
BINABASA MO ANG
Fleeting Skies
Teen FictionPUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Sych Sebastian lived an ordinary life-he had normal friends, a normal school life and definitely normal a family. But his past says otherwise as a friend he had long forgotten decides to say hello, d...