CHAPTER 29
"Thank you, Mr. Solano. I'll make sure this never happens again." Tinanguan kami ng principal bago tumayo.
Sinulyapan ko si Jake sa kabilang upuan na maiiwan pa para malaman ang parusa niya sa ginawang panununtok nung isang araw sa canteen. I had a lighter punishment because I didn't punch him back.
"Pasalamat ka talaga at ako ang nakasagot ng telepono, hindi ang mama mo." ani papa habang naglalakad kami palayo sa office. Bigla akong nahiya dahil andami na ngang iniisip ng pamilya namin, dumagdag pa ako.
Araw ng exam ngayon at half-day lang naman kami. Kaya naman matapos ng pagpapatawag sa office, dinala ako ng papa ko sa isang restaurant para kumain. Libre nya daw 'yon.
"How are your tests? Did you do well?"
"Mukhang papasa naman, pa." Tumawa siya at tinapik ang balikat ko
"Manang-mana ka talaga sa'kin." Natawa rin ako sa sinabi niya. I'm close to both of my parents but it was much lighter and calmer with dad.
"Ang bilis ng panahon, Sych. Naalala ko noong bata ka pa, ang hilig mong matulog kasi ayaw ka ng mga kalaro mo."
Napangiti ako. It was probably how Alyana and I met.
"Nga pala, totoo bang buntis si Xyzereanne? Sigurado ka bang hindi ikaw ang ama?" biro niya sabay tawa.
"Papa naman."
"Syempre, alam kong hindi. Alam naman ng lahat kung sinong napupusuan mo, eh."
"Alam mo, pa?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nanlalaki ang mga mata.
"Sinabi ng mama mo." Uminom ito ng iced tea na parang wala lang sa kaniya.
"Alam rin ni mama?"
"She's your mom, Sych. What would she not know?" Halos mamula ang buong mukha ko sa binunyag ni papa.
Now, I've been doubting my personality as an introvert. I've been very easy to read all along.
"Umamin ka na ba?"
"I did. A lot of times, but she didn't give me an answer between yes or no." Sumandal ako sa upuan. "Is that rejection implied?"
"Hindi ka naman hinindi-an, 'di ba? baka nag-iisip pa. Women are complex, Sych, and very hard to understand. But once they become sure of something, everything just follows." aniya sabay tapik sa balikat ko.
It felt good spending time with my dad. Bihira ang mga ganitong pagkakataon na mayroon kami dahil lagi siyang wala kaya naman parang nakaka-kalma 'yong presensya niya niya. It felt good, really good.
Dumaan kami sa ospital pagkatapos. Medyo matagal din kami doon dahil nag-usap ang papa ko at mama ni Rover kasama ni mama. Pag-uwi ng bahay, hinagis ko ang bag ko sa sopa at pabagsak na umupo. Nauntog ako sa sandalan pero hindi ko na ininda ang sakit sa sobrang pagod. I sighed while I felt the fatigue crawling into my muscles.
I opened my FB account which I rarely do and saw my classmates' messages asking me about the rumors about Xy. Of course, the news spread like wildfire.
Hindi ko nga lang alam kung anong mangyayari kay Xy pagkatapos. I tried contacting Ate Xyla, but she wasn't responding as well. I think Xy is in so much trouble now but I couldn't bring myself to help since I had problems on my own. Isa pa, baka lalo lamang magkaroon ng issue.
Kinabukasan, mabigat ang loob kong nagising.
It's Alyana's long slumber making me miss her already. It's been three weeks since she's got into a coma so this is basically the third weekend that I can't spend my time with her.
"So how'd it go?" ani Zach habang naglalaro ng video games kasama ni Cryd.
Cryd has been acting normal since the day we talked. Rover told me he had a drunk session, but told me not to bother since Cryd was trying to handle everything well.
"Cleaning duties lang naman ako tuwing uwian simula next week. Si Jake, siguro detention lang din 'yon, tutal hindi naman ako napuruhan ng kumag." I fipped the page of a magazine.
"Geez. That man is so whipped for Xyzereanne." Cryd replied while aggressively pushing the buttons of his controller.
"Yeah right. Noong sila pa lang yata nitong si Sych, nakabantay na 'yon, eh. Kaya suguro galit na galit, ayan tuloy nanakit." Natawa ako sa biro ni Zach pero nanatili lang itong focused sa nilalaro.
"But I wonder how Xy's doing." Medyo natahimik kami nang si Rover ang magsalita. "I have this theory that Jake must be the father."
"Come to think of it, I saw them leave together after Xy's party."
"Oh, then the rest is history!" Hinagis ni Zach ang controller. "Talo ka, Angeles. Pay up!"
After a few talks with them, I went home. Naabutan ko si KL sa kwarto ni Alyana.
"Hey, KL. I don't think it's a good idea that you're touching your Ate Aly's stuff." suway ko nang makitang binubuklat nito ang scrapbook ni Alyana. Hindi naman ito nagulat at pinagpatuloy lamang ang ginagawa.
"I have permission." Matigas na sabi niya.
Umupo ako sa kama sa tabi niya at naktingin lang din. Bigla nitong inabot ang scrapbook bago humalik pisngi ko.
"I've seen this a hundred times so I think you should see it for your own. Tulog na ako kuya, good night."
Nang makaalis ito, binalik ko ang tingin sa scrapbook. Para siyang diary na may entries, pictures at descriptions.
Bumungad agad ang picture ng family tree sa unang pahina. Andoon 'yong mga ginupit-gupit na mukha namin na nakadikit sa isang puno na ginuhit gamit ang water color. Mayroon rin doon iyong unang araw niya sa klase, election, iyong nag-try-out siya sa tennis, screening sa Miss UN, roleplay nila sa room, gala namin nila Cryd pati na rin ang pageant.
I love the fact that her captions were almost all about her family and friends. I can almost hear her voice while reading them. That's how much she really values people. Sumisigaw din ang scrapbook sa pagiging artistic ni Alyana. I bet her parents would love to see this.
Sinarado ko na ang scrapbook dahil hindi pa ito tapos. There were still a few pages left to be filled. Ibabalik ko sana sa ilalim ng unan niya nang mapansin ang papel na nakaipit sa likod. I felt my cheeks flushed when I pulled it out. Ito 'yong picture namin noong pinagmodel kami sa mall na nakasuot ng uniform para sa isang event. I almost forgot this existed.
Nakangiti siya habang hawak ang vest ng uniform, ako naman ay nakatingin ng diretso sa camera, halos pilit ang ngiti. Magkaaway pa kami nito kaya naman ang awkward namin parehas. Sa baba naman ng litrato mayroong maliit na maliit na nakasulat.
'My greatest frenemy'. Hindi ko alam kung matatawa ako o kikiligin. But looking at her eyes in this picture, isa lang ang alam ko, the look on her eyes no longer confuses me.
Nag-vibrate ang cellphone ko dahil sa text ni mama. Halos lumundag ang puso ko dahil sa laman nito.
She's awake!
BINABASA MO ANG
Fleeting Skies
Teen FictionPUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Sych Sebastian lived an ordinary life-he had normal friends, a normal school life and definitely normal a family. But his past says otherwise as a friend he had long forgotten decides to say hello, d...