CHAPTER 35
Masarap magkaroon ng kaibigan. Iyon bang makakasama mo sa lahat ng pait, mapagsasabihan mo ng mga nakakahiyang karanasan mo pati na rin magiging karamay mo sa lahat ng tagumpay at kasiyahang nadarama mo.
Ang weird lang, kasi masiyahin naman ako at marunong makisama, pero parang lahat ng bata sa'min ayaw sa'kin dahil lang sa hindi nila ako kilala nang lubusan.
"Feeling close lang naman 'yan si Alyana, bakit natin isasama sa grupo 'yan?"
"Porket architect 'yong kuya niya, akala niya gusto na siya ng lahat."
"Marami lang namang 'yang mga kaibigan kasi wala talaga siyang permanent friend."
Ano raw?
Nginitian ko lang lahat ng sinasabi nila sa'kin. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, alam ko kung kailan totoo o hindi ang tao sa'kin. Syempre, hindi naman ako bulag. Pero sa kagustuhan kong magkaroon ng taong maasahan ko, tinanggap ko lahat ng klase ng taong nakakasalamuha ko. Iyon nga lang, hindi nila ako tinrato sa paraang tinrato ko sila.
Kaya siguro nang maaksidente ako, parang wala lang sa'kin. Tanging mga magulang ko lang naman ang nagbigay ng kalinga at atensyon sa'kin, kaya kung mawala man ako, konti lang ang maghahanap sa'kin.
"Anak, please! H'wag kang matutulog!" sigaw ni mama.
Tanging isang malaking salamin lang ang naghihiwalay sa'min. Katabi niya si kuya at si papa na hindi ko na makilala ang bruskong sarili nito sa lupon ng mga luhang nasa mata niya.
Tulog ako halos buong buhay ko kaya kahit namalagi ako sa ospital, hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam sa loob ng isang operating room. Nakakaba, nakakalungkot. Lalo na at nakikita ko ang mga mahal ko sa buhay na nag-aalala sa'kin.
Hindi ko alam na sa simpleng pagkauntog ko, hahantong na sa ganito. Ang daming dugo. Ang daming doktor na bumubulong. Ang daming tubo na nakakabit sa'kin.
Ayoko silang iwan. Pero sa bawat tulo ng dugo na tumutulo mula sa ulo ko, lalo akong hinihila ng antok, hanggang sa dumilim na ang lahat. Hanggang sa walang na akong naalala.
"Sych..." bulong ko paggising.
Luminga ako sa paligid. Nakahiga ako sa loob ng isang puting kwarto. Hiinawakan ko ang ulo kong sumasakit.
Wala akong ibang maalala kundi ang taong si Sych.
Una ko siyang nakita sa panaginip ko at simula non ay pasulpot-sulpot na siya sa buhay ko.
Umugong ang malakas na kulog sa langit. Tinanggal ko lahat ng naka-kabit sa'kin at dahan-dahang binuksan ang bintana. Mabuti na lamang at nasa first floor ako kaya agad akong nakaalis mula sa ospital.
Mailbox. Iyon lamang ang kailangan kong hanapin para makita ko siya ulit.
"Sych!" sigaw ko nang pagbuksan niya ako ng pinto.
Niyakap ko kaagad siya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Lahat ng nangyari sa'min noon ni Sych, totoo 'yon. Pero bakit parang ngayon ko lang siya nahawakan ng ganito? Bakit ganito na lang ako ka-saya na parang unang beses ko siyang nakita?
"Border ako dito." Pagpapakilala ko.
Ramdam ko ang pagiging mailap niya. Hindi na siya ang dating masiglahing Sych na nakilala ko. Kulang na lang itaboy niya ako pero mabuting tao pa rin talaga siya. Kinupkop niya ako, pinakilala sa pamilya niya at mga kaibigan niya. Siya lang ang naalala kong pamilya ko.
"Ang pangit mo pa rin, araw-araw kang pangit sa paningin ko." Sumimangot ako.
Nakaramdam ako ng kakaibang kirot tuwing sabihin niya sa'kin 'yon. Ang dami kayang pumuri sa'kin dahil ako ang Reyna Elena! Tapos para sa kaniya, ang pangit ko pa rin?
BINABASA MO ANG
Fleeting Skies
Teen FictionPUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Sych Sebastian lived an ordinary life-he had normal friends, a normal school life and definitely normal a family. But his past says otherwise as a friend he had long forgotten decides to say hello, d...