CHAPTER 16
"Our Miss United Nations 2020 is... Miss Spain, Xyzereanne Banez from STEM!" I heard gasps from the audience.
I felt disappointed. Hindi lang naman dahil biased ako kay Alyana, pero mukhang kapansin-pansin rin ang pagkadismaya ng ibang mga tao. Ngunit nagpalakpakan pa rin sila habang nagyayakapan si Xy at Alyana. Binigay muna ang sash at bouquet nito bilang runner up bago kinoronahan si Xy.
"Mas deserving si Alyana. Did you see the way she walked? Her answer was on-point even."
"Ang hot nga, eh." Agad akong napalingon sa huling nagsalita. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni mama at panay ang reklamo ni KL habang inaalo ito ni papa.
"Sayang naman. Hindi bale, napakaganda rin naman ni Xy kanina." I looked at Alyana who was waving at the crowd.
Even when the spotlight's not focused on her, I could only see her smile. The crown would've looked good on her head, too. But she's still the only queen for me.
Pagkatapos ng pageant, puro picture-taking ang naganap sa stage. Lumapit sina mama sa stage at bumati sa ibang parents kakilala nila. Hindi muna ako sumunod. Hinanap muna ng mga mata ko si Alyana na kasalukuyang hinaharang ng mga magpapapicture saka hinintay na kumonti ang mga tao bago lumapit.
Dala-dala ko ang LED bouquet at iniisip kung paano ko ibibigay sa kaniya. Sabihin ko na lang siguro na napulot ko?
"Congratulations!" Napa-preno ako sa kinatatayuan nang makita ko si Cryd na lumapit dito.
Unlike mine, he was carrying an actual bouquet, with real flowers. Agad kong itinago sa likod ang hawak-hawak nang asarin sila ng mga nakapaligid dahil inabot niya ito kay Alyana.
"Thanks. Nag-abala ka pa." Natatawang wika ni Alyana habang inaayos ang sash at pilit na hinahawakan ito.
"Tabihan mo na, Angeles. Kanina ka pa picture nang picture. Sumama ka naman ngayon!" anang isang kaklase nila habang inaagaw ang DSLR mula sa leeg nito.
Lalong naghiyawan ang mga tao nang tumabi si Cryd at akbayan si Alyana. Ngumiti lang si Alyana at nag-pose.
Tumalikod ako at naglakad palayo dahil sa nasaksihan. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagbigat ng dibdib ko, pero walang epekto lalo na't naririnig ko pa ang mga panunukso nila sa likod. Bababa na sana ako ng stage nang sumulpot si Xy sa harapan ko.
"Kanina pa kita hinahanap, Sych. Can we take a picture?" Hindi pa man ako nakasasagot, ikinabit na niya ang braso sa'kin at nag-pose. "Mommy, daddy! Here!"
Wala ako sa mood pero nang lumapit ang pamilya ni Xy kasama ang ilang chaperones niya, wala na akong nagawa kundi ang tumabi sa kaniya at mameke ng ngiti nang picture-an nila kami.
"Congratulations. Here" Ngumiti ako saka inabot LED bouquet sa kaniya. She has a much prettier bouquet anyway.
"Aw. You're so sweet!" Tuwang-tuwa si Xy nang tanggapin ito.
Nagpaalam muna ako na hahanapin ang pamilya ko kaya iniwanan ko siya. Iginala ko ang mga mata ko at nakita sila kasama nina Rover at Zach. Mga ulupong.
"Nandito na pala kayo?"
"Kanina pa. Nasa likod kami kasi ayaw kami pasingitin, eh. Bawal raw outsider!" Ibinulsa nito ang hawak na cellphone saka inakbayan ako. "Tsaka may pakain mamaya 'di ba? Hindi kami pwedeng mawala."
Tinawanan lang ito ni mama at pabirong hinampas sa balikat. Nauna na kaming bumaba ng stage habang hinihintay si Alyana na matapos sa lahat ng nagpapa-picture sa kaniya. While waiting, Xy's family approached us. Of course, the parents greeted each other while catching up briefly about their lives.
BINABASA MO ANG
Fleeting Skies
Teen FictionPUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Sych Sebastian lived an ordinary life-he had normal friends, a normal school life and definitely normal a family. But his past says otherwise as a friend he had long forgotten decides to say hello, d...