CHAPTER 9
Binomba ako ng mga messages ng mga kaibigan ko sa messenger dahil sa nalaman nila. Kaya naman hindi na ako nagtaka kung bakit nagdasaan sila sa bahay ko pagdating ng Sabado. Ilang beses ko nang sinabi na okay lang ako, pero ayaw nila akong tantanan at ipinipilit nila na dapat daw nagluluksa ako ngayon.
Geez. The perks of having friends who've seen your trauma is kind of annoying. Para bang kapag may siabi ka sa kanila ay hindi na sila maniniwala dahil alam nilang marupok ka.
"Pero kumusta, may nagbago ba sa kaniya? Or was she the same brat we met before?"
"I guess, she's gotten a lot prettier and more liberated in fashion. Wisconsin did her good."
"Patay. Marupok pa naman sa magaganda 'yang si Sych."
"Don't worry. I'm gonna be this punk's CCTV." Paninigurado ni Cryd doon sa dalawa. Pinagsasapak ko nga sila sa kadramahan nila.
I mean, what's the fuss all about? It's just Xy, my ex. Katulad nga ng sinabi ko, it's been a year and I'm okay now. Of course, I cried on the first three months but I learned to accept everything after that. I moved on with my life and I'm again, doing great in living a single life.
Umalis rin naman sila agad pagkatapos no'n kasi chismis lang naman talaga ang habol nila sa buhay. Balitaan ko raw sila kapag may nangyaring kakaiba.
Mabuti na lang naya ako ni Alyana sa NBS para bumili ng art materials pag-alis nila. Pinagagawa kasi kami ng scrapbook para sa isang subject namin. Gusto ko rin naming lumabas ng bahay kaya sinamahan ko na ito.
"Sych." ani Alyana habang sinisipat nang maigi ang bristles ng mga paintbrush. "Anong una mong ilalagay sa scrapbook mo?"
Nagkibit-balikat ako. Sa totoo lang wala akong ideya kasi wala naman akong alam sa mga ganiyan. Kaya hinayaan ko siyang mamili at kung anong inilalagay niya sa basket niya ay dinodoble ko rin. She seemed reliable in this kind of stuff.
"Ang cute! Kamukha mo!" Nilagay niya sa tabi ng mukha ko 'yong sticker ni Garu mula sa cartoon na 'Pucca'. Hinawi ko 'yong sticker at iniwanan siya do'n para kumuha ng oslo paper.
Matapos mamili, umuwi na kami para masimulan na namin ang ibang assignments namin. Ang ingay ni Alyana sa kalagitnaan ng biyahe at wala naman nang bago doon. Nanahimik lang ito nang kulitin niya ako na itigil ang sasakyan dahil naiihi na raw siya. Kaya pinara ko ito sa pinaka-malapit na gasolinahan at dali-dali siyang lumabas.
"Samahan mo 'ko!"
"Ang lapit-lapit, oh. Dumiretso ka na lang sa sasakyan pagkatapos mo." Sinimangutan niya lang ako at dumiretso sa comfort room.
I played with my phone while waiting. Lumipas na ang 20 minutes pero wala pa rin si Alyana. Kaya naman lumabas na ako at tinungo ang comfort room para maghintay sa kaniya sa labas.
Sasandal pa lang sana ako sa pader nang nakarinig ako nang sigaw mula sa loob. Hindi na ako nagdalawang-isip at pinasok ang women's comfort room. Hindi nga ako nagkamali, boses ni Alyana 'yon at nakita ko siyang nasa sulok na may hawak na broom stick habang pilit na lumalapit sa kaniya ang hindi kilalang lalaki.
"Sych!" sigaw nito.
Agad kong sinugod ang lalaking 'yon nang maglabas siya ng patalim. Sinuntok ko siya sa mukha dahilan para matumba siya. Tinadyakan ko rin siya sa may tagiliran niya pati na rin sa pagkalalaki niya para hindi na siya makabangon. Namilipit siya sa sakit habang hawak-hawak ang kaselanan niyang napuruhan ko.
"Tara na!" Hinila ko siya sa kamay ngunit mukhang natakot ito kaya hindi makagalaw. Kaya naman binuhat ko siya at dali-daling lumabas bago pa makabangon ang lalaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/124467357-288-k104675.jpg)
BINABASA MO ANG
Fleeting Skies
Ficção AdolescentePUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Sych Sebastian lived an ordinary life-he had normal friends, a normal school life and definitely normal a family. But his past says otherwise as a friend he had long forgotten decides to say hello, d...