CHAPTER 33
Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang sarili ko sa pag-ngiti dahil sa nangyari kagabi. Napadaing na lang ako sa sakit nang di ko namalayang naahit ko na pala 'yong balat ko. Kaya tinapos ko kaagad ito at lumabas para mamili ng isusuot ko.
A blue polo, a maroon dress shirt or a plain white shirt. Pinili ko 'yong blue polo at binalik sa pagkaka-hanger 'yong dalawa. I tucked it with my black slacks and wore a pair of brown sandals–not too casual, not too formal. I combed my hair to the side and left a strand hanging on my forehead. I also put on perfume which I don't normally do since I wanted to be extra presentable today.
Tumingin ako ng huling beses sa salamin para i-check kung may maipupuna pa sa sarili ko. Nang mapagtantong ayos na ang lahat, lumabas ako ng kwarto at dali-daling bumaba.
"Okay, who wants to have some fun?" Malakas na sigaw ko. Tinawanan ako ni Alyana na nakaupo sa sofa kasama ni mama at KL. Mukhang naiinip na ang dalawa kaya inirapan ako ni KL.
"Ang tagal mo, kuya." Tumayo si KL at nauna sa labas. Tinawanan lang siya nung dalawa bago kami sumunod sa kaniya papunta sa sasakyan.
It was Sunday and Alyana said she had a lot to thank for the happenings for the past few days. Kaya naman una kaming tumungo sa sinbahan para makinig ng misa. Pagkatapos nito ay kumain kami sa Mang Inasal na siyang favorite nung dalawang mag-ate. Madalas maraming tao dito, kaya naman tuwang-tuwa sila nang makahanap kami ng bakanteng lamesa na malapit sa counter.
Sabay kaming naghugas ng kamay habang umo-order naman si mama.
"Penge sabon, ah." Hinawakan ko ang kamay niya para lumipat ang sabon sa kamay ko.
"Tamad." She scoffed.
Hindi na nagtanggal 'yon nang bumalik kami sa lamesa namin. Agad kaming inasar ni mama nang makita niyang magkahawak-kamay kami hanggang sa pag-upo.
"Ano bang balak mo dito kay Alyana, Sych?" tanong ni mama nang magsimula na kaming kumain.
"Edi aasawahin." Pinalo ni Alyana 'yong kamay ko.
"Pabida ka!" aniya.
"Kuya, you're so corny!" singhal ni KL.
"Siya, sige. Balitaan mo na lang ako kapag kayo na, ha? Ayoko munang makialam sa kung ano kayo ngayon. Halata namang gusto niyo ang isa't-isa." Pinal na sabi niya.
Hindi rin namin naiwasan pag-usapan ang magiging bagong set-up kapag bumalik na si Alyana sa kanila. Pero katulad nga ng napagkasunduan, maglalagi naman raw si Alyana tuwing weekends sa bahay.
"I can always visit you there and you can always come home to us, right, ate Aly?"
"Oo naman, KL. Sa room mo ako matutulog para tabi tayo!"
"Ayaw mo sa room ko?" singit ko dahilan para hampasin ako ni KL sa kamay.
Tinignan ko naman 'to at kinurot sa magkabilang pisngi gamit ang mga daliri kong punong-puno ng toyo at mantika dala ng nakakamay ang kumakain katulad nila.
"Kadiri, kuya!" Pinunasan ang pisngi niya nang may halong irita. Hindi naman nagpatalo si Alyana at ginawa sa'kin ang parehas na ginawa ko sa kapatid ko.
"Ayan, pinaghiganti na kita!" Proud na sabi ni Alyana sabay layo sa'kin.
"At akala mo di kita gagantihan?" tugon ko bago siya harapin.
Sinubukan kong kurutin pabalik ang pisngi niya pero matindi siyang umiwas. My mom just kept laughing while KL cheered for Alyana. Malakas niyang sinagi ang kamay ko saka lumapit at hinalikan ako sa pisngi.
BINABASA MO ANG
Fleeting Skies
Teen FictionPUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Sych Sebastian lived an ordinary life-he had normal friends, a normal school life and definitely normal a family. But his past says otherwise as a friend he had long forgotten decides to say hello, d...
