Chapter 30

102 10 6
                                    

CHAPTER 30

Alyana's awake. Halos hindi ako nakatulog buong gabi dahil sa text ni mama. I wanted to see her first thing in the morning even if it's my morning sickness I have to go against.

Kinabukasan, mabilis lamang akong nag-ayos at tumungo sa ospital. Tumigil ako sa tapat ng pinto. Inayos ko muna ang buhok ko bago dahan-dahang pinihit ang hawakan. Everyone was there when I got in. Nagsalubong ang mga kilay ko nang makita sina Zach na nauna pa pala sa'kin.

"Sige nga! Anong pangalan ko?" Tinuro ni Zach ang dibdib. Nakatayo siya sa paanan ng kama ni Alyana at katabi nito si Rover at Cryd.

I looked at her sitting on her bed while the people who loves and adores her were surrounding her. She looks even more beautiful in my eyes.

"Tigilan mo nga ako, Zach. Makakaimutan ko naman ba kayo?" Tumawa si Alyana habang iniisa-isa ang mga pangalan nila.

God, I missed her voice.

"Andito ka na pala!" Nagulat si mama nang makita ako sa may bukana ng pinto. Nginisian ako ng mga kaibigan ko.

Bumaling ako kay Alyana. Nakasandal siya sa kama habang nakatapal ang kumot niya hanggang sa tiyan niya. Her innocent lips were a bit parted and her eyes blinked as it darted upon me.

Ngumiti ako. Ito ang unang beses na magkakausap kami ulit ni matapos ang birthday ni Xy. We even fought that time.

Hindi ko naman na napigilan ang sarili ko na yakapin siya nang mahigpit. I really missed her that I could squeeze her into a pulp at this instant.

Humiwalay ako sa kaniya na nakakunot pa rin ang noo niya. I was waiting for her to hug me back but she remained silent. Napawi ang ngiti ko nang mapansing gumuhit ang kalituhan sa mukha niya.

"Hey. It's me." Banayad na wika ko. Naningkit lamang ang mga mata niya.

"Hindi kita kilala." Humupa ang ingay na nanggaling sa mga taong nakapaligid sa'min. "Magkaibigan ba tayo?"

"Aly, don't you remember Sych?" Umiling siya.

"Magkaano-ano tayo?" She has got to be kidding me.

Damn it, did she forgot about me?

"Baka naman nabibigla lang." ani Cryd na tinatapik ang balikat ko.

We stepped out for a while and walked along the corridors. May mga nakakasalubong kaming nurses at minsan napapaiwas pa sa mga nagmamadali.

"Alam mo, p're. Napanuod ko na 'to sa Meteor Garden noon, eh. Paggising ni Dao Ming Si, nakilala niya 'yong ibang mga tao pero hindi ang mahal na mahal niyang si Shancai." Sabay-sabay kaming napatingin kay Zach. "What? It's a great Taiwanese drama!"

"Just give it some time. Sabi rin ng doktor, gan'on naman kadalasan kapag may mga head injury na nangyayari. They suffer from selective memory loss. Madalas may fragments of memory sa utak nila na nakakalimutan nila." Rover said calmly but it only flustered me even more.

"At ako ang fragment na 'yon, Rov? Of all the other fragments she could forget, ako pa?" Walang sumagot sa tanong ko.

I sighed.

Sa kalalakad namin, nasa labas na pala kami ng ospital. Dure-diretso lamang akong naglakad, hindi namamalayang may sasakyan na palang papalapit sa dinadaanan ko.

"Sych, hoy!" sigaw ni Zach. Natauhan lang ako nang hilain ako ni Rover pabalik sa sidewalk.

What the heck just happened?

"Umayos ka nga! Kagigising lang ni Alyana, dadagdag ka pa."

"Sorry." Napakamot ako sa batok ko.

Fleeting SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon