CHAPTER 31
On a Saturday, I came to visit her. Halos mag-iisang linggo na pero hindi pa rin bumabalik ang mga alaala niya. So all my plans were put on halt.
"Do you want to go for a walk?" I offered. Himala naman at sumang-ayon ito at at sumakay sa wheel chair ng ayain ko.
I walked her through the hospital garden. It was a big grassland with minimal benches scattered, nothing special.
"Remember that dream? Mahilig tayo maglaro sa damuhan. Naghahabulan tayo hanggang sa bumaho tayo mag-hapon." panimula ko.
It's amazing how I could sharply remember every dream I had with her. I figured this would be a great exercise to remind her of who I am in her life.
Matagal man ang oras na gugugulin ko, ayos lang. Basta maalala niya akong muli.
Nang halos malibot na namin ang garden, tinulak ko ang wheelchair sa tabi ng isang bakanteng bench. Pinwesto ko siya sa dulo nito at umupo ako. Sabay naming pinagmasdan ang mga tao na abala sa mga ginagawa nila.
"May time din noon na nagtagu-taguan tayo sa mga puno ng mahogany. Umiyak ka nga minsan, kasi di mo ko mahanap. Akala mo, kinuha na ako ng engkanto." Sumimangot siya pero natutuwa ako dahil nakikinig siya.
If I have to put up together the fragments about me that she's lost, I will. Kahit gaano katagal, I'll make her remember me.
"Tapos?" Natatawang tanong niya matapos kong ikwento ang tungkol sa barbie ng kapitbahay na nilibing namin.
"Syempre, tuwing linggo naman, pumupunta tayo ng ilog para manghuli ng palaka. Ang tapang mo nga, eh! Tsaka, naalala mo si Stitches? Iyong teddy bear na napanalunan natin sa perya noon. Huling token na ang mayroon ako, pero nakuha ko pa rin 'yon. Grabe."
"Wow. Those dreams felt so real." Namamanghang tugon nito.
"Yeah. I wish you could remember them so we could reminisce it together." I heard her stifle a giggle.
Napatingin ako dito at nakatakip ito sa bunganga nito. Nang hindi na siya makapagpigil ay tumawa ito nang malakas. Humawak pa siya sa tiyan niya habang umuunat ang mga paa dahil sa sobrang pagkatawa niya.
"Ayoko na nga. Hindi ko na kaya!"
"Huh?" Tinignan ko ito habang nagpupunas ng luha sa mga mata.
"Dapat sana, paabutin ko pa 'to hanggang bukas pero 'di ko na kaya." Nagpunas ito ng luha bago ako lingunin. "Sorry na. Bumalik na 'yong memories ko kahapon. Sabi nila Cryd, maganda raw na i-prank ka muna naming bago mo malaman ang totoo.
Tinignan ko siya nang masama. Nawala ang ngising-aso nito nang hilain ko ang upuan niya papalapit sa'kin.
"Ah, gan'on?" Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya kaya agad itong napalunok.
"Joke lang naman." Napatingin ito sa baba na animong nahihiya. Kaya ako naman ang tumawa ngayon. "Kainis ka, ah!"
"Sino bang nauna? Ilang seconds nga lang 'yong akin, tapos sa'yo, pinaabot mo pa ng isang araw?" Tawa ako nang tawa habang pinaghahampas niya ako sa dibdib.
I'm actually more relieved than I am pissed. She remembers me and it's all that matters.
Pero patay talaga sa'kin 'yong tatlong 'yon. Meteor Garden pala, ha.
"Alyana?" Napatigil kami sa pagtawa nang lumapit ang isang babaeng nakangiti sa gawi namin.
Siguro mas matanda siya ng ilang taon kay mama base sa ilang guhit sa mukha niya. Nakasuot siya ng slacks at turtle neck habang may hawak na folder. Lalo siyang napangiti nang magtama ang mata nila ni Alyana.
BINABASA MO ANG
Fleeting Skies
Teen FictionPUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Sych Sebastian lived an ordinary life-he had normal friends, a normal school life and definitely normal a family. But his past says otherwise as a friend he had long forgotten decides to say hello, d...