Chapter 21

273 12 5
                                    

CHAPTER 21

Umugong ang nakabibinging hiyawan sa buong gymnasium. Unang laro ng basketball team ngayon sa interschool competition at talaga namang seryoso talaga ang mood nila.

"I'm here, I'm here!" Sumingit si Xy sa aisle at tumabi sa'kin. "Tapos na ba game niyo? Sorry, 'di ako nakahabol."

"It's cool. We won." I answered.

Of course, I did. Alyana was watching me the whole time. Why would I lose in front of her?

Best of three ang tennis match ko sa singles. Naka-schedule na ito sa loob ng apat na araw ng interschool competition.

"Really? Congrats!" Bumaling ito kay Alyana at nilabas ang cellphone. "Did you play?"

"Hindi, eh. Nanuod lang ako." Naka-sports attire rin kasi si Alyana dahil required sa lahat ng players ng team kahit hindi sila contenders. Tumango-tango si Xy bago tinago ang cellphone at bumaling sa'kin.

"Anyway. I was helping ate with her invitations."

"When's the wedding again?" tanong kong muli dahil nawala na sa isip ko dahil sa pagiging abala sa competition.

"Sunday. Sa private resort sa Bohol gaganapin ang reception. Kaya bring clothes kasi we booked rooms." I just nodded. Nakakatamad naman mag-overnight.

Nabalik ang atensyon namin sa laro nang muling maghiyawan ang mga tao. Cryd and his team definitely set the court on fire. They won after having a 20-point lead. Best of 3 ang game kaya naman advantage ng team na makakuha ng first match point.

Bumaba kami sa court para mabati si Cryd nang matapos ang laro. Saglit lang ito dahil kailangan naming dumiretso sa tennis court para mag-report kay coach.

"Anong oras ang uwi ninyo mamaya?" tanong ni Xy na kasabay naming maglakad.

"Ewan. Past 7?" Tumingin ako kay Alyana para kumpirmahin, nagkibit-balikat lang siya.

"Sayang. Nine uwi ko mamaya kasi dadaanan pa ako kay lola Elsie for the souveniers."

"How is she?" Last time I heard, she was diagnosed with glaucoma.

"She's in great shape! Dibale you can catch up with her sa wedding day, she's expecting you the most. For now, I have to go na. Bye!" paalam nito saka dumiretso sa main gate kung saan naghihintay ang sasakyan nila.

Bumaling ako kay Alyana na parang kanina pa nananahimik. Okay naman siya nung laro nila Cryd. Kaso, ang ilap nilang dalawa ni Xy sa isa't-isa.

"BFF mo si Xy, 'di ba? Okay lang ba kayo?" Prangka kong tanong sa kaniya. Inilapag namin ang mga dala-dalang bags sa bleachers bago umupo.

"Okay naman. Busy lang siguro siya. Baka busy lang. Tignan mo naman ang pagiging hands-on niya, oh. Tsaka, hindi naman siya ang BFF ko, eh." Tinanggal niya ang tali sa buhok niya at inipon ito parang ipitang muli.

"Sino?" I leaned closer while waiting for her to answer.

"Si Cryd."

"Ah, gan'on?" Tinignan niya ako nang masama na para bang nahinuha nito ang balak ko.

Sinimulan ko siyang kilitiin kaya nabitawan niya ang buhok niya. Tawa siya nang tawa habang pilit kong sinusundot ang tagiliran niya. I laughed when she tried to tickle me too.

"Isa!" Nahulog tuloy 'yong gym bag ko sa sobrang pagkukulitan naming dalawa.

"Oo na, oo na! Ikaw ang BFF ko mula noon, okay? Happy?"

"Elated." I said with a wide smile.

It's amazing how we're acting like everything's back to normal. Siguro, nakalimutan na nito ang pag-amin ko sa kaniya kaya patuloy lamang ito sa pagkausap sa akin na parang walang nagyari. Samantalang nag-iingat naman akong 'wag naming mapag-usapan 'yon para hindi siya mailang.

I'd rather just shut up than have her avoid me. That's how stupid I am.

Buong hapon kami nag-train pero maaga rin pinauwi para raw makapagpahinga nang maayos. Sa pangatlong araw naman ng interschool competition, dinaanan ko muna si Cryd sa locker room nila ilang minuto bago ang laro nila.

"Olats, kahapon ah. Makaka-2-1 na ba ngayon?" bungad ko dito habang nag-aayos ng mga gamit sa bag niya.

Natambakan kasi sila sa pangalawang game kaya naman labis na lang ang inis nito kahapon dahil sa 5-point lead ng kalaban na kaya naman sana nilang habulin kung hindi lang nagahol sa oras.

"In their dreams." Isinara nito ang energy drink at sinabit ang towel sa leeg. "Si Aly?"

"Nagbanyo." tugon ko bago umayos ng upo at pinagmasdan 'yong ibang players na naghahanda. Hindi naman na ako stranger sa team dahil halos batchmates ko naman sila.

"I miss her already." Tinignan ko siya nang masama. "What? Am I sounding more like of a man to you now?"

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Minsan, okay lang sa'kin maging vocal siya sa nararamdaman niya. Minsan naman, para naman akong mamatay sa selos.

I feel bad for keeping my feelings a secret–for not telling him that we like the same woman. It doesn't even cross my mind yet. Ang sama sama kong kaibigan.

"Nga pala, kumusta laro niyo sa singles? Balita ko, larong-laro ka raw kahapon kaya natambakan 'yong kalaban mo." Naalala ko ang nangyari kahapon.

"Ang yabang kasi. Tapos kung makatingin kay Alyana, parang tinutunaw. Edi pinakitaan ko." Agad na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Cryd.

"Pakilala mo 'yan sa'kin pagkatapos nito. Dadakdakan ko lang."

"Yari na 'yon sa'kin sa last game, tamo." Paninigurado ko.

Maya-maya, nagpaalam na ako kay Cryd na mauna sa court para makahanap ng uupuan ko sa bleachers. Nang makahanap ako ng pwesto, ibinaba ko 'yong bag ko sa tabi ko para may maupuan si Alyana. I looked at my wristwatch and wondered what's taking her so long. Hanggang sa magsimula na ang game hindi pa rin siya dumadating.

Nagpalinga-linga na ako sa paligid dahil baka sa ibang pwesto siya naupo. Walang cellphone 'yon kaya naman hindi ko ma-contact. Dumating na si Xy at lahat, wala pa rin ito.

"Good morning, Sych!" bati niya. She was wearing a skirt and a mango top. May dala rin itong paperbag.

"Kumain ka na ba? I brought pancakes." Napasimangot ako nang iusog niya ang bag ko para umupo.

"Thank you, but I'm still full." tanggi ko ngunit parang wala siyang narinig at nilapag ang karton na may lamang pancakes sa kandungan ko.

Inabot niya pa sa'kin ang disposable fork at tissues sa may tuhod ko. Kaya naman wala na akong nagawa kundi kumain kasama siya. We ate while watching the game but my head was turning on every direction I could because Alyana was still nowhere to be found.

After we ate, I received a text from my coach. Hinahanap na ako dahil mag-uumpisa na ang last game namin.

"Una na ako. May laro pa kami." paalam ko.

Dali-dali kong hinablot ang bag ko at isinabit sa balikat ko. Sumunod naman si Xy na iniwan pa ang basura ng pinagkainan sa bleachers. I went back and threw it in the garbage can. Alyana would go hysterical if she saw it.

"Clean freak." aniya.

I heard her complain about my walking pace, but I was too worried about Alyana that my head kept on turning sideways. Halos isang oras na ang banyo niya. Asaan na ba siya?

"Sych, may thirty minutes pa before your game. Bakit ka ba nagmamadali?"

"I'm looking for Alyana." Lumiko ako sa may quadrangle, nagbabakasakaling makasalubong ito.

"Aly? I saw her kanina, ah." Napatigil ako sa paglalakad at agad siyang nilingon. "My friend from the rival school wanted to meet her kaya I introduced them to each other. Sabi, kakain lang daw sila ng breakfast tapos ihahatid na niya si Alyana sa basketball court."

"Magkasama sila? Asaan sila ngayon?"

"Ewan ko. Sabi ni Marco saglit lang, eh." I cursed. Isn't he that tennis player who gave weird looks at Alyana?

"Is there something wrong? I don't know what's taking them so long. Mabait naman 'yon-" Hindi ko na siya pinatapos at agad na tumakbo para hanapin si Alyana.

How could Xy even know that guy?

Fleeting SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon