Chapter 6

341 25 0
                                    

CHAPTER 6

Naririnig ko ang malalalim na buntong-hininga ni Alyana habang nasa loob kami ng tricycle. Pinaglalaruan niya ang daliri niya tapos maya-maya ay magtatanong.

"Sych, malapit na ba tayo?"

"Maghintay ka." Nanahimik siya ng ilang minuto pagjatapos ay nagsalita ulit. "Ngayon, malapit na ba?"

Umiling ako kaya mapasimangot siya. Tumingin siya sa daan at isinandal ang noo niya sa gilid ng pinto. Hindi siya mapakali at nababalisa siya habang sunod-sunod ang pagbuntong-hininga.

First day of school ngayon kaya naman gustong-gusto na niyang makarating agad. Bumibili pa lang kami ng mga gamit, hindi na siya mapakali at gusto na raw niyang mag-aral. Siya lang ata ang kilala kong ganito ka-excited sa pasukan.

Nang huminto kami, dali-daling tumakbo sa entrance si Alyana na parang bata. Kaagad naman siyang hinarang ng guard dahil hindi niya suot ang ID niya. Napakamot si Alyana sa batok at tinignan ako para humingi ng tulong. Lumapit ako at isinuot sa leeg niya ang ID niyang nasa bulsa ko.

Nagtatatakbo siya sa loob dahilan para titigan siya nung ibang mga estudyante. Hinila ko ang strap ng bag niya para matigil siya.

"Dito tayo."

Dumiretso kami sa may field para sa orientation. Nakapila ang mga estudyante pero hindi pa ito nakaayos by section kaya nagkaroon ng pagbabago base sa grades last school year. Ang gara, eh. Kung kailan pa-graduate na, doon pa nagkaroon ng sections na na-dissolve.

Unang ipinalinya ang mga STEM students. Natawag na ako at ang mga iilang pamilyar na kaklase ko. Hindi ko kaklase si Alyana dahil nasa HUMSS ito nag-enroll.

"Punta ka doon sa guard house mamaya kapag uwian." Paalala ko sa kaniya bago kami papuntahin sa mga respective rooms namin.

"Okay. See you later!" aniya at kumaway.

Nang makarating sa room, sa bandang gitna ako umupo, hindi malapit sa teacher at hindi rin masiyadong malayo sa blackboard. Nearsighted kasi ako, siguro dahil sa kaka-computer ko sabi ni mama.

Maingay na sa room dahil magkakakilala naman na kami last school year. May mga nadagdag lang na bagong mukha dahil nanggaling sa ibang section o 'di kaya sa ibang school.

Natahimik lang nang biglang pumasok ang isang babaeng naka-bun ang buong buhok, may nunal sa gilid ng labi, at may malaking pearl earrings sa magkabilang tainga. Sa hikaw at tindig pa lang niya, mapagtatanto mo na agad na isa siyang klase ng instructor na sisira ng pangarap mo.

"Good morning, Ms. Uduke." bati namin.

Of course, we know her. Everybody in this campus does. Kahit 'yong mga hindi niya naging estudyante, kilala siya.

Bali-balita nga na nambabagsak daw ito ng estudyante lalo kung butas-butas ang attendance. Ang sabi pa ay may isang grupo ng mga estudyante raw ang nabigyan ng mababang marka matapos nilang mag-pass ng isang portfolio na walang plastic cover. Hindi ko alam kung totoo 'yon, pero ayon sa mga seniors namin, strikto siya sa mga nahawakan niyang sections noon.

Umayos ako ng upo at tinitigan siya nang maigi. Nagtama ang mga mata namin ni ma'am, pero agad akong umiwas dahil pakiramdam ko masusunog 'yong balat ko. Nakatatakot nga siyang talaga.

"Good morning, sit down." Ibinaba niya ang mga gamit niya at sumandal sa lamesa. "On a sheet of paper, write the things you know and what you want to know in my subject. Use the front page only. If I see anything on the back of your paper, I will return it to you and make you write another one until you get my instructions correct. Time starts now."

Fleeting SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon