CHAPTER 7
Alyana kissed my forehead last night. It's 7AM, and this is what is on my mind right now.
"Oh, Sych! Good morning!" Natauhan lamang ako nang pagbuksan ako ng pinto ng tita ni Cryd.
"Good morning po, tita Blessie. Si Cryd?"
"Nag-aayos pa, eh. Tara, almusal ka muna!" Tumuloy ako at naabutan ang usual setup sa bahay nila.
'Yong dalawang anak niya ay nagtatalo, iyong isa naman ang siyang nag-aayos ng lamesa at ang panganay ay abala sa katawagan niya sa cellphone. Bale apat silang magkakapatid lahat-lahat. But even when they were this chaotic, their company was the best.
"Good morning, everyone!" bati ni Cryd nang makababa.
"Tagal mo." reklamo ko.
Hindi ako pinansin nito at sinuway ang mga natatalong pinsan bago naghila ng upuan.
"Jeneza, no phones during meal time." baling niya sa panganay. Umayos na ang lahat bago nagdasal.
Nang matapos ay nagsimula na silang magsandok ng pagkain. Tahimik na sila hindi katulad kanina nang maabutan ko.
"Thanks, Cryd. What would I do without you?" Tita Blessie held his hand with so much gratitude.
"Naman, tita Bles. They're like my siblings, and I'm only doing my job as a big brother." Nginitian niya ito pabalik.
Matagal nang iniwan si tita Blessie ng asawa niya kaya naman mag-isa na lang nitong tinataguyod ang mga anak niya. Walang mga kapatid si Cryd at bihira lang din talaga niyang makasama ang mga magulang niya kaya pakiramdam ko mas close pa siya kina tita Blessie. Probably why he never misses the chance to go back to the Philippines when has the chance to.
Matapos kumain, nagmadali na kami papuntang school. Luminga-linga ito sa paligid bago bumaling sa'kin.
"Where's Alyana? Hindi kayo sabay pumasok?"
"Nauna na." tugon ko.
Naalala ko na naman 'yong nangyari kagabi dahil nabanggit ang pangalan nito.
Enough. Stop thinking about it.
It's been two weeks since classes started and Cryd had only finalized his forms yesterday. Kaya naman pinauna ko na si Alyana. I didn't want her to be late in class if ever.
Chill lang kami nang makapasok sa gate pero sinita kami nung guard kasi malapit na kaming ma-late. Doon ko lang napagtanto ang isang kahindik-hindik na reyalisasyon nang mapatingin sa relo ko.
"Damn it!" Nagsimula na akong tumakbo.
"Slow down, hey! What's the rush?" Tumakbo na rin si Cryd na mukhang naguguluhan.
"My ass is gonna get kicked if I show up late!" Nagtatakbuhan na kami ni Cryd sa corridors.
Bahala nang malagot sa disciplinary officer, 'wag lang kay Ms. Uduke!
Hingal na hingal ako nang makarating sa tapat ng room. Inihanda ko na ang tenga ko sa mala-megaphone na talak na makukuha ko, kaso pagbukas ko ng pinto, magulo ang mga upuan at kalat-kalat ang mga kaklase ko.
"Good news, wala 'yong favorite teacher mo!" Nagtatawanang bungad ng mga kaklase ko sa'kin.
"Seryoso? Ba't walang nag-chat sa GC?"
"Syempre, mahal ka namin, eh." Tapos naghalakhakan sila. Mga siraulo.
Binalikan ko si Cryd sa labas na tawa nang tawa dahil sa narinig niya. Sinamahan ko siya sa room nila na akala mo isang kinder pupil na naliligaw.
BINABASA MO ANG
Fleeting Skies
Genç KurguPUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Sych Sebastian lived an ordinary life-he had normal friends, a normal school life and definitely normal a family. But his past says otherwise as a friend he had long forgotten decides to say hello, d...