CHAPTER 25
After Alyana ran off, we looked for her all night. Ipinagpaalam na rin namin sa receptionist ng hotel ang nangyari para matulungan kami.
"Nagpaalam siya sa'kin na magpapalit kasi nilalamig. Sasamahan ko na sana kaso nakita ko nagkakainitan na kayo sa may pool. Hindi ko alam kung sinong uunahin." Cryd explained feeling accountable for what happened.
Hindi rin naman nagtagal ay nagpakita ito bandang alas-dos ng umaga. Humingi lamang ito ng tawad sa pagpapaalala sa amin bago natulog sa kama niya.
I didn't know how to react. Ang daming nangyari sa loob ng isang kagabi kaya naman hindi na naming napag-usapan pa sa kwarto naming. Nakatulog na rin kaming lahat marahil sa pagod.
The next morning when we were headed home, nobody knew what to say. Zach tried to play some music, and Alyana sat shotgun. While Rover, Cryd and I stayed at the back.
Para bang nagpapakiramdaman ang lahat sa nangyari kagabi.
"Malapit na tayo, guys. Hehe." Zach said trying to lighten our moods up.
Ang awkward sa loob ng sasakyan dahil tanging ang stereo lamang ang maingay. Hindi katulad nung papunta kami na puro tawanan at kwentuhan. Who would've thought that we would end the trip like this?
"Salamat, pare." Tinapik ko ang balikat ni Zach bago bumaba ng SUV nang makarating kami.
Tinulungan ni Cryd si Alyana sa pagbuhat ng mga bag niya. I tapped Cryd's shoulder so he let me do it instead. Nagpaalam sila sa'min bago humarurot ang sasakyan.
"Alyana, galit ka ba?" I followed her in her room so we could talk.
Inilapag niya ang ilang mga bag sa kama niya nang hindi man lang ako nililingon.
"Hindi. Bakit naman ako magagalit, Sych?" Umupo siya sa kama para tanggalin ang sapatos. Yumuko ako para tumulong pero hinawi niya lamang ang kamay ko. "Ako na."
"See? You are mad. Your eyes says it all."
"Ano bang sinasabi ng mga mata ko?" Tumaas ang kilay niya.
Tiningala ko siya upang maging magka-lebel kami. She rolled her eyes and attempted to leave, but I grabbed her wrist instead and pinned her to the bed.
"Is there something you want to tell me? Please." I pleaded.
I was now on top of her and I can feel our breaths speaking to each other. She looked at me intently as if resisting to speak, but the only thing that came out of her mouth was...
"Pwede bang iwanan mo muna ako? Pagod ako, Sych." I let go of her and stood up.
Pinakiramdaman ko muna kung tama bang mag-usap kami, pero tahimik lang kaming dalawa kaya naman napadesisyonan kong umalis na lamang.
When I was about to leave the room, she suddenly fell to the floor which caused me to panic.
"Alyana!"
I rushed to help her but she only groaned in pain. Nakahawak ang kamay nito sa magkabilang ulo. My fingers were trembling as I tried to carry her, but when I wrapped her arm around my neck, it fell. She's unconscious!
"Ma!" At that moment, I went bonkers.
I couldn't even place the key in the keyhole so we had to hail a cab. Even when she was put in a stretcher already, I couldn't calm myself.
"Sych, inumin mo muna 'to." Inabutan ako ni mama ng tubig.
I still feel scared that my knees wouldn't stop wobbling.
BINABASA MO ANG
Fleeting Skies
Novela JuvenilPUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Sych Sebastian lived an ordinary life-he had normal friends, a normal school life and definitely normal a family. But his past says otherwise as a friend he had long forgotten decides to say hello, d...