CHAPTER 19
Mag-aalas dose na ng umaga at medyo nakainom na ang mga kasama ko. Kami na lang yata ni Rover at Alyana ang nasa wisyo dahil pagkatapos tumikhim ni Alyana ng isang baso ay hindi na niya nagustuhan ang lasa nito.
"I have something to say!" Nagulat kami nang biglang tumayo si Xy habang itinataas ang isang baso.
"Xy," I called her because she tends to do a lot of embarrassing things when she's drunk.
"You..." Tinuro niya si Cryd na kasalukuyang nakasandal sa dibdib ni Zach, lasing na lasing na ang dalawa dahil hindi na nila namamalayan na kanina pa sila nagyayakapan.
"What?" Nakapikit ito habang nilalamas ang balikat ni Zach na walang kamalay-malay sa ginagawa nila.
"Nevermind. You're drunk!" Bumaling siya kay Alyana at tinuro ito. "You!"
"Ako? Bakit?" Nanlaki ang mata nito at pahawak sa dibdib.
"Sagutin mo na si Cryd." Nagngingiting sabi ni Xy nanginginig ang daliri nito.
"Ayaw ko!" Hinampas ni Zach ang lamesa at tumayo. "Akin lang siya!"
"Tumahimik ka!" Binato ito ni Xy ng yelo sa tiyan. Humiyaw ito nang magtalsikan ang tubig galing sa yelo.
"I think we should get these drunkards home." singit ni Rover. Sumang-ayon kami sa suggestion niya at agad na tumayo.
Inakay ko si Cryd na yumakap pa sa beywang ko. Inalalayan naman ni Alyana si Xy at gano'n din si Rover kay Zach. Nagyakapan ulit silang dalawa habang ipinapasok sa backseat ng sasakyan ni Rover. Tawa naman nang tawa si Alyana dahil ngayon niya lang nakita ang dalawa na ganito.
"Mga weakshit." Naiiritang reklamo ni Rover dahil ito ang mamomoblema sa paghahatid sa dalawa.
"Sigurado ka kaya mo na?" tanong ko dito. Hindi naman ito nakainom ng marami pero baka kasi antukin ito sa gitna ng biyahe kaya naninigurado ako.
"Yep. Kayo na bahala kay Xy. I'll text you when I get these fuckers home." paalam nito bago pumasok ng sasakyan niya.
Hinintay namin itong makaliko sa kanto bago kami sumakay sa sasakyan namin para ihatid si Xy. Inihiga namin ito sa backseat at kami naman ni Alyana ang naupo sa harap.
I turned up the music and it was very calming when LANY's song played. Alyana loves their songs so we were effortlessly jamming to the music. Nang matapos ang kanta, bigla na lang yumakap si Xy mula sa likod habang nagda-drive ako kaya muntik na akong mapatalon.
"'Di ba we're okay now?" she whispered. I saw Alyana's eyes widen in the mirror.
"We are." Itinuon ko ang atensyon sa daan. It was really dark and the only thing guiding us were the headlights and some streetlights that were barely even lit.
"Then why don't you take me back, huh? Huh, babe?" Siniksik nito ang mukha nito sa leeg ko na siyang ikinagulat ko.
Hindi ko naman ito masaway gamit ang dalawang kamay ko dahil baka mawalan ako ng kontrol sa manibela. I could smell the alcohol in her breath.
I know she might have been indirectly telling me that she wants me back, pero ngayon ko lang ata ito narinig na nanggaling mismo sa bibig niya.
"Xy, stop. You're drunk."
"Even when I'm sober I could say this over and over... I love you! I love you! I love you! Isn't that enough?" sigaw nito.
Namula ako nang bahagya, not because I'm blushing, but of the fact that Alyana was listening quietly. I couldn't see her face clearly on the mirror because her head was slightly bowing. I wonder what could she be thinking right now?
BINABASA MO ANG
Fleeting Skies
JugendliteraturPUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Sych Sebastian lived an ordinary life-he had normal friends, a normal school life and definitely normal a family. But his past says otherwise as a friend he had long forgotten decides to say hello, d...