Chapter 11

275 18 6
                                    

CHAPTER 11

The Mass Induction performance went well. Puring-puri kami ng mga teachers kaya naman binigyan kami ng incentives sa ilang subjects namin.

"Good job, partner!" ani Xy nang mapanuod ang video ng performance.

Madalas siyang lumapit sa'kin para magpatulong sa requirements after n'on. It turns out we could be classmates all long without being so akward to each other. Hindi lang talaga nawawala ang mga mai-issue sa room kaya kami natutukso.

After class, nagkaroon ng training para sa screening ng tennis club at hindi ako pwedeng mawala dahil isa ako sa magfa-facilitate. Napakurap pa ako ng ilang beses nang makita si Alyana sa court. Seryoso pala talaga siya?

"Marunong ka ba nito?"

"Hindi. Kaya nga magta-try 'di ba?" Inirapan niya ako at ipinatong ang raketa sa balikat.

Tinipon ko ang mga trainees at binigyan sila ng briefing bago mag-umpisa sa basic stretching. Katulad ni Alyana, maraming mga nag-tryout na hindi pa gaanong marunong kaya naman hindi ko mapigilang maalala ang sarili ko noong nag-uumpisa pa lang ako.

"Kita mo 'yon? Ha!" Niyabang niya 'yong bolang nareceive niya kaso outside naman pagkabalik.

Tinawanan ko lang siya kaya lalo siyang nainis. Tuwing titira kasi siya, lagi ko siyang inaasar kaya nad-distract siya lalo. Nang mag-uwian na, umalis na halos lahat ng mga tao pero may mga mangilan-ngilan na natira pa. Isa na roon si Alyana.

Nakaisip ako ng plano para makabawi sa kaniya.

"Gusto mo bang magpustahan?" aya ko dito na seryosong naglalaro.

"Umalis ka nga dito. Nagsasanay ako." Hindi niya ako pinansin at inabala ang sarili sa pakikipag-practice sa dingding.

"Di. Maglalaro tayo. Kapag nareceive at naibalik mo sa'kin ang bola nang hindi ko natatamaan, pwede mo akong tanungin ng kahit ano." Napatigil siya sa ginagawa at sa wakas, tinignan ako na may pang-uusisa sa mga mata niya.

"Weh? Kahit ano?" Tumango ako. "Sige, deal!"

"Good luck." Ngumisi ako.

I knew she wanted to know more about the past Xy and I both had. Pero kahit naman hindi niya ako matalo, sasabihin ko pa rin sa kaniya. Katulad nga ng sinabi ko, babawi ako. Pero yempre, gusto ko muna siyang inisin bago 'yon.

Pumwesto kami sa magkabilaang court. Sinerve ko ang bola nang may katamtamang lakas lamang pero hindi ito nareceive ni Alyana.

"Again." Gan'on ulit ang ginawa ko. Hinabol ito ni Alyana, pero hindi niya pa rin ito nareceive.

"Isa pa." Sa sumunod na service ko, nareceive niya ito pero hindi naman niya naibalik. Pansin kong medyo napapagod na siya kaya naman nakaisip ako ng paraan.

"Bibilangan na kita, ah? Three attempts." Tinignan niya ako nang masama na parang pinupunit ang kaluluwa ko.

I stopped myself from smiling when she kind of looked like an adorable cartoon character when she's flustered.

Sinerve kong muli ang bola. Nareceive niya ito at agad na ibinalik sa'kin. Nagtuloy-tuloy kami sa gan'on hanggang sa hindi na namin namamalayang kami na lang pala ang natira sa court dahil kumakagat na ang dilim.

"Teka..." Hinihingal na siya habang hawak-hawak ang magkabilang tuhod. "Game!"

Muli kong sinerve ang bola at nagkaroon muli kami ng palitan ng tira, hanggang sa napalakas ang huli nito kaya tumama sa tagiliran ko.

"Hala!" Agad niya akong dinaluhan at hinawakan sa mukha. "Sorry. Saan ang masakit?"

"Ito, oh. Nabalian yata." Turo ko sa tagiliran ko. Nagulat naman ako nang i-angat niya ang t-shirt ko. "Anong ginagawa mo? Hoy!"

Fleeting SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon