Chapter 3

602 39 9
                                        

CHAPTER 3

Naalimpungatan ako dahil sa boses ng magtataho sa labas. Bumangon ako saglit para silipin ang bintana ko nang mapansing may nakatayo sa tapat no'n. Bumalik ako sa kama at sinubukang matulog muli nang bigla akong matauhan.

Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at nandoon pa rin 'yong nakatayo. Babae ito na may mahaba at kulot na buhok hanggang sa beywang nito, nakasuot ito ng hospital gown at ang kamay niya ay nakasandal sa bintana.

Damn. Was this still last night's dream?

"Alam kong gising ka." aniya dahilan para mapatalon ako sa gulat.

Hindi ako sumagot. Nagpanggap pa akong tulog pero bigla ko na lang naramdaman na hinahawi nito ang kumot na nakatalukbong sa akin. Nang bawiin ko 'to ay bigla niya akong hinampas sa tagiliran.

"Aray! Ano bang problema mo?"

"Hindi ka nga nananaginip! Pwede ba? Harapin mo ako at 'wag kang magtago diy'an na parang daga." Marahas kong hinawi ang kumot at namataan siyang nakaupo sa kama ko. Nang magtama ang mga mata naming ay inirapan ako nito.

Magsasalita pa lang sana ako nang makarinig ako ng katok sa pinto. Sinundan ito ng boses ni mama habang pilit na binubuksan ang pinto.

Walang ano-ano'y hinila ko si Alyana sa kama at tinago sa ilalim ng kumot ko. Sakto naming bumukas ang pinto at naabutan ako ni mama sa ganoong posisyon.

"Ma! Anong ginagawa mo dito?" Tinignan niya ako nang masama bago maglapag ng baso tubig sa side table ko. Suot pa nito ang suot niya kahapon kaya mukhang kararating pa lang nila.

"Anong klaseng tanong 'yan? Bumangon ka na diy'an para makapag-almusal na tayo."

"O-opo. Sunod na ako." Nang makalabas ito ay marahas na tinanggal ni Alyana ang kamay ko sa bibig niya.

"Ang alat!" Hinawi nito ang ilang buhok na dumikit sa pawis niyang mukha.

Doon ko lang napansin ang manipis na hospital gown ay ang tanging suot nito buong gabi. Halos ginawin pa naman ako sa sobrang lakas ng hangin kaya bigla akong nakonsensya.

"Wait here." utos ko sabay umiretso sa cabinet para kumuha ng isang pirasong tshirt at pajama. Hinagis ko 'to sa kaniya pero tinitigan niya lang ako na para bang nagsalita ako ng kakaibang lenggwahe.

"Ano? Magpalit ka na." Nagkibit-balikat siya at walang dalawang-isip na inabot ang dulo ng tuwalya. "Hoy, ano 'yan? Wag dito, doon!"

"Sabi mo magpalit!"

"Sa banyo nga!" Tumayo siya at binitbit ang mga damit. Rinig ko pa ang mga munting reklamo niya hanggang sa pagsarado ng pinto sa banyo.

Habang hinihintay ito ay sumandal ako sa side table ko para makahinga ako nang maayos. I was in a total state of shock. Nabulabog lamang ito nang lumabas siya na nakabihis na, masama ang tingin sa'kin.

"Mag-usap nga tayo." Hindi niya ako sinagot. Bagkus, umupo siya sa bean bag sa tapat ng kama ko kaya naman sumunod ako.

"Kung tatanungin mo ako kung ako si Alyana, ako nga. Kung tatanungin mo naman kung paano ako nakarating dito, natural, naglakad ako." Pangunguna niya.

"Pero paano nga?"

"Anong paano?"

"But you were in my dreams... how could you exist?" Pinagtaasan niya ako ng kilay at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"You were in my dreams, too. But did I ask?" Mariin akong napapikit bago nasampal ang noo ko.

I tried to calm myself to prevent myself from shouting since my family would hear us.

Fleeting SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon