Chapter 10

302 22 2
                                        

CHAPTER 10

Dumating na ang period ng school year kung saan laganap ang mga school programs. Heto nga at magkakaroon pa ng intermission number kung saan required ang buong klase mag-participate. Kaya naman maaga akong gumising kahit na Sabado para sa practice.

"Practice-in natin 'yong lifting, boys. Matitibay ba 'yang mga braso ninyo?" tanong ni Jim, ang kaklase naming nagle-lead ng practice.

Kanina pa kasi kami naka-standby. Doxology ang ipe-perform namin para sa Mass Induction next week at ngayon lang talaga kami nakapag-ensayo sa isang malawak na espasyo. Kaya ngayon lang mai-execute lahat ng routines nang maayos.

"Ikaw talaga, Jim! Anong tingin mo sa'min? Lampa?" bwelta ni Ben na katulad kong magli-lift din ng dancer.

"It's Jemma, not Jim!" Umirap siya. "Anyway, madali lang naman ang gagawin niyo. Pero kailangan galingan niyo pa rin kasi 'yong mga lifting ang magpapaganda sa performance natin. Girls, tara!"

Lumapit 'yong limang babaeng i-lilift kasama si Xy, and yes, she is my partner for this routine. Binase raw sa height ang pairing sabi ni Jim.

Naging maayos naman kami bilang mag-kaklase. Hindi kami nagkakausap unless mag-kagrupo kami, ngayon lang ulit dahil nga partners kami para sa performance. Napansin ko nga na kung sino-sino ang kasama nito sa room.

At least, she's adjusting just fine.

Nang kumpleto na kami, in-execute muna niya kung paano ang gagawin at proper way ng pagli-lift saka ipinagawa sa'min.

"Ayusin niyo 'yang mga hawak ninyo, ha! 'Wag na 'wag niyong ihuhulog 'yang mga babae. Tsaka..." Sinulyapan ako ng bakla. "Professional tayo dito, ah?"

Hindi ko siya pinansin at nag-focus sa routine. 'Yong first exhibition, kailangang umupo sa balikat namin ang mga babae at hahawakan namin ang magkabilang kamay nila sa gilid habang umiikot.

"I'm nervous, but knowing that it's you, I feel at ease." Tinignan niya ako sabay ngumiti.

"Aero-gymnast ka pero kinakabahan sa lifting?"

"Hindi naman dahil sa lifting. The fact that it's you who's holding me, I kinda feel shy." I sighed.

I felt a bit awkward. I'm not sure what she's trying to pull this time or if what she said was even necessary. I just want everything to get done and over with.

Nang umakyat si Xy sa balikat ko, hinawakan ko ang mga kamay niya bago siya tuluyang makaupo dito. Ito ang unang beses na naging ganito kami kalapit sa isa't-isa pagkatapos ng isang taong hindi pag-uusap. Mabuti na lang talaga, magaan siya kaya hindi ako nahihirapang gumalaw.

Maka-ilang beses kaming umulit ng routine para makuha namin nang maayos. Nadadamay kasi kami dahil itong si Ben parang nanginginig sa pagbuhat ng partner niya. Ewan ko kung sadyang mabigat si Iris o hindi lang talaga sanay si Ben.

"This is the proper distance." aniya habang inaayos ang agwat ng mga braso ko.

Inulit pa namin ang routine dahil utos ni Jim kaso namali siya ng apak kaya naman nadulas ang paa niya. Kung hindi ko pa ito nasalo kaagad, malamang dumiretso na siya sa sahig.

"Thanks," bulong niya habang nakapulot ang braso niya sa leeg ko.

Naghiyawan na naman ang mga kaklase namin bilang pang-aasar. Ever since we became classmates, there wasn't a day we weren't teased of things like these. Dedma lang ako samantalang ngumingiti-ngiti lang si Xy.

Nang ma-satisfy si Jim sa performance namin, nag-dry run kami ng isang buong sayaw kasama na ng lifting bago kami pauuwiin. Hindi pa ito perpekto, pero okay na rin daw kaysa nung last.

Fleeting SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon