CHAPTER 5
Tinungo ko ang kwarto ni KL kung saan inaayusan si Alyana. Halos pahagis ko nang inabot sa kapatid ko ang dala-dalang plastic bag dahil sa pagmamadali nila.
"Ang tagal mo naman!" bulalas ni mama habang pinaplantsa ang buhok nito.
Malay ko ba kung anong klaseng liquid foundation ang kailangan nila? Ang daming kulay!
Naglaro muna ako ng mobile games sa cellphone habang hinihintay sila. Hindi ako makapaniwala na lumiban pa talaga si mama sa trabaho para lang maayusan si Alyana. Aniya, ayaw niya raw ipagkatiwala sa iba ang ayos nito dahil ito ang Reyna Elena sa sagala.
Makalipas ang halos isang oras, bumukas ang pinto kaya lumapit ako para tignan nang tawagin ako ni KL.
Manipis lamang ang make-up niya kaya mas lalong lumabas ang prominenteng mga piyesa ng mukha niya. Pati ang buhok niyang kinulot sa dulo ay bumagay lalo sa itsura niya na hindi masiyadong maamo at hindi rin naman masiyadong masungit. Nakasuot lamang siya ng buttoned bloused at maong shorts dahil kukunin pa sa barangay hall ang gown niya para madali siyang makapagpalit.
Pero kahit gan'on, litaw na litaw pa rin ang ganda nito.
"Medyo mukha naman nang tao." Sabay talikod ko at bumaba para ihanda ang sasakyan. Sinimangutan ako ni mama at KL sa naging reaksyon ko.
Ang saya talaga nila pag-tripan.
Pagkasuno ng tatlo ay tumungo na kami agad sa barangay hall. Pagdating namin doon, bumungad ang maraming health worker na tumutulong sa preparation. May ilang mga napatingin o kaya naman sandalling tumigil sa ginagawa nang dumaan si Alyana. Sa main office naman kami pumasok kung nasaan naka-display sa mannequin ang gown na susuotin ni Alyana. May separate waiting area naman para sa mga kalahok sa sagala sa labas.
"Andito na pala ang Reyna Elena natin!" Lumapit si kuya Mike kay Alyana at hinila ito sa maliit na kwarto. "Tara, let's make palit na, baby girl."
"Teka, kasama ka?" Turo ko kay kuya Mike na akmang papasok sa kwarto kung saan magpapalit si Alyana.
"Aba. Syempre! Ang bigat kaya ng peticoat. 'Di kaya ng isang tao." Inirapan ako nito. "H'wag kang mag-alala, hindi ko type ang tahong, 'no! Baklang-bakla ako, Sych."
Sumimangot ako. I was just asking.
Umupo ako sa sopa kung nasaan si KL. Busy ito sa cellphone niya kaya hindi ako nito pinapansin. Inabot naman ni mama sa'kin ang kahon kung nasaan ang susuoting takong ni Alyana. Sa laki raw kasi ng peticoat nito, mahihirapan itong yumuko nang mag-isa.
Mahigit sampung minuto ang lumipas bago lumabas si Alyana. She's wearing a blue velvet balloon type of gown at naeexpose ang collarbone niya kasi off-shoulder ito. The back was also showing a lot of skin.
Hindi ba siya lalamigin niy'an?
Everyone in the room just gasped and showered her with compliments. Pinagmayabang naman ni kuya Mike na siya ang naka-discover dito at alaga niya ang bibida sa gabing ito. Pinasalamatan lamang ni Alyana ang mga ito.
Tumayo ako para siya ang maupo sa pwesto ko. Yumuko ako sa harap niya dahilan para iunat nito ang paa niya. Hindi pa kasi magsisimula ang sagala hangga't wala ang kapitan. Siya na lang ang hinihintay kaya naka-standby muna ang mga kalahok.
"Kaya mo bang ilakad?" tanong ko matapos ikabit 'yong lock sa kaliwang paa niya.
"Syempre. Pinractice ko na 'to para hindi na ulit ako mapagalitan." bulong niya.
Nang makarating na si kapitan na siyang nagpasimuno ng pag-uumpisa, humilera na ang mga kalahok sa kalsada habang katabi ang mga escort nila bilang paghahanda. Pumwesto na ako sa tabi ni Alyana dahil ako ang maghahawak ng arko nila ng bonnet boy na 'yon. Mahaba-habang lakaran rin 'to kaya naman may dala-dala rin akong tubig para sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Fleeting Skies
Fiksi RemajaPUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Sych Sebastian lived an ordinary life-he had normal friends, a normal school life and definitely normal a family. But his past says otherwise as a friend he had long forgotten decides to say hello, d...