EPILOGUE
Ang ganda ng langit.
Kung may isang bagay siguro na hinding-hindi ako ipagpapalit sa buong buhay ko, ito ang mga mata ko–dahil kung wala ito, wala akong kakayahang pagmasdan ang napakalawak na likha ng Maykapal.
"Nakikinig ka ba?" Binaling ko ang mga mata ko sa ngayong nakapameywang na babae. "Ang sabi ko, 'wag kang malikot. Paano kita id-drawing?"
Ang kulot at mahaba nitong buhok na sumasabay sa hampas ng hangin, ang kahel nitong bestida na halos sumayad na sa talampakan niya, at ang ngiti nito na walang kapantay sa lahat ng nakita ko. Isa pang dahilan kung bakit napakahalaga ng mga mata ko.
"Sorry na, boss." Umayos ako ng posing pero inirapan niya lang ako at nagpatuloy sa pagguhit.
Naalala ko noon, siya 'yong ginuguhit ko, pero ngayon, siya na ang gumuguhit sa'kin.
"Matatapos na ba, Architect Sebastian?"
"Pwedeng maghintay ka?" Napangiti ako.
Ang sarap sa pakiramdam na tawagin siya gamit ang apelyido ko.
"Okay na. Look!" Tumakbo ako sa direksyon niya upang silipin ang portrait. Pinakita niya sa'kin ito na tuwang-tuwa.
"Parang hindi ko kamukha..." Pang-aasar ko.
"Talaga, kasi pangit ka. Ito hindi. Mas kamukha nga ata ni Cryd 'to, eh." Tinignan ko siya nang masama. Nilabas niya ang dila niya.
"Gano'n ah?" Sinimulan ko siyang kilitin.
Hindi naman na ito nakapalag at nagsimula nang tumawa. Pero dahil si Alyana 'to at hindi magpapatalo, binawian niya ako.
"Tama na nga!" aniya sabay hawi ng kamay ko.
Hinila ko naman siya para yakapin mula sa likod. Sinandal ko ang baba niya sa balikat nito.
"Kita mo 'yong langit?" Tinuro ko ito kaya napatingala siya. "Kasingganda mo 'yan."
"Kaya ba gustong gusto mo titigan?"
"Oo. Pero mas gusto kita." I kissed her cheek. "Gusto mo dalhin kita sa langit?"
Bigla naman akong pinaghahampas nito kaya isinangga ko 'yong kamay ko.
"Bastos ka!"
"Anong bastos doon? Dadalhin kita sa langit kasi sabay tayong tatanda at mamamatay. Gusto mo ba sa baba pumunta?" Inirapan niya lang ako at hindi pinansin. "Ano 'di ka pa rin payag na dalhin kita sa taas?"
Nagpa-cute ako at mukhang umepekto naman ito nang ngitian niya ako.
"Sige na nga!" Kinurot niya ang ilong ko at isinabit ang mga braso sa leeg ko.
"I love you to the skies and ground, Sych." bulong niya pero sapat na sapat na upang lumikha ng ingay sa dibdib ko.
"Even when the skies are fleeting?"
"No love of ours is fleeting. Mamahalin kita sa habang-buhay na alam ko." She uttered.
Then we sealed it with a kiss, under the sky, which was the witness of our every undying vow.
I thought I could never love again thinking that no amount of emotion could ever making my heart beat that fast. But she came back and she made me feel the best kind of love there ever is.
There were no boundaries crossed, for it was destined for our grounds to coincide. Even if our skies were fleeting, eventually we found our way back to each other.
This time, our skies will never part again even if the heavens intervene.

BINABASA MO ANG
Fleeting Skies
Dla nastolatkówPUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Sych Sebastian lived an ordinary life-he had normal friends, a normal school life and definitely normal a family. But his past says otherwise as a friend he had long forgotten decides to say hello, d...