Chapter 1

1.9K 58 18
                                    

CHAPTER 1

Habang naglalakad kami papasok sa airport, nag-uusap ang mga kaibigan ko tungkol sa isang bagay pero hindi ko magawang makisali dahil iniisip ko pa rin kung anong ibig sabihin ng panaginip ko nitong mga nakaraang araw.

"Ikaw, Sych?" Tinignan ko siya nang may halong kalituhan. "Luh. Tinatanong ni Zach kung dapat ba naghanda rin tayo ng banner para doon sa balikbayang hilaw."

"Umay. Olympic athlete ba 'yon?" pambabara ko na tinawanan lang nila.

Tumungo kami sa arrival area kung nasaan ang daming tao na naghihintay ng mga kamag-anak nila. 'Di tulad namin, may kani-kaniyang silang banner na nakataas kaya nagkatinginan kaming tatlo.

"Dudes!" sigaw ng pamilyar na boses mula sa malayo.

Cryd was wearing a loose sweater with a pair of black pants and white sneakers. He was running towards us while pulling his luggage and waving his other hand. Agad naming dinaluhan ito para tulungan sa pagbubuhat.

"Sino ka? Wavy fringe 'yan?" bati ni Zach sa bagong buhok nito.

"C'mon. I look great. Don't you think?" Sinuklay-suklay pa nito ang anit dahilan para mapangiwi kami.

"Pa-deport ka na lang ulit namin sa pinanggalingan mo bago kami um-oo." We laughed as made our way out of the airport.

Isinakay namin ang mga bagahe sa kotse ni Rover at dumiretso sa bahay ng tita ni Cryd. May sarili silang bahay sa Marinduque pero mas gusto nito sa tita niya dahil mag-isa niya lang naman doon kung sakali. Isa pa, mas malapit ang bahay ng tita nito sa mga bahay-bahay namin kaya mas mas convenient para sa'ming apat tuwing uuwi siya. Nagbabakasyon lang kasi ito tuwing summer.

"Hoy, totoo ba 'yong balita na nilalandi mo raw 'yong Mexican teacher mo sa Ohio?" Agad kaming napalingon kay Zach dahil sa pambungad na tanong nito.

"Lies. She was French, not Mexican." Sabay ngiti nito nang nakaloloko.

Yep. That's Cryd, the woman magnet in this group.

Pagpatak ng 12PM, tumigil kami para bumili ng makakain naming sa tanghalian. Nagprisinta si Zach na lumabas ngunit sumama pa rin si Cryd dahil naiihi ito. Kaya naman naiwan kami ni Rover sa sasakyan na abala sa pagkalikot ng cellphone nito. Iginala ko naman ang paningin ko sa 'di kalayuang parke upang malibang.

Namataan ko ang dalawang bata na nag-aagawan sa isang laruan. Mukhang mas matanda ang batang lalaki at 'di hamak na mas matangkad ito kaya naman nasa kamay nito ang laruan na pilit inaagaw ng batang babae. Halos magpatayan na sila doon sa gitna pero walang gustong magpaawat.

Hindi ko alam kung kikilabutan ako dahil kaparehas na kaparehas ito ng panaginip ko noong isang araw lamang.

"Sabihin mo muna na ako ang pinaka-gwapo sa mundo bago ko ibalik sa'yo 'to"

"Ayokong magsinungaling, 'no!" Napapairap nitong tugon kahit pa parehas na kaming hinihingal sa paghahabulan.

"Edi akin na 'tong laruan mo. Bleh!" Lalo kong binilisan ang pagtakbo ko para hindi niya ako maabutan.

Ang pikon talaga ng babaeng 'to! Ikli pa ng biyas!

Napawi lamang ang tawa ko nang bigla siyang mapaupo sa damuhan at nagsimulang umiyak nang malakas. Akala ko ginawa niya lang 'yon para patigilin ako, pero nang makita ko ang sugat sa tuhod niya, bigla akong nataranta at kumaripas ng takbo sa kinaroroonan niya.

"Sorry na. H'wag ka nang umiyak!" Inaalalayan ko siya pero sinadya nitong magpabigat kaya hindi ko siya maitayo.

Nang humagulgol ito lalo ay nadagdagan ang pagkataranta ko. Hindi ko alam ang gagawin dahil ma-pride pa naman akong tao at lalong-lalong hindi ko alam kung paano sumuyo at magpatahan ng babae.

Fleeting SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon