Chapter 18

406 19 5
                                    

CHAPTER 18

"Happy Birthday, KL!" bati namin sa natutulog kong kapatid. Kinukusot pa nito ang mata nang bumangon, ngunit agad din itong napangiti nang makakita ng cake sa harap niya.

"Make a wish, Kynch!" Masaya nitong hinipan ang kandila kaya naman nagpalakpakan kami pagkatapos.

"Halika dito!" I scooped her from her bed and playfully swung her.

"Sych, mahulog!" bulalas ni Alyana.

"11 years old ka na, magco-commute ka na mag-isa, ha? Bawal na magpasama kay kuya!" Umiling ito habang inaayos ko ang pagbuhat ko sa kaniya.

"No! I'm stil your baby!"

"Of course, that won't ever change." Pinaulanan ko ito ng halik sa mukha. Tawa naman ito nang tawa.

"Ako rin, sali ako!" Sumabit si Alyana sa likod ko para makisama sa kulitan namin.

"Hoy, ang bigat mo! Baba!" Ginalaw-galaw ko 'yong balikat ko pero lalo itong kumapit kaya wala na akong nagawa.

"Kayo talaga! Bumabata ako kapag kasama ko kayo, eh." ani mama habang nagpupunas ng luha.

Hinayaan muna namin si KL sa kwarto niya at bumaba kami para makapag-ayos sa birthday party niya. Tawagin na lang raw namin siya kapag maghihipan na ng balloons.

"Tinawagan mo na sina Zach?" ani Alyana habang inaayos ang ilang decorations sa sala. Nasa kusina sila mama at ang ilang mga kapitbahay namin na nagluluto. Kaya kami na ni Alyana ang umasikaso dito.

"Oo. Pero baka 'di nila alam anong oras, tawagan mo nga ulit." Binigay ko ang cellphone sa kaniya dahil abala ako sa pag-aayos ng mga kurtina. Nag-dial si Alyana sa cellphone ko at inilapag sa lamesa pagkatapos.

"Ito na. Naghahanda na!" anang boses ni Zach.

"Si Alyana 'to!" Masiglang bati niya.

"Ampotek. Sorry! Punta na ba kami diya'n?"

"Mamayang alas-tres pa. Nag-aayos pa kami, eh."

"Sige. Si Sych? Tulog pa?"

"Nasa tabi ko. Naka-loudspeaker ka."

"Pangit niya kamo." Tumawa ito nang malakas kaya naman kinuha ko ang cellphone mula kay Alyana at binabaan ito ng tawag.

Ginugol namin ang buong umaga sa pag-aayos sa sala. Hindina namin inalis ang TV sa gitna dahil may ipa-play kaming video presentation mamaya para sa kapatid ko.

"Binili ba natin 'yang banner na 'yan?" Turo ko sa kaaayos niya lang na banner kanina.

"Hindi ah, ako nag-letter cut niya'n. pinagpuyatan ko 'yan, 'no." Mayabang niyang tugon na na may pahawi pa sa buhok niya.

"Grabe, ang talented naman! Kaya ba ang ganda-ganda ng scrapbook mo, ha?" Bumaba ako sa upuan at niligpit ang natitirang thumbtacks. "Favorite sub mo 'yong nagpa-require no'n, 'no?"

"Medyo. Palaging may arts doon sa subject na 'yon, eh." Napaisip ako sandali. So, she loves art?

"I just thought of this now, when is your birthday?" Because I think I know what I'll give her when that day comes.

"Birthday?"

Kumunot ang noo niya habang pilit itong inaalala. Hindi ito agad nakasagot. Bagkus at napahawak ito sa lamesa kaya bigla akong napatakbo sa direksyon niya para 'di siya matumba.

"May masakit ba sa'yo?" I asked trying not to panic.

"Parang kumirot bigla dito." Hinawakan niya ang sentido niya.

Fleeting SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon