CHAPTER 12
Katatapos lang naming sa training. Pabalik na ako sa bleachers pagkatapos kong magpalit nang makita ko si Alyana at Cryd kasama si Xy. Ano kayang ginagawa niya dito?
"Hey, Sych. I hope you don't mind!" bati nito nang makalapit ako. Tinignan ko si Cryd na may halong pagtatanong.
"It wasn't me. Magkasama na sila ni Alyana pagkarating ko rito galing practice." bulong niya. Magkakilala sila?
"I met Alyana on my way here, Sych. Anyway, we're friends now. 'Di ba, Aly?" ani Xy habang kumakapit sa braso ni Alyana.
"Of course! Kakain pala kami ngayon, gusto mo bang sumama?"
"Alyana!" Sabay pa kami ni Cryd. Tinignan niya kami na para bang wala itong alam.
"Really? Sige, my treat!" anito sabay ayos ng bag strap sa balikat niya.
Napakamot na lang kami sa batok parehas. Si Alyana naman mukhang excited at hindi nakarating sa kaniya ang gusto naming ipahiwatig ni Cryd.
"Hindi ka naman kumakain ng streetfoods, 'di ba?" I tried my shot.
"Hindi. Pero there's always a first time in everything 'di ba? Tara na, lead the way!" Inakay nito sa braso si Alyana at nauna na sila. Wala na kaming nagawa kundi sumunod.
Nilakad namin 'yong turo-turo stalls na nasa labas lang ng campus. Dito ang usual naming tatlo magmula nang dalhin ko 'yong dalawa dito.
Sinalubong agad kami ng usok mula sa mga ihawan. Dumiretso kami doon sa mamihan para may lamesa at mga upuan na paglalapagan kami ng gamit. Kung tatlo lang sana kami, okay lang kung palipat-lipat kami ng stalls, pero kasama namin si Xy kaya hindi na kami gaanong maglilibot.
Umupo si Alyana sa opposite side ko kaya magkatabi sila ni Cryd. Naghila kami ng upuan ni Xy bago ibinaba ang bag. She was scrunching her nose while wiping her chair with a tissue.
"So, what now? I don't know how to order, eh. Samahan mo ko, Sych?" Pagprisinta nito na siyang ikinagulat ko.
I couldn't even get her to a hand me a glass of water before.
"Ako na. Walang kasama si Alyana na magbabantay ng mga bag, eh." Inakbayan ni Cryd si Xy at inakay papunta sa counter. Nakasimangot naman itong nagpatangay sa kaibigan ko.
"So you just met awhile ago?" baling ko kay Alyana nang kami na lang ang maiwan.
"Oo. Bigla niya na lang akong nilapitan sa bleachers kanina habang hinihintay kita." She leaned closer. "Ang ganda niya pala talaga, 'no? Tsaka ang bait niya at friendly!"
Mas maganda ka. Mas mabait ka. Mas friendly ka, kung alam mo lang.
Habang naghihintay, kinwento ni Alyana sa'kin 'yong mga nangyari sa kaniya sa klase. Of course I did the same. We're doing the transparency rule quite well, and it's just my favorite part of the day.
"Food's here!" bulalas Alyana nang dumating ang order na mami sa table namin.
Maya-maya dumating na si Xy at si Cryd na may dalang plastik ng iba't ibang pagkain na nakalagay sa stick. Nang makaupo na sila, binuksan ko ang bote ng mountain dew at sinalinan ang mga baso namin.
"Here's to a new found friendship!" sigaw ni Xy at itinaas ang baso.
"New found friendship!" Sunod ni Alyana kaya sumunod na lang din kami ni Cryd.
Pinapalamig pa ni Alyana ang pagkain kaya naman hindi pa ako kumakain hangga't hindi pa siya kumakain. Nakasanayan na kasi naming maghintayan.
"Sych, want some?"
![](https://img.wattpad.com/cover/124467357-288-k104675.jpg)
BINABASA MO ANG
Fleeting Skies
Teen FictionPUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Sych Sebastian lived an ordinary life-he had normal friends, a normal school life and definitely normal a family. But his past says otherwise as a friend he had long forgotten decides to say hello, d...