Chapter 1

173 5 0
                                    

Riinnnggg...

Rriiinnngggg...

Riinnnggg...

Naalimpungatan ako ng marinig ko na may tumatawag sa cellphone ko. Tinignan ko ang orasan na malapit sa kama ko at alas nuebe na pala ng umaga. Agad ko namang sinagot ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.

"Ano?"

Ang tanging salita na lumabas sa bibig ko. Subukan mong hindi magsalita agad at kukurutin ko talaga yang dila mo hanggang sa mapigtas ang tanging nasa isip ko.

"Babe.. Oohh.. Bat mo pinatay? Nag iinit na ako, lalabasan na ako hmm.."

Ungol ng nasa kabilang linya. Sa sobrang gulat ko napaupo ako bigla, what the fuck? Sabay tingin sa cellphone ko para alamin kung sino ang tumatawag pero walang nakalagay kundi number lang. Napangisi nalang ako ng wala sa Oras.

"Bat ko pinatay? Hoy unggoy na mukhang pinaglihi sa paniki gusto mong Ikaw ang patayin ko? TANGINA MO caps lock yan gago para ramdam mo. Ang ganda ganda ng tulog ko para gisingin mo pakyu ka."

Mura ko sakanya. Ma wrong dial ka na sa lahat wag lang sa bagong gising Alam nya ba yun? Ginising ako kasi nag iinit na daw sya? Ako din nag iinit na, nag iinit na ang ulo ko sa sobrang inis.

"Shit! Wrong Dial Miss I'm so- "

Hindi pa nya natatapos ang sasabihin nya pero binaba ko na agad yung tawag, badtrip e. Nawala na yung antok ko kaya minabuti Kong maligo nalang muna.

After Kong magbihis, may tumatawag nanaman sa akin na unknown number, bigla bigla nanamang kumulo ang dugo ko.

Talaga bat iniinis ako ng lalaking to? Kunwari wrong dial yun pala gusto lang akong makilala? Oh tapos makikipag kaibigan sya, ako naman tong uto uto at papayag pagkatapos manliligaw sya, magiging kami tapos maglalandi sa Iba at iiwan lang din ako. Mga galawan nya e, style nya bulok.

Akala nya ba maloloko nya ako? Aba humanda ka, pagkatapos mong sirain ang araw ko? Agad Kong pinindot yung answer button.

"OH ANO HUH? NILABASAN KA NA BA? SHIT DIBA? ANG SARAP SARAP KO HMM.."

Pasigaw Kong sabi, akala nya ba sya lang ang marunong? Nakakainis.

Magsasalita pa sana ako ng marinig ko na may tumatawa sa kabilang linya. Tinignan ko ulit phone ko pero unknown number talaga yung nakalagay.

"Ate? Ako to si Gab, nagpalit ako ng number. Ano bang sinasabi mo? Anong nilabasan?"

Halaka Gin, pattay na. Napahilamos nalang ako sa mukha ng malaman Kong yung brother ko pala yung nasa kabilang linya, nakakahiya! Halata sa boses nya yung pagpipigil nya ng tawa. Bat ba kasi hindi sya agad nagpakilala?

"G-Gab? Sinong nagsabing magpalit ka ng number? At bakit ngayon mo lang sinabi ha?"

Galit galitan Kong sabi. Aasarin kasi ako nito e. Sana naman umepekto. Sana kumagat ka.

"E kasi ate eh, si Mica kasi nagtapat na."

Napangiti nalang ako sa sinabi nya, Matagal na daw kasing nagpapansin sakanya yung Mica pero Ayaw daw nya dito, hindi daw yung tipo ni Mica ang type nya, masyado daw kasing maarte.

"Magkita tayo, asan ka?"

Tanong ko sakanya, sakto gutom na din ako. Sabay tayo at Kuha ng camera at susi ng sasakyan ko.

Mahilig akong kumuha ng larawan, at isa sa pinaka gusto Kong subject Ay si Gab. Meron yung pumunta kami sa France, sa Italy at marami pang Iba.

"Ite-text ko nalang ate yung address."

Dali dali naman akong sumakay at nag drive papunta sa address na bigay ni Gab.

----
End of Chapter 1 :)

I Want YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon