Kung Ikaw ang nasa sitwasyon ni H, sino nga bang pipiliin mo?
Si past na akala mo nakalimutan mo na, pero makalipas ang Mahabang panahon sya at sya padin ang laman ng puso't isipan mo?
O si present na handang gawin ang lahat mapasaya ka lang. Dahil...
Mas lalo akong kinabahan nung makita Kong sumigaw sya at papalapit na sa akin. OMG Anong gagawin ko? Habang palapit sya ng palapit pakiramdam ko matatae na ako.
"Anong ginawa mo?"
Turo nya sa motor nyang naka tumba. Hindi ko Alam kung Anong Naisip ko at bigla akong natawa sa Itsura nya, galit na galit kasi sya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Look I'm sorry hindi ko sina- " hindi ko pa tapos yung sasabihin ko ng magsalita sya ulit.
"Hindi sinasadya? Hindi pwede tatawag ako ng pulis."
"Hey it was an accident." Paliwanag ko pa pero nilabas na nya ang cellphone nya.
Naalarma naman ako bigla, pulis agad? Hindi ko na talaga Alam ang idadahilan ko. Kaya Naisip ko na takasan nalang sya. At higit sa lahat kakalimutan na may Forever.
Maglalakad na sana ako papuntang sasakyan ko ng bigla nyang hinablot yung susi na Hawak hawak ko at sa isang iglap lang namalayan ko nalang na nasa loob na sya ng sasakyan ko.
Nung buksan ko yung pinto ng sasakyan, agad nya itong ni lock. So kanya yung kotse ganun? Paano ako Uuwi nito? Kahit talaga gwapo tong lalaking to papatulan ko talaga to.
Pilit ko padin binubuksan yung pinto ng kotse, at nung tignan ko sya ngumisi pa ito na parang nang iinsulto. The Fuck!
"Buksan mo to." Pagbabanta ko sakanya. Matakot ka please.
"Eh kung Ayaw ko?" Sagot naman nya pero this time naka ngiti na sya, yung ngiting panalo at ako ang talo.
Tumingin sya sakin habang Nakangiti. Shit why so handsome? Wag ka masyadong ngumiti ng ganyan baka hindi ako makapagpigil at itanan kita jan.
"Nakikita mo ba to?"
Hanggang sa hindi na ako nakapag timpi at pinakita sakanya ang singsing na nasa daliri ko. At sya naman tong nakangiti Parin at nakikinig lang.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Kapag hindi mo binuksan itong pinto, susuntukin ko itong salamin ng sasakyan gamit nitong singsing ko, at Kapag nangyari yun sisiguraduhin Kong tatama ito sa mukha mo."
Naka ngisi Kong sabi. Tumango tango naman ito na parang naiintindihan ako. At Napangiti nalang ako ng buksan nya finally yung pinto ng kotse.
Agad akong tumabi sakanya. Hindi ko Alam kung San nya ako dadalhin, feeling din pala tong Isang to, kung maka drive sya kala mo kanya tong sasakyan.
Tinignan ko sya habang seryoso sa pagmamaneho. Di ko lubos maisip na kanina pasikreto ko lang syang sinusundan, pero ngayon kasama ko na katabi ko pa. Makapag Simba nga minsan para mapasalamatan ko si Papa God.
"Anong pangalan mo?"
Hindi ko na mapigilan, kating kati na yung dila Kong magtanong.
"Call me H." H? Kaartehan Neto? Seryoso ba sya?
"Hmm H? Bakit naman H?" Nagtatakang tanong ko.
"Hulaan mo." Tipid nyang Sagot habang nakangiti.
"Ah Alam ko na, siguro ang baho ng pangalan mo Kaya H lang ang ginagamit mo. Feeling ko Ang full name mo Hipolito."
Sabay hagalpak ko ng tawa with matching hawak pa sa tyan at sabay Turo sakanya. Grabe ang gwapo nyang lalaki pero yung pangalan nya ang bantot. Natatawa nalang din sya.
"No, it's Hugo."
Nakangiti nyang Sagot. Natigil naman ako bigla sa pagtawa, oh ano ka ngayon? Pahiya ka no? Tawa pa more sabi ng utak ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(It's Hugo "H" Verviende)
"Hugo is a beautiful name."
Seryoso Kong sabi. Napangiti naman sya sa sinabi ko, Puro sya ngiti nakakainlove este Nakakainis.
"Ikaw Anong pangalan mo?"
Nakangiti padin nyang tanong, wag kang ngingiti sabi e.
"Gin."
Tipid Kong sagot at tumango tango naman ito. Pansin ko kanina pa ito nag da-drive San ba talaga ako Neto Balak dalhin?
"Gin huh? Hulaan ko buong pangalan mo."
Sabi nya habang nakahawak sa baba nya na para bang nag iisip kung Anong sasabihin.
"Umayos ka ah." Banta ko sakanya baka kasi maghiganti at ako naman ang pagtawanan.
"Ginebra San Miguel tumama ako diba?"
At tumawa na sya ng tumawa. Bat ganun? Ang epic na ng Itsura nya pero sobrang gwapo nya padin. Bakit pag si Gab natawa mukha syang abnoy,hustisya please.
"OMG stalker kita no? Pano mo nalaman yung buong pangalan ko?"
Natigil naman sya bigla at tumingin sakin ng seryoso.
"Seriously? Ginebra San Miguel talaga pangalan mo? Siguro yung tatay mo lasenggo no kaya ganyan pinangalan sayo." Natatawa nyang sabi.
Nagulat sya ng sinampal ko sya bigla sa bibig, napatigil sya sa pagtawa at tumingin saakin ng 'bat-mo-ko-sinampal look' natawa naman ako sa Itsura nya.
"S-sorry Lasenggo ka Jan, gusto mung sabunutan ko yang buhok sa ilong mo?" Natatawa kong sabi at Maski sya natawa nalang din.
"Gzinebra Sam Miguel buong pangalan ko, subukan mong tumawa ibabaon kita ng buhay." (Yung pronunciation ng Gzinebra nya is hi-ney-ra pero nickname nya Gin as in Jin.)
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Gzinebra Sam Miguel - yung nasa picture)
Nagtatawanan lang kami ng bigla nya akong tanungin kung Handa na daw ba ako?
Napangisi nalang ako ng wala sa Oras kasi alam ko na agad yung Balak nya. At Sanay ako sa mga larong gusto nya.